Operation NIGHTFALL
Written by Angelo
Chapter 14
"Ate? Okay ka na ba?! Ate Briana?"
Ito ang una kong narinig noong unti-unting namulat ang aking mga mata.
Si Anabel...she was holding a towel that was soaked in warm water. Sa gilid ko naman ay si Matty while playing with my hair.
Nandito na pala ako sa loob ng munting bahay nila habang naka higa sa sofa na gawa sa kawayan. Dahan-dahan akong umupo. Napahawak ako sa aking noo at umiling-iling. Napahinga ako ng malalim tsaka ngumiti.
"Haaaaay... M--Mabuti naman panaginip lang 'yon. Ilang oras ba akong nakatulog, Bel?" Tanong ko sa kaniya.
Nagtaka siya.
"Po?!"
"It was all a dream right?! Hahaha! Ang sama ng panaginip ko kani—"
"Huy!"
Bigla akong napahinto at napatingin sa lalakeng naka upo sa harap ng lamesa. He was still half naked at may bakat pa rin ng dugo ang kaniyang balikat. His eyes was glimmering dahil sa sikat ng ilaw sa taas, and he was looking seriously at me.
"Oh no..." Sambit ko sabay sumiksik sa gilid ng sofa. "H--Hin--Hindi 'yon panagi—shit!" Takot kong saad habang deretsong naka tingin sa kaniya.
Agad siyang tumayo at lumapit sa harap ko. Tinitigan niya muna ako ng ilang segundo bago napahugot ng buntong hininga.
"It wasn't a dream, Briana." Seryoso niyang saad sabay ngiti ng bahagya tsaka napatingin siya sa labas ng pinto.
"Ate...sana h'wag niyo po ipagsabi ang sekreto ni kuya Geo." Salita ni Anabel habang naka hawak sa kamay ko.
"Hindi niya ipagsasabi 'yan." Sumingit si Geo habang naka tingin pa rin sa malayo. "Katulad noon ay hindi niya ikakalat ang sekreto ko." Dagdag niya at pagkatapos ay doon niya na ulit ako tiningnan.
"A--Alam ko na 'to before?! I mean, nakita ko na ang—ang--whatever that is?!" Na utal kong saad.
"Maliban sa hinimatay ka, Oo." Sagot niya sabay upo sa gilid ko. "Ganiyan-ganiyan ang mukha mo noong unang mong makita ang mga sugat kong humihilum."
Ilang sandali pa ay umalis na si Anabel. Na iwan kami ni Geo doon habang tahimik pa rin akong nakatingin sa kaniya. Tinitigan ko ang balikat niya, wala na talagang sugat. Napatingin ako sa dibdib niya sabay kurap at umiwas ng tingin.
"Uhhm..c--can you turn around, please?" Aniya ko Pa.
Ngumiti lang si Geo at tumalikod sa akin. Parang ayaw ko pang hawakan ang maskulado niyang likod pero I need to feel--TO SEE!! To see it for myself! Shit!
Ma inam kong hinawakan ang likod niya kung saan nakita kong may malaking hiwa kanina. I touched his back and only noticed some of the blood stain.
"Does it hurt?" Saad ko habang hinahaplos ang likod Niya. "Kapag humihilum? Masakit ba?" Dagdag ko.
Humarap siya sa akin habang may konting ngiti sa kaniyang mga labi.
"Ganiyan din ang mga tanong mo sa akin noon." Sagot niya sabay napayuko at pagkatapos ay dahan-dahang tumango. "Yeah...masakit kapag humihilum na siya."
YOU ARE READING
Operation NIGHTFALL (completed)
ActionPaano kung hindi ka pwedeng mamatay? Your body aged every single day like everybody else but no weapon can hurt you? Anong gagawin mo? Ito ay kwento ng isang pangkaraniwang sundalo... Lieutenant Geo dela Vega was a dedicated soldier. He was known t...