CHAPTER 40

111 5 0
                                    


CHAPTER 40

        Kahit anong sigaw ko ay wala talagang nakakarinig sa akin. Sobrang kalat at puro babasagin ang narito ngunit may dumating na tagalinis at nilinisan ang kalat. Kahit sa kanya ay nagmamakaawa na itakas ako ngunit tapat sila kay Seweer kaya abot langit ang galit ko sa hayop na iyon!

Hindi rin ako kumakain kahit anong hatid nila ng pagkain dito sa loob. Lahat kinakabig ko lang, kahit pa si Seweer na mismo ang nagsusubo ngunit pati siya ay kinakalmot kapag nakakalapit dahilan para igapos niya ako rito kama na parang hayop.

Hindi ito makatao!

Tatlong araw na akong nakakulong rito sa apat na sulok ng kwarto na ito. Puro iyak lang nagagawa ko kasi wala na akong lakas, ubos na ang lakas ko para magmakaawa na pakawalan.

Isa lang ang ipinagdadasal na sana dumating siya... Sana kunin niya ako...

Narinig kong bumukas ang ang pinto at alam ko kung sino na naman siya. Isa lang iyan, kung hindi siya ay malamang mga utusan niya na pipilitin na naman akong papakainin. Mamatay na lang siguro ako pero hindi ako kakain.

Mahihinang yapak lang ang naririnig ngunit hindi ako gumalaw o lumingon man lang. Ayaw ko siyang makita...

"A-anak!"basag ang boses habang sinasabi niya ang salitang anak.

Parang ang natitira kong kabaitan sa puso ay natabunan na ng galit dahil sa narinig kong boses niya.

Pagkatapos ng ginawa niya ay may mukha pa siyang ihaharap sa akin, pagkatapos ko siyang pagkatiwalaan ay babaliin niya lang? Akala ko siya ang kakampi ko pero wala pala siyanh pingkaiba sa sa asawa at anak anakan niya.

Nakatalikod ako sa gawing pintuan kaya di niya kita ang mukha ko. Mas lalong ayaw ko rin naman siyang makita.

Para rin may kung anong bato na nakaharang sa lalamunan ko kung kaya't hirap akong magsalita at lumunok.

"A-anak, patawarin mo ako..."aniya at nararamdaman kong malapit na siya.

Anong silbi ng paghingi ng tawad mo kong ilang beses mo na akong sinaktan bilang anak mo.

"Sana maiintindihan mo kung bakit ko iyon ginawa... Para rin naman sa ikakabuti mo ang ginawa ko,"

Naluluha na ako pero kailangan kong lunukin ang kung ano mang nakaharang sa lalamunan ko. Naririnig ko rin na humahagulhol.na siya at hinawakan niya ang aking braso kung saan niya ako tinurukan ng pampatulog. Marahas ko namang hinawi ang kamay niya.

"Sana hindi na lang ikaw ang naging Papa ko."tanging nasabi ko at isa isa ng nag-uunahan ang mga luha sa aking mga mata.

Sana katabi ko na lang si Mama, sana si Mama ang karamay ko dahil siguradong hindi ako pababayaan no'n. Siguradong higit pa ang ibibigay niyang pagmamahal at protekta sa akin at hinding hindi ipagpapalit kahit kanino.

"Ama mo pa rin ako."

Oo, ama pa rin kita kahit ikaw pa ang pinakamasamang ama na nakilala ko pero hindi naman ganoon kadali na kalimutan ang ginawa niya. Masakit bilang anak na ipagpapalit lang ako kapalit ng pera.

Ayaw ko ng marinig ang mga paliwanag niya, sana una pa lang ay pinag-isipan muna bago ginawa.

"Umalis ka na lang..."sabi ko para tumigil na siya.

Masyadong mabigat para sa akin na narito siya sa silid na 'to na siyang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

"Anak..."

"Umalis ka na! Hindi kita kailangan!"sigaw ko.

Napuno ng iyakan ang buong silid at ramdam ko ang sakit na nararamdaman ngayon ni Papa pero sana ramdam niya rin na nasasaktan ako sa ginawa niya.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon