Chapter 40

162 16 17
                                    

Operation NIGHTFALL

Written by Angelo

Chapter 40





Briana's POV



Isa't kalahating araw na ako dito sa tanggapan ng Intelligence Division.



Hindi naman nila ako hinaharaas. They just ask me questions about the FIRM. Kung ano ang ugnayan ko sa kanila, at kung ano ang mga binabalak nila. Sinabi ko naman sa kanila ang lahat nang aking nalalaman. That I'm just a tool para makuha ang nuclear codes.



Ang tanging hindi kolang sinabi sa kanila ay ang pag bigay ni Geo ng codes. I know si Geo nanaman ang kukulitin nila at kung lumala pa ay siya pa ang kukunin nila doon. Mas makakabuti kung ako nalang.



I think I've given them all the information they needed, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa nila ako pinapakawalan. Sabik na sabik na akong makita ang anak ko at si Geo. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil lang sa kakaisip nito. Okay naman ang room na binigay nila. The food they provide was great, at parang hindi naman ako prisoner dito. Siguro dala lang ito sa pananabik ko sa kanila kaya hindi ako nakatulog ng maayos.



May sumundo sa akin sa kwarto at pinapapunta daw ako sa office ng director. I don't know kung para saan nanaman ito pero sana matapos na ang mga katanungan. Parang pabalik-balik lang kasi ako ng sagot.



Huminto kami sa tapat ng isang upisina. Napatingala ako sa naka sulat sa taas.



*Regional Director' office*



Ito na siguro 'yon. Pag bukas nang pinto ay agad akong nagulat sa lalakeng naka tayo sa tapat ng Director. Camouflage ang kaniyang uniporme at may suot pa siyang army cap.



Noong nilingon niya ako ay mas lalo pa akong nagulat nang makilala kung sino siya.


"Briana!!"



"Kenj!!"



Mabilis siyang lumapit sa akin at niyakap niya ako. Humalik ako sa pisngi niya at tinitigan siyang mabuti.



"Are you okay?! Hindi ka naman nila pinahirapan dito?! Are you hurt?!" Sunod-sunod niyang mga tanong kaya napangiti ako.



"Okay lang ako Kenj." Napahinto ako at hinigpitan ang pag hawak sa kaniyang braso. "I'm so glad to see you."



"Me too.. don't worry, I'm here to take you home!" Naka ngiti niyang sagot at pagkatapos ay inakbayan niya ako tsaka sabay naming hinarap ang director ng Intel Unit.


Gosh I felt so relieved!



"So?? Ano pa ang kailangan mo?" Tanong ni Kenji sa director.



"Legit ba 'tong release order mo?" Sagot sa kaniya ng director at parang hindi siya kontento sa mga papeles na kaniyang binabasa.



"Tingnan mong ma-igi ang naka perma diyan! Sabihin mo sa'kin kung sino." (Kenji)



"Secretary of defense." Sagot ng director na siyang ikinagulat ko.



Anong kinalaman ng secretary of defense dito???



"Good! So do you want me to call him? I can call him if you want?!" Giit pa ni Kenji.


Nagpabalik-balik ng tingin ang director sa kay Kenji at sa mga papeles.



Operation NIGHTFALL (completed)Where stories live. Discover now