Chapter 38: INJECTIONMagkayakap kami ni Von ngayon sa iisang kama. Habang pinagmamasdan ko siya na mahimbing ang tulog ay parang gustong kumawala ng puso ko.
Hulog na hulog ako sa kanya. Iyon ang totoo.
Payapa siyang natutulog at kaysarap pagmasdan ng kanyang maamong mukha. Ibang iba sa Von na dilat ang mata.
Nasa bewang ko ang kanyang kamay habang ako naman ay nakasiksik sa kanyang dibdib. Naadik na ako sa amoy niya.
Dahan dahan akong gumalaw at pinakiramdaman si Von kung magigising ba siya pero mahimbing pa rin ang tulog niya. Nakahinga ako ng maluwag.
Nauuhaw kasi ako kaya kailangan kong lumabas para uminom ng tubig. Dahan dahan ang pag-alis ko ng braso niya sa bewang ko. Sinigurado kong hindi siya magigising.
Kaagad naman akong bumaba sa kama para makalabas na sa kwarto at para na rin makabalik agad para yakapin muli siya o titigan siya magdamag.
Madilim at hindi nakaon ang ilaw sa sala at tanging isang lamp lang ang nagbibigay ilaw na nagmumula sa mini table ng sala. Sapat na para makita ko ang daanan ko.
Binuksan ko ang fridge saka kumuha ng tubig sa pitsel. Napawi niyon ang uhaw ko sa tulong ng malamig na tubig.
Tumira pa nga ako ng isang bread at pinalamanan ng strawberry jam. Aakyat na sana ako ng kwarto ng may makita akong parang nakatayong lalaki sa likod ng sofa. Madilim kasi sa parteng iyon at di ko sigurado kung tama ba ang nakita ko.
Bigla akong nakaramdam ng takot at kilabot. Kahit ilang beses pa akong kumurap ay naroon pa rin siya at walang kagalaw galaw. Ayaw ko man maramdaman ang matinding takot ay hindi ko maiiwasan.
Hindi ko rin alam kung tutuloy ba ako sa kwarto o sisilipin ang naroon kung sino o ano iyon. Ilang minuto akong nag-isip at ilang beses ko na ring subukang kumurap kurap doon.
Andoon pa rin...
Habang nakatitig ay napansin kong maliit na gumalaw ang parang anino. Muntik na akong mawalan ng balanse sa sobrang takot at kaba.
Hindi ko guni guni iyon. Nakita ko... Nakita kong gumalaw siya.
Parang gustong lumabas ng puso ko at mauna na sa kwarto pero nananatili pa rin akong nakatayo at gulat. Parang nag-ugat ang aking mga paa.
"S-sino 'yan?"nauutal kong tanong sa kung tao ba iyon.
Kahit kinakabahan ay hinintay kong may sumagot. Ilang minuto din akong naghintay pero wala. Walang nagsalita.
Pinilit kong gumalaw at mabilis na bumalik sa kusina. Nanginginig ang kamay kong hinagilap ang kutsilyo doon. Oo, kutsilyo sobrang talim.
Matagal kong tinitigan ang kutsilyo dahil nagdadalawang isip ako at napaisip kung bakit naghahanap ako ng kutsilyo.
Ilang saglit lang ay narinig ko ang magagaang yapak papalapit sa kusina, sa kinaroroonan ko.
Kung ano man ang pakay ng taong ito ay hindi ko alam?
Iyon din ang nagtulak sa akin na kunin ang kutsilyo at hinawakan ng mahigpit habang nakatutok sa harapan ko.
Takot na takot ako at hindi ko alam kung ano ang gagawin. Pupwede naman kasi akong sumigaw pero hindi ko magawa. Parang tinakasan na kasi ako ng sarili kong boses.
Ang tanging kaya kong gawin ay ang mabilis na paghinga.
Hinintay kong matunton ako ng mga yapak at makita ko ang anyo nito. Sa tulong ng ilaw na nanggagaling sa fridge na nakalimutan ko pa lang isara ay nakita ko nga ng tuluyan ang tao.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.