CHAPTER 12

187 24 0
                                    


CHAPTER 12: PICTURES



Habang minamanicure ko siya ay nakatulog naman siya. Sinunod ko naman ang gusto niyang 'wag kulayan ang kuko niya kaya ang ginawa ko ay nilagyan ko ng fake nails na kulay pula at nilagyan ko pa ng design na glitters. 

At dahip sa sobrang bored ko talaga at tulog na tulog pa siya ay naisipan kong lumabas para mamasyal dito sa pinapagawa niya pang hotel. Masyadong malamig dito sa loob ng kwarto dahil naka full ang aircon niya. 

Dahan dahan kong inalis ang kanyang kamay sa bewang ko para hindi siya magising. Ayaw kong magising siya dahil sigurado akong pagbabawalan niya akong umalis. 

Bago ako nagsimulang maglakad ay kinumutan ko muna siya para hindi siya masyadong lamigin at hinalikan ko rin siya sa noo.

Pagkakataon ko na'yon na halikan siya habang tulog. Ang cute niya nga matulog. Ibang iba kapag may malay. Aakalain mong sobrang bait niya kapag tulog pero kapag gising naman sobrang demanding.

"Sleep well baby boy..."bulong ko at tumalikod na.

Hindi muna ako maglalagay ng ' my ' dahil hindi pa naman siya akin.

Dahan dahan lang ang bawat hakbang ko dahil sumasakit pa rin ang parte. Hanggang sa pagbukas ng pintuan ay dahan dahan lang din. 
Nang tuluyan ng nakalabas ay hindi ko naman alam kung saan pupunta. 

Naisipan kong pumasok sa opisina niya rito na isang beses ko ng napuntahan. Hindi ko naman alam ang gagawin ko roon. Bored lang ako kaya gusto kong puntahan lahat ng sulok ng hotel. Uunahin ko ang opisina niya. Hindi naman siguro suya magagalit kong nakita niya ako sa loob.

Tumatak naman sa utak ko ang daan patungo sa opisina niya kaya hindi na rin ako nahirapan na hanapin 'yun. 
Mabuti na lang at wala akong nakitang mga tau-tauhan niya dito. Kahit si Tsoleng at Timo.

Nasa harap na ako ng opisina niya at huminga ng malalim. Bakit parang kinakabahan ako?

Dahan dahan kong pinihit ang door knob at humalik naman sa pisngi ko ang lamig ng aircon sa loob. Nakita kong maaliwalas ang opisina niya kaya naman hindina ako nagdalawang isip pa na pumasok. Dahil kasalukuyan pang ginagawa itong hotel niya ay wala pa akong nakikitang mga design o kulay dito. Ang tanging nandito lang ay ang glass table na may mga nakalagay na nagkanda patong patong na papel. Nandito rin ang mamahalung laptop niya pero isa lang ang umagaw ng pansin sa akin. Isang itim na kahon sa tabi ng laptop niya.

Lumapit ako sa kahon at kuryosong kuryoso sa ano mang laman nito. Hindi naman ako nakikialam sadyang hindi ko pang mapigilan ang sarili ko na makita ang laman ng box.

Dinama muna ng palad ko ang kahon. May nalagay pa na sulat doon na evidence.

Evidence?

Nalilito ako. May pinapaiimbistigahan ba siya?

Bakit parang may kutob ako na kilala ko ang pinapaimbistigahan niya?

Pumasok naman agad sa isip ko si Papa pero agad ding inalog ang utak para alisin ang mga naiisip.

Parang sasabog naman ang dibdib ko sa sobrang kaba. Nagdadalaqang isip din kong bubuksan ko pa ba ang kahon na 'to o hayaan na lang.

Nakita ko na lang ang sarili ko na dahan dahang binubuksan ang itim na box na sinasabing ebidensiya.

Kaya pagkakita na pagkakita ko sa laman ng box ay nanlaki na kaagad ang mata ko. Halos manginig ang mga kamay ko habang isa isag dinampot ang mga larawan na naroon.

Kaya ako kinakabagan dahil tama pala ang kutob ko. Tama nga na sinusundan nila ang bawat galaw ni Papa. Base sa mga ynang larawan ay nakasuot si Papa ng itim na pantalon at itim na jacket habang suot ang itim na sumbrero. Nakatalikod siya dito sa larawan habang pasakay ng bus. Kahit nakatalikod siya ay kilala ko ang suot ni Papa. Ito 'yung suot niya bago siya umalus ng bahay at sinabing may pupuntahan lang. Sa pangalawang larawan naman ay kasama niya si Mama at parang nasa isang carinderia sila.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon