CHAPTER 48

85 6 2
                                    

CHAPTER 48

Napatitig ako sa kanya. Kaagad na pinalis ang bagong luha na tumulo. Parang tanga lang kami na nag-iiyakan rito. Mabuti na lang walang tao sa paligid.

"Anong iniiyak iyak mo diyan?"tanong ko sa kanya dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya umiiyak.

Pinalis niya rin ang luha sa mata ngunit hindi ito tumingin sa akin. Nanatiling nakatungo na para bang tinatago ang mukha. Nakita na siya ni Baby Vin at kung hindi ko lang hinahawakan ng mahigpit ay baka gumapang na papunta sa kanya.

"Why? Am I not allowed to cry?"sagot nito.

Napaisip naman ako. Ang akin lang naman ay bakit siya umiiyak na pa nga kaming napag-uusapan. Bakit nakikisabay siya sa akin? Parang tuluyan na tuloy nawala ang inis ko sa kanya. Kailanman kasi ay hindi ko iniisip na iiyak siya, sa laki niyang tao ay para sa akin kahit anong dagok sa buhay ay hindi talaga siya iiyak.

"Bakit mo kami sinundan?"

Inangat niya na ang tingin sa akin. Wala na ang mga luha sa mata niya pero namumula pa rin ito, bakas na kagagaling niya lang sa iyak. Gumalaw ang panga na hindi ko alam kung galit ba ito o ano dahil mas natuon ang atensiyon ko sa mga mata nitong may halo halong emosyon. Para akong matutunaw kapag tinititigan niya ako, dati pa man ay ganito na ang pakiramdam ko sa tuwing nagtatama ang paningin namin. Pakiramdam ko hinuhukay nito ang kaloob looban ko.

"This is enough! Pagod na ako! Huwag ka ng magtago."mahina ang boses niya sa huling sinabi.

Unti unti na namang namuo ang luha sa aking mata. Ramdam ko sa boses niya ang pagod at kitang kita rin sa mga magagandang mata niya na pagod na rin siya. Bakit? Paano niya nasabing pagod na siya? Ako ba hindi? Pagod na nga ako pero mas lalo lang niya dinagdagan ang pagod ko dahil muli na naman siyang nagpakita.

"Anong karapatan mong sabihin 'yan Von?"hindi ko na napigilang sabihin.

Blangko na ang kanyang tingin kaya di ko alam kung ano ba ang nararamdaman niya ngayon. Mas lalo ring lumalakas ang tibok ng puso ko.

"Diba hindi ka dapat nandito? Kasal kayo ni Raihan diba? Anong ginagawa mo rito?!"

Nangunot ang noo niya na parang hindi maintindihan ang sinabi ko.

Tama naman ang sinabi ko. Narinig ko iyon. Nagpaplano sila ng kasal bago ako tumakbo palayo, malinaw pa nga sa akin iyong tinanong siya ni Seewer na isasama niya ako sa kasal ngunit ayaw niya.

Hindi ako tanga! Kaya nga ako tumakbo para hayaan na lang sila sa gusto nilang mangyari sa buhay nila. Hindi ko na kasi makita ang kahalagahan ko kaya mas minabuti kong tumakbo at huwag ng magpakita.

"Sa tingin mo hahayaan kong maikasal sa kapatid mo?"aniya na nagpagulat sa akin.

Tigalgal ako at hindi inaasahan ang sinabi niya. Galit siya at nakakuyom ang kanyang kamao.

Napalunok naman ako. Natatakot ako na tuluyan siyang magalit sa harap ng anak ko.

"Sa Step Sister mo na walang ginawa kundi siraan ka at akitin ako?"

Alam ko naman na ganoon talaga ang gawain ni Raihan. Na kaya niya akong siraan para magalit ang lahat sa akin at lumayo at higit sa lahat kaya niyang mang-akit ng mga lalaki pero nagulat pa rin ako.

"Ikaw nga tinakasan mo si Seewer dahil hindi mo mahal, ako pa kaya na kaya ko namang pumatay kapag masyadong sinisiksik ang sarili!"

Tinakpan ko ang tenga ng anak ko. Hindi naman niya naiintindihan 'yon pero ang pangit pa rin na sabihin iyon sa harap ng anak ko.

Napatingin siya sa ginawa ko. Biglang lumambot ang kanyang tingin ng dumapo ito kay Baby Vin. Halatang napamahal na siya rito.

"I'm tired of watching you from afar, hindi ko man lang kayo malapitan at mahawakan..."aniya habang nakatingin pa rin sa anak ko.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon