CHAPTER 14: MAID PALA!Bumaba muli ako kanina ng narinig ng nalaman kong wala na ang impakta. Tinawag din ako ni Tsoleng kaya narito ako ngayon.
Habang narito ako sa sala nakaupo ay hindi ako mapakali. Hindi ako mapakali na iniisip kung ano ang ginagawa nila Von at Lola na 'yon sa loob ng opisina niya.
Nag-uusap lang ba talaga? O kaya nilalason na ng lola ang utak ni Von. Halata pa naman na may gusto siya kay Von.
Sino ba kasi siya?
Mula sa taas ay nakita kong pababa na si Tsoleng at halatang papunta sa akin kaya hinintay ko na lang. Nagkunwari naman akong kalmado dito.
"Ayos ka lang?"tanong niya pagkababa niya.
Ngumiti ako sa kanya at pinakita na ayos lang ako.
"Sino ba 'yon?"tanong ko ng hindi ko na napigilan ang sarili ko na alamin kung ano ang papel niya sa buhay ni Von.
"Si Hannah Del Rosario. Engineer siya at kasama siya sa pagpaplano sa hotel na 'to."
Naliwanagan na rin ako ngayon kung bakit narito ang impakta iyon. Kaya naman pala ganoon din ang ugali niya dahil gustong gusto niya raw talaga si Von.
Ako nga na humahanga rin kay Von. Hindi naman ganoon ang ugali ko. Hindi ako desperada.
Napataas ang kilay ko sa naiisip. Opps! Pasmadong utak! Hindi ako humahanga kay Von at hinding hindi ko siya hahangaan.
Tandaan mo Jenie, alam mo kung ano ang lugar mo dito at alam mo kung ano ang pinunta mo rito. Kaya tumigil ka sa hanga hanga na 'yan.Pilit kong pinagsasabihan ang sarili ko na huwag pairalin ang puso pero sa tuwing naiisip ko si Hannah at Von sa loob ay kumukulo ang dugo ko.
"Tsoleng pupunta lang ako ng kwarto."pagpapaalam ko pero nakita ko na naman ang malisyoso niyang ngiti bago nagsalita.
"Ikaw ha? Nagseselos."pang-aasar niya naman.
Matalim ko siyang ginawaran ng tingin at agad na umiling.Lagi na lang siyang may napupuna sa akin.
Hindi naman ako nagseselos. Wala ako sa lugar para magselos.
"Bahala ka nga diyan!"
Iniwan ko si Tsoleng na panay ang halakhak at tinatakpan ang tenga. Totoo naman kasi sa kwarto ako tutungo.
Ewan ko na lang! Doon naman talaga ako sa kwarto tutungo. Pero pwede ko namang silipin lang o pakinggan ang pinag-uusapan nila.
Dahil mga hindi matatahimik ang kaluluwa ko ay naabutan ko na lang ang sarili kong naglalakad patungo sa opisina ni Von. Malakas ang putok ng puso ko habang papalapit doon.
Sakto namang medyo nakaawang ang pinto kaya maririnig ko lang ang boses nila. Hindi ako lumampas sa pinto tanging sa pader lang ako at nilapit kaunti ang tenga sa pinto.
"You know what? We can have our meeting naman sa labas, 'Yung bagong tayo na restuarant?"boses ni Hannah Del Rosario at may patawa tawa pa na halatang nagpapabebe.
Akala niya naman maganda sa pandinig ang tawa niya. Tsk! Ang landi!
Tawa niya pa lang naiirita na ako e. Naalala ko kung paano niya ako nilait kanina na hindi ako magugustuhan ni Von.
"I want it here, I have so many things to do here."Seryoso at maotoridad na sinabi ni Von.
Tama 'yan! Dito ka lang.
Naalog ko ang utak ko sa naiisip.
Tumigil ka sa nga naiisip mo Jenie!
"Okay, You have your new maid pala? What's her name? Jenie?"tanong niya at muli na namang kumalat ang pagkairita ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.