CHAPTER 21: BECAUSE OF MEHindi pa rin mawala wala ang kaba sa aking dibdib kahit narito na kami ni Tsoleng sa loob ng room namin at nakaupo sa mahabang sofa. Hindi ako mapakali at aligaga palagi. At kahit nga sa pag-inom ng mainit na kape ay hindi ako makapagfocus.
Pakiramdam ko, ano mang oras ay tatanungin ako ni Tsoleng tungkol sa nangyari kanina.
Nakatingin din naman si Tsoleng sa kisame na para bang malalim ang iniisip.
"Pasa sayo, mabait ba si Von? Nakasama mo naman siya at nakita mo ang ugali niya. Mabait ba siya?"
Nagtaka ako sa tanong niya. Napatingin naman ako sa kanya at napaisip.
Simula sa una ay hindi naman nagpakita ng masamang ugali si Von sa akin. Lagi siyang nag-aalala at inaalagan ako. Kaya masasabi kong mabait naman siya.
Hindi ko alan kung bakit niya iyon natanong pero sinagot ko rin siya ng totoo.
"Oo naman, Mabait siya."sagot ko.
Tumango siya at tumingin akin. Ngayon buong atensiyon niya nasa akin at alam kong binabantayan niya rin ang magiging reaksiyon ko.
"Ngayon sabihin mo nga kung paano ang turing sayo ni Von?"sabi niyang muli na dumagdag sa pagkalito ko.
Bakit niya ako tinatanong ng ganito?
"Tinuring niya naman akong mabuti na hindi ko aakalain na ganoon siya, Lagi niya ring inuuna ang mga kagustuhan ko at masaya ako kapag kasama siya."
Nakatingin pa rin siya sa at blangko ang ekspresiyon.
"So, bakit?"tanong niya.
Alam ko kung tatanungin niya ako tungkol sa mga bagay bagay pero hindi ito ang inaasahan kong tanong mula sa kanya. Magkahalo ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung hinuhuli lang niya ba ako para umamin o hindi.
"Anong bakit?"nalilito kong sagot mula sa tanong niya.
Nanliit ang mga mata niya na para bang nagpapanggap lang ako dito na walang alam.
Lumapit siya aa akin ng kaunti at hinawakan ang mga kamay ko. Sa paraan ng haplos ng mga daliri niya sa kamay ko ay nararamdaman ko ang pag-iingat niya. Napatingin ako roon at medyo gulat pero agad ko ring binalik ang mga tingin sa kanyang nga mata na ngayon ay nakikita nagtutubig ng kaunti.
"Alam mo bang ibang iba si Von sa totoong siya?"
Dumagdag pa sa kalituhan ko ang sinabi niya. Ibang Von ba ang nakikita ko kaysa Von na nakilala nila?
Nanatili lang akong nakikinig sa kanya habang siya seryoso at halos tumula na ang kanyang luha pero pinipigilan niya lang.
Wala akong alam sa totoong Von?
"Hindi siya mabait, Hindi siya maalagain, wala siyang pakiramdam sa kung ano ang nararamdaman ng iba. Nakilala namin siya na hindi mahilig ngumiti at tumawa at lahat pinapahirapan niya ang sino mang bumabangga sa kanya. Nasaksihan namin lahat 'yon ni Timo kung gaano ka miserable ang nangyayari sa kanila na para bang kontrol ni Von ang kapalaran nila at kaya niya pang...pumatay Jenie."
Kinilabutan ako sa mga pinagsasabi ni Tsoleng. Wala akong alam at hindi ko nakita iyon kay Von na may ganoong sides siya.
Wala. Wala akong alam. Hindi ko mapigilang umiling dahil alam kung hindi ganoon si Von lalo na ang pumatay."Pero nagbago ang lahat ng iyon ng dumating ka. Nakita namin ang sweet side niya ng dumating ka Jenie, Masaya kami kung paano magbago ang ekspresiyon ni Von kapag kasama na hindi namin nakikita noon, Nakikita namin kung paano siya magselos,magalit,ngumiti,tumawa at alagaan ka. Hindi siya ganoon sa mga babae niya. Madalas iniiwan niyang luhaan ang mga babae kaya nawalan kami ng pag-asa na may makapagbabago sa kanya."tumigil siya sa pagsasalita dahil gumagaralgal na ang kanyang boses.
Alam kong maa kilala niya si Von dahil mas matagal nila itong nakasama pero hindi ko inaakala na ganyan si Von.
"Maniwala ka. Sinubukan namin siyang balaan tungkol sayo dahil simula pa lang alam na namin kung ano ang intensiyon mo dito. Diba nakaplano ang pagpunta mo dito? Pinlano 'yan ng pamilya mo na bilugan ang utak ni Von pansamantala habang hindi pa nakakahanap ng paraan ang ama mo na bayaran siya. Diba?"
Hindi ako makapagsalita. Literal na nablangko ang isip ko sa narinig. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti. Iniisip ko ang mangyayari pagkatapos ng pinasok kong ito.
"Bilog man ang mundo Jenie pero hindi niyo mabibilig ang utak ni Von. Una pa lang alam niya pero hinayaan ka niyang magmukha siyang inosente sa plano niyo. Pero nagkamali yata kayo dahil ikaw ang lumabas na inosente sa pinaggagawa niyo."
Napaluha ako dahil hindi ko nakayang pigilan ang sarili ko. Tama nga si Tsoleng ako ang inosente sa larong ito.
"Wala akong magawa sa mga panahong iyon Tsoleng. Pumayag ako sa gusto ni dahil gusto kong makatulong at iyon lang ang paraan."naiiyakkong sinabi at aminado ako sa sarili kong guilty. Totoo lahat ang sinabi ni Tsoleng na plano namin ng pamilya ko ang pagpunta ko rito.
Pinahid ko ang luha ko habang humikhikbi. Hinaplos naman ni Tsoleng ang likod ko para patahanin.
"Naiintindihan kita Jenie. Alam ko handa mong isakrispisyo ang lahat para sa pamilya. Pero sana alam mo kung ano ang mangyayari pagkatapos nito."sabi niya at patuloy pa rin sa paghaplos.
Kung ipagpapatuloy ko pa rin ang tanginang plano 'to ay wala ring mangyayari dahil ako lang pala ang nagmumukhang tanga sa sitwasyon na'to! Kaya kailangan ko na ng itigil ito at ayaw kong mas lalong magalit sa akin. Bahala na kung anong kapalaran ang mangyaayri sa amin o sa akin.
"Sasabihin ko na lang sa kanya ang totoo kahit alam niya na at uuwi ako para maputol na ang ganitong plano namin."sabi ko at tumingin kay Tsoleng pero agad naman siyang umiling na para bang umaapila siya.
"Ilang beses mo ng sinubukan na uuwi ka na at ilang beses ding hindi natutuloy dahil ayaw ka niyang mawala. Sana una palang pinakawalan at naghihirap na kayo kung ayaw niya sayo diba?"sabi niya.
Ayaw ko ng ganito. Ayaw kong lagi akong guilty kapag kasama siya. Ayaw ko ng magpanggap, nakakapagod na. Ayaw ko ng magsinungaling at ayaw kong masaktan.
Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon! Basta ang gusto ko ay makawala sa ganitong sitwasyon.
"Susubukan ko pa rin Tsoleng."giit ko pa.
Napabuntong hininga siya at mukhang nauubusan na ng pasensiya sa akin. Mukhang suko na siya.
"Mahal mo ba si Von Jenie?"tanong niya na ikinagulat ko. Napaisip tuloy ako sa nararamdaman ko ngayon.Muli kong pinahid ang isang butil ng luha na lumandas sa pisngi ko at umiling.
"Hindi ko alam Tsoleng. Hindi maintindihan ang sarili."tanging nasabi ko dahil iyon ang totoong nararamdaman ko.
Masaya akong kasama si Von. Hindi ko pa masabing mahal ko siya dahil imposibleng mahulog ako sa kanya sa maikling panahon. Pero iniisip ko na iiwan ko siya ay parang nasasaktan ang puso ko.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.