Chapter 27: SAKIT
Basta ang alam ko sa mga oras na ito ay masaya ako sa mga nakikita kong reaksiyon kay Von. Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Masaya ako na kasama siya.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Na ako lagi ang priority at lagi ako hinahanap na hindi ko naramdaman sa pamilya ko. Nakakasawa pala ang maging patapon sa pamilya.
Kapag ginabi ako ibig sabihin ay lumalandi na ako lalo na kapag nakikita nila si Seewer. Hindi rin ako nakakain ng masasarap na pagkain tulad ni Raihan na halos araw araw nasa mamahaling restuarant kumakain habang ako nasa bahay at puro de lata. Kaya hindi ko masisi ang sarili kong makaramdam ng saya sa kamay ni Von dahil hindi ko naramdaman sa kanya na hindi ako mahalaga.
Bumaba ako sa pinapagawa niya pang hotel at ngayon ko lang din napansin na unti unti ng nagbabago ang paligid. Ngayon ko lang din napansin na may mga iilang construction worker na. Abala sila sa pagche-check ng mga materyales pero natigil sa ginagawa at sabay na tumingin sa akin.
Napahinto tuloy ako saglit sa paglalakad at naisip kung may mali ba sa itsura ko ngayon.
Apat silang narito sa loob at ang isa sa kanila ay pasimpleng sumipol. Hinayaan ko nalang iyon at palakaibigang ngumiti na lang sa kanila. Hindi naman natanggal ang mga tingin nila sa akin hanggang sa nilampasan ko na sila at lumabas na lang ng hotel.
Teka! Nasaan sila Tsoleng at Timo?
Wala talaga akong ibang magawa dito bukod sa pangingialam ko rito sa mga tinanim ni Tsoleng na mga bulaklak na hula ko ay sinadya niyang ilagay rito para paarawan. Pero dahil nagsawa na ako ay naisipan kong maglakad lakad na lang muna sa daan. Gusto kong makita ang buong lugar dahil hindi ko naenjoy o hindi talaga dumitalye sa utak ko ang buong lugar.
Ngunit ganoon na lang ang gulat ko ng biglang may huminto na motor sa harapan ko. Muntik na rin akong tumilapon at mabuti na lang ay nakontrol ko ang sarili ko. Nanlaki rin ang dalawang mata ko ng makita ko mukha ng isang babae pagkatapos niyang tanggalin ang helmet niya. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala at lungkot.
Kaya lang masyado pa akong gulat dahil sa presensiya niya. Hindi ko inaasahang makikita ko siya rito. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.
"Jenie..."malungkot niyang sinabi at nanginginig ang boses.
Ngayon ko lang nakita ang mukha niyang walang make up at namumutla ang mga labi niya. Gulat man ako ay pinilit kong sambitin ang pangalan niya.
"Raihan?"sabi ko.
Ano kayang nangyari?
"Jenie. Si Mama..."
Doon ko pa lang naramdaman ang kaba ko ng sambitin niya ang salitang Mama. Hindi sasadya rito si Raihan kung walang masaman nangyari kay Mama.
"Nasa Hospital siya. Sinugod siya kagabi at hirap na hirap siya ngayon. Pero bilin niya na gusto ka niyang makita. Jenie."mangiyak ngiyak niyang sinabi.
Parang piniga ang puso ko sa narinig. Alam ko na kahit hindi naman maayos pakitungo ni Mama sa akin ay may kaunting pagmamahal pa rin siyang natitira para sa akin. Alam ko na tinuring niya pa rin akong anak dahil ako ay parang tunay na ina na ang tingin ko sa kanya.
Kahit hindi ko naman narinig o sinabi niyang mahal niya ako ay sapat na sa akin na sinabi niyang gusto niya akong makita. Gusto ko rin siyang mayakap at ayaw kong may mangyaring masama kay Mama.
"Kailangan na nating magmadali Jenie!"
Nagising ang buong diwa ko sa sinabi niya at hindi na nagdalawang isip na pumayag. Pero bago ako tuluyang sumakay sa moto niya ay isang beses kong sinulyapan ang hotel ni Von.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.