CHAPTER 7: JOBHindi ko maitago sa sarili ko ang saya. Masaya akong nakasama siya at bumuo ng magandang memorya na lagi kong iisipin. Kahit nacocornyhan ako dito sa sinusuot naming couple shirt at kahit wala namang kami ay hindi ko mapigilan ang malapad na ngiti.
Madalas din siyang napapalingon sa akin at sa tuwing lumilingon siya ay pilit akong sumisimangot. Ayaw kong maramdaman niyang masaya ako. May parte din sa akin na bawal kong maramdaman ang kasiyahan dahil alam ko kung masasaktan lang rin naman ako sa huli.
Pakiramdam ko tuloy pag-aari ko siya ngayon. Parang wala akong problemang dinadala kapag kasama ko siya pero alam ko sa sarili ko na ang sayang nararamdaman ko ngayon ay panandalian lang.
Nasabi ko rin sa kanya na kailangan kong umuwi pero umayaw siya dahil nakarating pala sa kanya ang ginawa sa akin ng step mom ko. Sigurado naman din akong si Timo at Tsoleng ang nagsabi non. Di na nakakagulat.
"Kailangan ko magtrabaho. maghahanap ako ng trabaho kaya tigilan mo ako sa kidnap kidnap na sinasabi mo!"sabi ko sa kanya habang kumakain kami dito sa mamahaling restuarant. Sinuyod ko ng tingin ang buong restuarant at naisipang mag-apply dito.
Pwede kaya dito? Matatanggap kaya ako dito? Eh 19 yrs old pa lang ako.
Gusto ko ngang mag-aral eh. Kaso sa sitwasyon ngayon parang malabo yata. Simula kasi ng nagkanda utang utang si Papa ay tumigil muna ako sa pag-aaral para iwas gastos.
"Pwede bang mag-aaply dito? Hihi! Tignan mo oh! daming sexy."sabi ko at tinuro ang mga waitress na ang gaganda.
Hindi siya tumingin at nanatiling blangko ang ekspresiyon ng kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Mas kinakabahan tuloy ako baka mamaya ay iiwan niya ako rito at ako ang magbabayad sa lahat ng kinain namin rito.
"Coca cola body tapos malaki ang pwet at bouncy pa kapag naglalakad, tapos malaki pa boobs. Kaya siguro gusto mo dito kumain nuh?"pabiro kong sinabi habang binabantayan ang magiging reaksiyon niya.
Kumunot ang noo niya habang nagdidilim ang mga paningin. Talagang hindi siya sumulyap sa mga waitress na halata namang sinadyang dumaan sa table namin para magpapansin. Kekembot kembot pa!
Sus! Halata naman ganito ang mga type niya. Ang mga babae din ito ay mga kulang sa pansin kaya nagpapapansin kay Von.
"Ano?!"sabi ko ng natatawa. Napaka seryoso naman nitong si Von. Nagbibiro lang naman. Sa paraan kasi ng titig niya ay parang bubugahan na ako ng apoy sa inis.
Kalaunan din naman ay umiwas na lang siya ng tingin at tumingin na lang sa pagkaing nasa harap na halos ako lang ang nakaubos.
Kahiya naman!
"Kung mag-aaply ka dito, For sure hindi ka tatanggapin."aniya.
Napawi naman niyon ang ngiti ko at ako naman ngayon ang seryosong tinitigan siya.
Bakit naman ako hindi tatanggapin? Dahil ba hindi ako kasing sexy tulad ng mga waitress dito? Hindi ako ganoon ka tangkad? Hindi malaki ang boobs tulad nila na halos matanggal na ang butones?
Napairap ako sa sariling pag-iisip.
"Edi 'wag! May nga carinderia naman dito sa tabi tabi!"
Pwede naman sa carinderia o magbebenta na lang ako ng mga mani, kwek kwek, tusok tusok o kaya balot sa daan.
Kaya nga lang kulang pa 'yon sa pang-araw araw na gastusin ko tapos may utang pang 3 million.
May naisip na naman akong ideya. Bigla na namang umilaw ang utak ko kaya napatingin muli ako kay Von na ngayon ay nakasmirk.
Pinagsalikop ko ang dalawang palad ko at tinukod ang siko sa mesa pagkatapos ay pinagpahinga ang baba sa nakasalikop kong kamay.
"Hmm... baka naghahanap ka ng tauhan. Baka naman diba...pwede ako."pacute cute kong sinabi sabay kindat pa.
Makuha ka sa kindat ko please...
Tumaas lang ang isang kilay niya at ginaya din ang ginawa ko. Nilagay niya rin ang baba niya sa nakasalikop na palad habang nakatukod ang siko sa mesa at naghihintay na dudugtungan ko.
"Baka gusto mo ng ano..."
Saglit muna akong nag-isip dahil walang pumapasok sa isip ko. Parang natutunaw kasi ako sa titig niya na halos hubaran ako.
Ano pa ba ang hinahanap niya? Feeling ko lahat meron na eh!
Pero lulubos lubusin na natin.
"Ng taga masahe..."sabi ko at hindi na napigilang humagikhik. Ewan ko kung bakit nagmukha akong kiti kiti dito sa kilig. Hindi ko kasi maisip ang sarili ko na minamasahe siya. Ramdam ko rin na gusto niyang matawa pero pinipilit niya lang itong pigilan.
Magaling naman ako sa hilot pero depende ko saang parte ang ipapahilot!
Pinilig ko rin ang ulo ko dahil sa mga ganoong kaisipan."Masahe sa likod ha? Baka ano na ang iniisip mo d'yan."paninigurado ko para walang malisya.
Wow! Sa akin pa nanggaling ang mga salitang ganoon? Ako lang naman itong marumi mag-isip.
"I didn't say anything."
Tumango ako at nagthumbs up.
"O kaya gusto mo ng taga subo..."sabi ko at naubo muna bago pinagpatuloy ang pagsasalita.
"Ng pagkain ha? Syempre kasi kapag nagkasakit ka tapos hindi mo kaya edi subuan na lang kita! Tama ba?"sabi ko.
Ewan ko na kung ano 'tong pinagsasabi ko. Pero sana patawarin ako ni Lord.
Napailing siya habang nakikinig sa akin at hindi makapaniwala ang mga tingin niya sa akin.
"For short, baka gusto mong may mag-alaga sayo o girl body guard."
"Kailangan ko ng tagahugas."sabi niya at mahinang pinitik ang noo ko.
Wow! Ginagawa niya ng habit ang pagpitik sa noo ko ha?
"Taga hugas ng?"tanong ko pero nakaplastar na ang malisyosong ngiti sa labi ko.
Malay mo? Hindi ko alam kung ano ang ipapaguhagas niya. Mabuti na 'yung sigurado.
"You make my mind dirty, huh?
Ngumuso ako at pinilit na taliman ang tingin sa kanya.
"Ikaw lang naman itong nag-iisip ng ganyan! Maayos naman kitang kinakausap diyan."sabi ko at agad na tinusok gamit ang tinidor ang manok sa plato niya. Sinulyapan niya lang iyon na parang walang pakialam.
Hindi niya rin naman kasi masyadong ginagalaw ang pagkain niya.
"Ano deal na tayo doon?"tanong ko.
Saglit pa siyang nag-isip at kaya agad ko ng inunahan. Baka magbago pa isip niya.
"Bawal na umayaw!"
Muli siyang napailing at natatawa. Parang napakademanding ko naman kasi. Ako na nga itong kailangan ng trabaho pero ako pa itong demand ng demand.
"Fine! Just stay away from Timo."
Muli akong ngumuso inirapan siya.
"Ewan ko sayo!"
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.