CHAPTER 13

176 23 0
                                    


CHAPTER 13:TARAYAN

Naging maayos naman ang lahat at nawala na ang dinadala kong kaba sa dibdib. Mabuti na lang at hindi talaga napansin ni Tsoleng at patuloy lang siya sa pang-aasar sa akin.

At naisipan kong bumawi kay Von dahil sa pag-aalaga niya sa akin ay sumama ako kay Tsoleng sa kusina para mag-offer na ako na lang ang magluluto.

"Tsoleng ano ang lulutuin mo?"tanong ko sa kanya habang naglalakad patungong kusina.

"Magbebake lang ako ng cookies. May bisita daw kasi mamaya si Sir Von."aniya at kinuha na ang nga kakailanganin.

May bisita pala siya mamaya pero may gana pang matulog. Sana naghanda na lang siya diba. Pero sabagay he was born ready daw kasi.

Tumango naman ako.

"Pwede bang tumulong Tsoleng?"sabi ko.

Tumingin siya sa akin at nakakalokong ngiti na naman ang nakapaskil sa mukha niya.

Nandito na naman siya!

"Uy! Uy! Gustong bumawi..."

Napairap naman ako sa kanya at pinilit na magseryoso pero nagbabadya na sa labi ang mga ngiti.

"Tutulong lang Tsoleng! Sobrang bored ko na kasi!"paliwanag ko kahit alam ko naman na hinding hindi siya maniniwala.

Humagalpak siya ng tawa at tinuro turo pa ako.

"Ikaw ha? Napaghahalataan na. Pero pwede naman na tumulong ka mas mabuti 'yon."

Hindi na ako nagsalita at naging masaya na lang dahil pinayagan ako. Akala ko magiging istorbo lang ako eh.

Tinuro niya sa akin kung ano ang dapat gawin. Pinasuot pa ako ng gloves. Masaya naman pala ang paggawa ng cookies lalo na kapag kasama si Tsoleng. Sinigurado niyang malinis ang pagkakagawa ko. Pinagawa iba't ibang hugis. May nagawa na akong hugis puso, star, bilog at bulaklak. At nang napansin ni Tsoleng na mukhang nag-eenjoy ako ay hinayaan niya na ako at abala naman sa paggawa ng sarili niyang hugis.

Malapit ko ng matapos ang perfect heart na ginagawa ko ay hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako.

Ano kaya ang magiging reaksiyon ni Von? Sana matuwa siya.

Ang ngiti sa labi ko ay nawala ng makita ko ang gawa ni Tsoleng. Kaya pala ang tahimik niya at hinahayaan niya ako dito at ayaw niya pa ipakita sa akin ang gawa niya dahil ibang hugis pala ang ginagawa niya.

"Tsoleng ang dugyot mo!"natatawang sigaw ko sa kanya kaya agad niyang tinakpan ang gawa niya at humagalpak ng tawa.

Gumawa kasi siya ng cookies pero hugis ng ari ng lalaki kaya nakakainis tignan. Pagkain 'yon eh!

"HAHAHAHAHHA! Ano ka ba Jenie? Ibibigay ko 'to kay Timo. Paborito niya 'to."aniya at tumatawa pa rin sa gilid.

"Bahala ka nga Tsoleng! Pareho lang kayo ni Timo eh."

Nagfocus na lang ako rito sa ginagawa ko at gumawa ng iba't ibang hugis. Pagkatapos ay nagpaturo na ako kay Tsoleng kung ano ang susunod na gagawin.

Tinuruan niya naman ako kung paano iyon ilagay sa Oven at ilang minuto lang dapat. Sinunod ko naman iyon.

Habang naghihintay ay hindi ko maiwasang hindi tanungin si Tsoleng kung paano sila nagkakilala ni Von at bakit parang kilalang kilala nila si Von mula ulo hanggang paa.

"Paano niyo ba nakilala si Von?"tanong ko at naupo sa silya.

Natigil si Tsoleng sa ginagawa niya at saglit na nag-isip.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon