CHAPTER 8: DANCEKagaya nga napagkasunduan namin ay gagawin ko lahat ng gusto niyang ipagawa sa akin, lahat ng iuutos niya sa akin at lahat ng sasabihin niya.
Nandito ulit kami sa pinapagawa niyang pang hotel na kung saan niya ako dinala noong nakidnap ako.
Nandito naman ako sa harap niya ngayon at nakaluhod.
"Make it faster."aniya at nagbuntong hininga.
Masama ko siyang tinignan na halos umusok na ang ilong.
"Ikaw kaya gumawa nito! Hindi ko kayang bilisan 'to no! First time ko kaya 'to!"nairitang sigaw ko sa kanya.
Kala niya naman ganoon ako ka expert pagdating sa bagay na 'to. Sobrang hirap pa nga ako!
Nang matapos ko na ang pinapagawa niya ay agad namang lumapit sa akin ang isang babae na may hawak na papel.
"Ano pong sukat ng bottom hem ni sir maam?"
Inirapan ko muna si Von bago hinarap ang babae na dapat siya ang kumukuha ng measurement ni Von.
"12 1/2."sabi ko at binigay na sa kanya ang tape measure.
May magaganap daw kasing malaki at magarbong selebrasyon at syempre unang una daw na inimbitahan si Von. Kaya ngayon ay kinukunan na siya ng measurement para sa damit na susuotin. At ako na walang alam sa measure measure na 'yan at ako pa talaga ang inutusan na kumuha ng sukat sa kanya.
"Salamat po maam, tapos na po."sabi ng babae.
"Mabuti naman."
Lumapit ako sa mahabang sofa sa harap ko para umupo kasi talagang sumakit na ang tuhod ko sa kaluluhod. Masyado kasing malikot habang sinusukatan eh. Halatang nanandya!
Hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit sa sofa ay narinig ko na naman ang nakakainis na boses ni Von. Oo dati parang musika pa yung boses niya kapag naririnig ko pero ngayon. Sobrang naiirita na ako.
Alam ko naman kasing uutusan niya na naman ako. Pero wala akong karapatan na magreklamo dahil nakipagdeal ako kanina at idea ko 'to.
"Ops! Ops! I didn't tell you to sit."
Napapikit na lang ako at nagtiim bagang. Talagang kinareer niya ang napagkasunduan naming dalawa! Ni ilang oras pa lang ang nakakalipas parang nakakapagod na. Ang hirap maging alalay ni Von at naalala ko tagahugas lang naman ang kailangan niya perp heto ako ngayon at ginawang utusan!
"Anong gusto mo? tatayo ako buong araw?"pagalit kong sinabi kahit pinipilit ko naman ang sarili kong pahabain ang pasensiya.
Napangiwi naman ang babaeng taga measure at tahimik na lang na umalis sa silid at pansin ko rin ang pamumula ng pisngi niya ngg nagtama ang paningin nila ni Von.
Hinintay ni Von na makalabas ang babae bago malademonyong ngumisi sa akin.
Ay naku! Kung hindi kalang gwapo kanina pa kita binugbog. Maswerte ka at nakakalaglag panty ang ngiti mo.
"I want you to dance."
Nanlaki ang mata ko at hindi na nakagalaw sa narinig. 'Yong totoo! Seryoso ba siya? Pinagmumukha niya ba akong tanga?
"Ano 'to? Star hunt? Star truck? Audition? Sinabi ko bang mag-aartista ako?"pilosopo kong sinabi sa kanya at kung kanina ay nakaya ko pa ang inis na nararmdaman ko, pwes! Ngayon hindi na.
"No more talk, just dance."
Nilampasan niya ako at siya ngayon ang prenteng nakaupo sa malaking sofa habang hinihintay akong sumayaw dito.
"Taena mo talaga!"mura ko sa kanya.
Pwede ko bang bawiin ang kasunduan namin kanina?! Tsaka hindi kasali 'to sa kasunduan!
"Hindi naman kasali 'to sa usapan a!"sigaw ko habang matalim ang mga tingin sa kanya.
Pero napagtanto ko na kapag nainis siya dito ay pwede niya akong ipatapon sa kung saan at hindi na tutulungan pang muli.
Ano bang magagawa ko e. Siya ang boss ako na nga itong nanghingi ng trabaho ako pa itong mareklamo.
Kainis masyado! Lagi na lang akong napapahiya.
Paano naman ang dignidad ko nito? Iisipin ko nalang na audition ito at kailangan kong gawin ang lahat para makapasok sa audition. Isipin ko na lang na masyado ka ng naghihirap at kailangan ko ng pera.
Pero hindi naman ako marunong sumayaw! Matigas ang katawan ko!
Napapikit ako at napagtanto na wala na akong magagawa dahil napakapowerful ng isang 'to na hindi madadaan sa mabuting usapan. Sasayaw lang naman. Tsaka siya lang naman ang makakakita kaya ayos na rin.
Matapos kong makumbinsi ang sarili ay tinuro ko siya at matalim na tinignan.
"20,000 ang talent ko ha? Hindi pwedeng hindi mo ako bayaran. Syempre dignidad ko ang nakasalalay dito."
"20,000?"tanong niya pero hindi gulat.
"Oo, maswerte ka na 20,000 lang eh. Ang mga wowowin dancers nga 40,000. Pinababa ko na nga kaya 'wag kang magreklamo!"
Hindi naman makapal ang mukha ko.
Ewan ko kung saan ako humugot ng lakas ng loob para presyuhan ang pagsasayaw ko basta ang alam ko hindi ako papayag na sayangin ang dignidad ko ng walang kapalit.
"Ok Fine!"boring niyang sinabi at uminom ng tubig.
Ganoon lang 'yon? Papayag agad siya? Aba kung ganoon lang naman trabaho ko bakit hindi na lang ako sumayaw araw araw.
Inayos ko ang sarili ko at napagtanto na kailangan ko na talagang sumayaw."Ok. I am Jenie Degreyt 19 yrs old and my talent is dancing."talagang inisip ko na isa itong audition.
Natawa siya at napapailing kaya naman ay tinapon ko sa kanya ang suot kong sandals. Kaya natahimik siya pero nagpipigil pa rin ng tawa.
"Umayos ka ha?"banta ko habang masama ang tingin sa kanya.
"Start."aniya.
Hindi ko nga alam kung ano ang sasayawin basta bahala na si batman. Kung ano na ang maiisip ko ay final na 'yon.
"Jumbo hotdog kaya mo bato? Kaya mo bato? Hindi ako bato para magpatalo!"kanta ko habang pinakembot kembot ang pwet.
Hindi ko naman kasi alam ang step kaya kembot kembot na lang.
"Tayo'y mag otso otso...otso otso...mag otso otso na...boom macarena macarena...boom macarena macarena...ohhhh macarena...sa shapipipipi ang dalililili sa shapi...luxxe white na ang gamit ko kaya ang ganda ko"tuloy ko habag sinasayaw ang step ng otso otso at macarena, shapi at luxxe white.
Nagmukha na akong dancer ng wowowin.
Sobrang nakakahiya na dahil mukha pa akong puno sumayaw dahil sobrang tigas ng katawan. Kaya siguro panay ang hagalpak ng tawa niya at napapahawak pa
napapahawak pa sa tiyan.
'Yon lang naman ang sinayaw ko pero bakit sobrang hiningal ako.
Patuloy pa rin siya sa pagtawa habang ako ay naupo na sa sahig dahil sa pagod. Pinagpawisan ako sa pagsayaw na 'yon. Hindi na mauulit 'yon pramis.
Siya tawa pa rin ng tawa.
"Hoy.'wag.mo.akong.pagtawanan.hindi.ako.nagbibiro."sabi ko habang hingal pa rin.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.