CHAPTER 44
Nagising na lamang ako na may nararamdamang sakit sa katawan at hapdi sa balat. Ayaw ko sanang idilat ang mga mata ko dahil siguradong magigising na naman ako sa silid kung saan ako kinukulong. Ngunit nang maalala ko ang huling ginawa ay otomatiko kong naidilat ang mga mata. Sinuyod ko ang buong paligid, hindi pamilyar sa akin ang lugar, nasa isang kwarto ako at ang pader ng kwarto ay gawa sa kawayan. Wala ganoong mga gamit at malinis naman.
Hindi ba ito panaginip? Totoo na ba ito? Ibang silid na talaga ito?
Kung ganoon hindi ako naabutan ng mga tauhan ni Seweer. Paano kung hinahanap pa rin ako hanggang ngayon? Tumayo ako kaso lang ay bigla akong nakaramdam ng hilo kaya ipinikit ko saglit. Gutom lang siguro ito.
Naalala ko, may tumulong sa akin na babae bago ako nawalan ng malay. Siya kaya ang nagdala sa akin dito?
Agad din namang nasagot ang katanungan ko ng may nagbukas ng kawayang pintuan sa maliit na kwarto. Napatingin ako doon.
Nagulat siya ng makita akong nakaupo na sa kama pero agad ding ngumiti. Maingat na nilagay niya ang isang basong gatas at pandesal sa tabi ng kama ko.
"Pinakaba mo ako Ineng, mabuti't buhay ka pa?"aniya at hinarap ako. Hinaplos niya ang buhok ko.
Napatingin naman ano sa katawan ko. Halatang ginamot na ni Nanay ang aking mga sugat dahil unti unti na ring natutuyo. May mga dahon pa ngang nakalapat sa aking balat.
"Ano bang nangyari talaga sayo? Bigla ka na lang nawala sa unit niyo ng nobyo mong gwapo? Nagulat na lang ako na hinahanap ka na ng nobyo mo tapos matatagpuan kitang ganito? Sabihin mo sa akin Ineng..."aniya at halata doon ang pag-aalala.
Napayuko ako. Sa huling kita ko sa kanila ay iyong nasa hotel pa kami. Masaya pa kami noon na magkasama. At ang nobyo na tinutukoy niya ay walang iba kundi si Von. Ikakasal na pala iyon sa Step Sister ko kaya hindi na niya ako kailangan at hindi na niya ako hahanapin.
Ayaw ko na talagang umiyak, pagod na pagod na ako!
Bumuntong hininga muna siya. Alam niya sigurong di ako magsasalita. Pero paano siya napunta sa gubat? At kanino itong tinutuluyan namin ngayon?
"Ano pong ginagawa niyo sa gubat?"takang tanong ko. Di ko inaasahang siya ang makakakita sa akin.
Napakamot siya sa ulo niya. "Ewan ko ba! Inutusan lamang ako ni Ariela na maghanap ng dahon ng niyog, gagawa daw siya ng costume sa darating na Miss Gay. Ang layo nga ng narating ko sa paghahanap, inatake tuloy ako ng rayuma!"
Oo nga pala! Kontesera pala ang anak niyang si Ariela Nasaan kaya iyon?
"Babalik po ba kayo sa sementeryo?"
Sa sementeryo pa ang bahay nila kaya siguradong uuwi din siya doon. Wala akong matutuluyan kaya sa ayaw ko man o sa gusto ay baka sasama na lamang ako sa kanya.
"Naku! Hindi na kami nakatira doon, may lupa kami rito pero dahil maraming proseso ay hindi kaagad namin nakuha. Noong isang araw lang lumapit na kami rito kaya lang ay malayo sa bayan."
Napatango tango ako. Naisip ko na mas mabuti nga iyon, malayo sa gulo.
Pinakiusapan ko si Nanay Angging na kung pwede ay patuluyin na muna ako rito. Sinabihan ko rin siya na kung may magtatanong tungkol sa akin ay huwag ng sagutin.
Mukhang naintindihan naman iyon ni Nanay. Aniya'y makaaasa daw ako sa kanya kahit pa ayaw kung sabihin ang tungkol nangyari sa akin.
Narinig kong may papalapit na boses sa bahay. Matinis iyon at bumibirit pa. "I have nothing! Nothing! Nothingggggg!"kanta pa nito kaya napatakip kami ni Nanay sa tainga.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.