EPILOGUE

81 5 0
                                    


I am glad that I was able to reached this part. Thank you for reading my story even though I am not consistent when it comes to updating every part of the story but still, you guys gave me courage to complete my first ever story.

______________________________________

EPILOGUE

"Pa! I really hate Tianna, she's so annoying!"rinig kong sabi ng limang taong gulang kong anak.

Napangiwi ako sa narinig. Prangka talaga siya kung magsalita. Narito ako sa kusina at naghuhugas ng pinagkainan namin kanina. Sinabihan ko naman silang mauna na sa taas pero sabag naman nilang sinabing hihintayin daw nila ako.

Naririnig ko ngayon ang usapan ng mag-ama habang nakatalikod ako. Saglit kong nilingon ang kanilang pwesto, nakaupo si Von sa kabisera ng mahabang mesa habang si Vin naman ay nasa harap niya na nakaupo sa lamesa.

Kausap ang ama na may malokong ngiti habang nakatingin sa iritado niyang anak. Napailing ako.

Si Tianna ay anak ni Timo at Tsoleng at ngayon ay apat na taon na. Masyadong energetic at nakikitaan ng pagiging tomboy dahil puro laruan ni Vin ang pinagdidiskitahan kaya naiinis naman si Vin, ayaw din magpahiram.

May sarili ng bahay sila at bumibisita rito tuwing linggo. Iyon daw kasi ang bonding.

Isang araw lang ay nabanggit ni Vin na crush niya ang celebrity singer na si Olivia Rodrigo tapos ay sinigundahan naman ni Tianna na crush niya rin ito kaya nagtalo ang dalawa.

Napanganga na lang ako at si Tsoleng habang nakikinig sa kanilang matitinis na boses na nagtatalo sa isang celebrity.

"Why baby? She's beautiful and cute."si Von.

Napangiti na lang ako. Ganito lagi ang sagot niya kapag sinasabi ng anak niya kung gaano niya kaayaw si Tianna.

"Pa! She likes Olivia Rodrigo and they are both girls and she loves my Mama and I love my Mama too!"reklamo niya pa.

Kita kong namumula na ang pisngi nito sa inis. Humalakhak si Von sa harap niya na para bang nagbibiro lang ang anak niya. Sinamaan ko siya ng tingin, umayos ka diyan Von!

"So you don't like me? I love your Mama too..."

Pinamulahan ako ng pisngi at alam kung nakita niya iyon dahil sa malapad nitong ngisi. Gago! Pero nakakakilig pa rin kahit matagal na kaming nagsasama.

Umiling ang anak ko at ngumisi. "Pa! I want a sister!"

Muntik ko ng mabitiwan ang aking hawak na babasaging baso dahil sa narinig. Napaubo rin ako wala sa oras, naramdaman ko ang paglapit ni Von sa akin pero alam kung nagpipigil siya ng ngisi.

Ano ba kasing nasa isip ng anak ko?! Bakit bigla bigla niya na lang nababanggit ang mga ganoong bagay? Sinong nagturo?

Nang mahimasmasan ay masama ang tingin ko sa lalaking hinihimas ang aking likod. "Tinuruan mo?"gigil kong bulong.

Nanlaki ang mata niya pero natatawa siya kaya idinaan niya na lang sa pagnguso.

"What?! I didn't,"aniya, pasimple ko namang kinurot ang tagiliran niya.

"Tapusin mong hugasan 'yan!"utos ko at ako naman ang dumalo sa anak ko.

Ano ang tinuro sayo ng ama mo anak?!

Ako ang umupo sa pwesto niya kanina. Ngumiti ako at kinurot ang pisngi ng anak ko. Siya naman ay naghuhugas na pero nanginginig ang balikat nito.

"Anak, Pwede namang si Tianna ang maging sister mo, Just don't be rude to her."

Mas lalong lumukot ang mukha niya. Hindi nagustuhan ang sinabi ko. "She's not baby, I want a baby girl! A sister!"

Jusko!

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon