CHAPTER 1: EAT YOUMasarap naman ang gising ko sa umaga. Kaya lang naroon pa rin ang sakit sa kamay at paa ko. Kamuntik ko na ngang makalimutan na nakidnap pala ako kaya nagising ako sa ibang kwarto.
Anong gagawin ko?
Naisipan kong hanapin kwarto ng lalaking 'yon. Nagbabakasakaling mapapakiusapan ko pa at bigyan kami ng kaunting palugit.
Paglabas ko ng pinto ay nahihilo na ako sa dami ng pintong pwedeng puntahan. Hindi ko alam kung saan magsisimula at saan siya makikita.
Palinga linga ako at mabuti na lang may napansin akong tao sa pinakadulo na nakatayo na para bang binabantayan niya ang likod ng pinto. Siguro iyon na ang pinto at gwardiya niya yung nakatayo.
Lumapit ako sa kanya na nakangiti para pwede niya akong papasukin. Kailangan ko talagang makausap ang boss nila.
"Hi!"bati ko ng tuluyan ng makalapit.
Nakabusangot siya ng lumapit ako. Tuwid na tuwid ang pagkakatayo at may itsura nga naman siya pero mas gwapo talaga yung boss nila. Matipuno ang katawan at halatang habulin ng mga babae.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa kaya medyo nahiya ako roon. Tanging malaking t-shirt at pajama lang itong suot ko. Hindi ko nga alam kung kanino 'to basta sinuot ko lang ang mga damit na 'to kagabi.
Kalaun ay ngumiti din siya sabay mahinang hampas sa braso ko na para bang bakla.
Napangiwi tuloy ako sa kinilos niya. Hindi ko inaasahan 'yon at isa pa hindi kami close.
"Ikaw ha? Masarap ba...?"pabirong tanong at may kung ano sa mga ngiti niya na hindi ko makuha.
Nangunot ang noo ko sa ibig niyang sabihin.
"Ang alin?"nalilitong tanong ko.
Pero mapaglarong ngiti ang ginawad ng gwardiyang ito sa akin.
"Hmm. Maang maangan pa eh! Narinig ko kagabi nuh? Kayo ni Boss."sabi niya na agad namang ikinapula ng pisngi ko.
Ibig sabihin narinig niya ang mga ungol ko kagabi habang may ginagawa sa'kin ang sir nila. Ibig sabihin masyado akong nasarapan kasi masyadong malakas ang boses ko dahil narinig talaga nila.
Hindi ako nakapagsalita at nangangapa pa rin ng sasabihin. Masyado na talagang nakakahiya itong mga Pangyayari sa buhay ko.
"O...speechless siya kasi sobrang sarap."
Bakla talaga siya confirm. Sa boses niya pa lang ay halatang halata na hindi lang sa katawan. Mas lalo naman akong namula sa panunukso niya kaya nablangko ang pag iisip ko.
Totoo naman kasi....
Ilang saglit lang ay lumabas naman ang isang babae na busangot din ang mukha. Pinaglihi yata sila sa sama ng loob.
Nakasuot siya ng damit katulong kaya agad kong nakuha kung ano siya rito. Katulad ng baklang ito pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Uy! Maganda siya...Sino na naman ba 'to Timo?"turo niya sa akin pero ang mga tingin ay sa gwardiya.
"Ah! Siya si..."pakilala niya sa akin pero hindi natuloy dahil hindi pa naman talaga ako nagpapakilala sa kanila.
"Ako si Jenie."sabi ko
"Ahhhh! Si Jenie! Oo ikaw pala yun. Si Jenie at ako naman si Tsoleng." sabi ng katulong at agad na nilahad ang kamay sa akin kaya wala na akong magawa kundi tanggapin.
"Kilala mo siya Tsoleng? Saan?"tanong ng Timo sa gilid.
"Jenie ba 'yung sa loob ng bote. Doon sa palabas na Aladdin."pagpapaliwanag ni Tsoleng na muli kong ikinangiwi.
"Bobo mo talaga! Ginie yun hindi Jenie. Siya yung nasarapan kagabi. diba?"
Naibalik niya na naman ang pag-uusap namin kanina tungkol sa sarap sarap na 'yan. Hiyang hiya na nga ako ay dinagdagan pa talaga ng Timo na 'to.
"Oo yung narinig nating ungol kagabi. Naku! Sobrang sarap nun!"ani Tsoleng at may pakagat pa ng labi.
Jusko! Paano ba makawala sa kanila. Parang ang dudumi naman ng mga pag-iisip ng mga 'to. Ayaw ko na talaga dito.
"Sabi ko nga sa kanya masarap eh, ayaw pa umamin. Sige nga sabihin mo kung masarap ba o hindi?"tanong ni Timo.
Hindi ko napigilang humawak sa magkabilang pisngi ko sa sobrang pamumula. Bakit ba kasi may mga ganitong tauhan ang lalaking 'yon?
Nakakahiyang umamin. Ayaw ko man na umamin pero dahil sa pagpupumilit nila ay napaamin na rin ako."Oo. masarap. Sobra."medyo pabulong kong sinabi kaya nagpalakpakan ang dalawa na may kasama pang talon.
"Sabi ko na masarap 'yung binake naming cookies!"sabi ni Tsoleng at nagtitili.
Muli na naman akong nalito sa ibig sabihin ni Tsoleng. Paano naman napasok ang cookies sa usapan. Nasa ibang planeta ba ako?
"Huh? Anong cookies?"tanong ko para maliwanagan na rin.
Natigil ang dalawa at binigay sa akin ang buong atensiyon.
"'Yung cookies nga. Yung sinasabi naming masarap at sobrang sarap. Diba nakakain ka? Gawa kasi namin 'yon ni Timo at pinakain sa inyo."paliwanag ni Tsoleng sa akin.
"Bakit may ibang cookies bang kinain si sir?"tanong ni Timo at bumusangot na naman.
All this time nagkamali pala ako ng iniisip. Iba pala ang ibig nilang sabihin sa naiisip ko. Ako pala itong madumi ang pag-iisip kaysa sa kanila na cookies lang tinutukoy. Naalala ko kagabi kumain din pala ako ng cookies at aminado naman akong masarap iyon.
Pulang pula naman ang mukha ko ng pinapasok ako ni Timo at pinaalahanan pa na mukhang dragon. magalit ang boss nila. Pero sa tingin ko kaya ko 'to.
Parang inaasahan niya naman akong papasok doon dahil mata kaagad niya ang sumalubong sa akin.
Nakasuot siya ng puting longsleeve na nakatupi hanggang siko, ang mga kamay niya ay nakasalikop habang nakatukod ang mga siko sa babasagin niyang mesa.
Pulang pula pa ako pero mas namula pa yata ako sa paraan ng titig niya. Parang nag-aapoy at hinuhubaran ako kaya parang gusto ko na lang bumalik sa labas.
"G-good morning. A-ano sana..."hindi ko matapos tapos ang sasabihin ko sa hiya at kaba.
Ewan ko kung bakit ang tapang ko kanina pero ngayon parang umatras lahat ng tapang ko ngayong kaharap ko na.
"P-pwedeng ano..."nauutal kong sinabi.
Tumaas naman ang isang kilay niya at tila nauubusan na ng pasensiya.
"What?"mahinahong sinabi niya pero parang ramdam ko na bubuga na ng apoy 'to.
"A-ano may cookies pa bang natira sila Tsoleng..."iyon na lang ang tanging nasabi ko dahil hindi ko na naalala kung ano ang pinunta ko dito.
Sobrang gwapo ba naman kasi ng kaharap ko. Lalo na kapag nakikita ko ang malambot at pinkish niyang lips ay naaalala ko ang halikan namin kagabi.
"I see. You want to eat the cookies and I want to eat you."namamaos niyang sinabi na ikinatigil ko.
Tanginang kahihiyan 'to. Lubayan mo ako. Hindi talaga siya nahiya na sabihin 'yon sa harap ko! Talagang ako pa itong may ganang mahiya.
"Anong eat eat! Gusto ko lang naman kumain."nakangusong sinabi ko.
Natikman niya lang ako naadik na. Gusto pa akong kainin. Virgin pa ako kaya hindi pa ako magpapadala sa mga lalaking mang iiwan lang din tulad niya.
"But let me eat you first. I want you to be my breakfast."
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.