Basta Warning!CHAPTER 10: FIRST
Dahil nangangati na ako sa suot ko ngayon ay parang gusto ko ulit maligo. Siguro mga ala sais na ng hapon ngayon. Hindi ko na nga namalayan ang oras dahil sa daming pinagawa sa akin ni Von.
Ngayon nasa kwarto kami ni Tsoleng at naghahanap ng mga damit niya na pwede kong isuot. Hindi kasi namin nadala ni Von ang mga paper bag na pinamili niya dahil pinipilit ko na ayaw umalis sa bahay ni Timo. Kaya ngayon eto ang resulta. Wala akong dalang damit.
Puro kasi mga pangmanang ang damit ni Tsoleng dito. Mukhang pamana pa ng kalola lolahan niya at ayaw ko namang suotin iyon.
"Wala na ba talagang iba d'yan?"tanong ko ng pinakita niya sa akin ang isang floral dress na hanggang sahig ang haba.
"Meron...pero masyadong revealling."aniya at hinanap niya kung saan nakalagay.
"Nakakatakot naman kasing suotin ang mga damit mo, baka kasi multuhin ako ng may ari n'yan."takot na sinabi ko.
Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sa paghahanap sa ilalim ng kama niya. Nilabas niya ang kanyang pulang maleta at agad na binuksan. At doon nga ay isa usa niyang nilatag sa kama ang mga nighties.
Nanlaki ang mga mata ko dahil totoo ngang masyadong revealing. Talagang makikita dito ang balat ko. Silky naman ang damit niya at sobrang sexy tignan.
Palagay ko hanggang gitna ng hita lang ng hita ko iyon at makikita ang cleavage ko lahit wala namang cleavage.
" 'yan pili ka na d'yan!"sabi niya habang pinunasan ang pawis sa noo niya. Nanatili naman akong nakatayo at nagdadalawang isip.
" Hindi na lang siguro ako M-magpapalit nuh?"sabi ko sa kanya.
"Alam mo amoy suka ka na at araw at ayaw ni Von ng ganoon. At wala ka ng pwedeng pagpilian pa kundi ang mga nighties lang na ito."seryoso ang mukha niya kaya natakot ako na baka mainis o magalit siya sa akin.
Parang nakakahiya namang suotin 'to tapos makikita niya.
"Hindi naman kami sa isang kwarto nuh?"nag-aalinlangan kong tanong.
Bakit ko ba iniisip na sa iisang kwarto lang kami? Gayong Napakadami namang room dito na pwedeng matulugan.
"Oo naman, maraming kwarto dito at pwede kang pumili kong saan mo gusto. Kaya sige na at mamili ka na para maihatid na kita sa kwarto mo. Doon ka na rin maligo."
Tumango ako at sinunod ang sinabi niya. Napansin ko na palihim na kinikilig si Tsoleng sa tabi pero hindi ko nalang binigyan ng pansin.
May kulay pula, blue, baby pink at ang pinakasobrang hot tignan ay black. Halos net lang ang tela nun kaya agad akong umayaw. Pinili ko ang red dahil paborito kong kulay iyon.
Nang nakapili na ay nagulat na lang ako ng biglang nagpagulong gulong si Tsoleng sa kama niya at nagpipigil ng hagikhik.
"Tsoleng! Ano ba?!"sigaw ko sa kanya.
"Naiimagine ko na ikaw na sobrang sexy, hot, at nag-aapoy sa init kapag suot 'yan."
Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya at kung ano man 'yon ay sana hindi malisya.
" 'wag na nga lang!"kunyaring nagtatampo na sinabi ko.
Agad naman syang umayos at nagseryso. " 'To naman hindi mabiro, tara na nga sa kwarto mo!"
Nauna na siyang naglakad habang ako ay kinakabahan sa wala namang dahilan. Alam mo 'yong ayaw kong suotin pero wala akong magawa.
Hinatid niya lang ako sa magiging kwarto ko at pinaalalahanan na huwag mag-alala dahil siya lang naman daw ang maghahatid ng pagkain dito sa kwarto. Hinding hindi niya daw papapasukin si Von dahil alam niyang nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.