CHAPTER 49

83 6 0
                                    

CHAPTER 49

Nagising ako sa umaga nang naramdaman kong may naglilikot sa tabi ko. Hindi ko pa naman tuluyang naibubuka ang mga mata ko pero nangingiti na ako habang naririnig ko ang hagikhikan ng mag-ama.

Nakatagilid ako at nakaharap sa pader kaya di ko makita ang pinaggagawa nila ngunit sa tuwing gumagalaw sila ay natatamaan naman ako. Parang punong puno ang puso ko at hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa sobrang saya. Marinig ko lang sila na nagkukulitan ay umaapaw na ang puso ko sa saya.

Hindi ko naisip dati na mangyayari pala ito, sobrang saya lang.

Hindi ko alam kung komportable ba ang tulog niya kagabi gayong sobrang liit ng kama namin kaysa sa katawan niya. Nakabaluktot tuloy ang katawan  niya habang natutulog at hinayaan ko siyang yakapin kami ni Baby.

Narinig ko ang tunog ng paghalik nito kay Baby Vin na siya namang ikinahagikhik ng bata. Parang tumalon ang puso at gusto kong humarap para pagmasdan sila ngunit kapag ginawa ko naman iyon ay siguradong titigil sila.

"I am you Papa, Say Pa...Pa..."aniya, napakagat ako sa aking labi para pigilan ang ngiti.

Masayang humiyaw si Baby Vin na akala mo nagbibiro ang ama niya. Ibinuka ko ng kaunti ang mata at nakitang madilim pa sa labas dahil wala pa akong nakikitang liwanag. Gaya ng sabi ko ay maagang nagigising itong si Baby Vin, siguro nagising din si Von o natulog kaya siya?

"Shhh... My little sperm, please be quite... Mama will be awake."

Gusto kong matawa sa tinawag niya sa anak ko. Hindi na sperm 'yan! Sa daming sperm na pinutok mo sa akin, siya lang ang itong nakaligtas.

Gusto ko sanang matulog ulit ngunit ang sarap lang sa pakiramdam na binubulungan niya si Baby Vin.

"Ma...Ma..."uminit na naman ang puso ko sa salitang namutawi ng anak ko. Hindi na siya mas'yadong nahihirapan sa pagsambit sa salitang Mama. Naramdaman ko ang kamay nito sa likod ko na para bang may hinahanap. Alam ko ang hinahanap niya ngunit hinayaan ko muna siyang mangapa.

"Mama is sleeping. Are you hungry? Don't be hungry my baby, I don't have milk. What the hell!"mahinang sinabi niya ngunit ramdam ko naman doon ang kanyang pagkataranta.

Naramdaman kong umahon siya sa pagkakahiga. Agaran akong nagpanggap na natutulog dahil nakita kong sinilip niya ang mukha ko at sinubukan pa akong iyugyug, hindi niya naman na inulit dahil baka ayaw niya akong maistorbo sa mahimbing na tulog.

"It's 4:30 in the morning, let's make your milk outside."

Mariin kong kinagat ang aking labi. Talagang gagawin niya iyon? Hindi niya talaga ako susubukang gisingin? Tulog pa yata ang lahat ng tao sa bahay at hindi niya kabisado rito kahit maliit lang ang bahay. Napaisip pa ako kung marunong ba siyang magtimpla. Pero sabi nga ni Owen ay magaling naman daw itong mag-alaga kaya tiwala ako.

Umalis siya na dala dala ang anak ko. Parang namiss ko tuloy si Baby Vin na wala sa tabi ko ngayon ngunit kasama niya naman ang ama niya kaya hahayaan ko muna. Bakit kasi mas nauuna pang nagigising si Baby Vin kaysa sa manok.

Naririnig ko ang mga kalampag doon sa kusina ngunit hinihila naman ako ng antok. Gusto ko sana silang sundan pero inaantok pa rin ako kaya hinayaan ko na lang muna.

Nagising ako sa sinag araw na tumatama sa aking mukha. Kinapa kapa ko naman ang aking tabi ngunit wala akong naramdaman na bata. Kinusot ang aking mata dahil malabo pa ito pagkatapos ay tinignan ang tabi ko.

Wala si Baby sa tabi ko ngunit natagpuan ko naman ito sa bandang bintana at bahagyang pinapaarawan habang karga ni Von. Tila sila estatwa na hindi gumagalaw habang parehong nakatingin sa akin. Nakadiaper lang si Baby at basa pa ang buhok, mukhang katatapos lang maligo at pinarawan lang saglit.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon