CHAPTER 30

105 4 0
                                    

Chapter 30: COSTUMER

Lumipas ang mga araw ay hindi mawala wala sa isip ko ang mukha ni Seewer noong nakita ko siya sa market. Hindi ko nga alam paano ako nakatakas doon. Sa tuwing naalala ko siya ay takot lang ang bumabalot sa akin lalo ng halos wasakin niya lahat ng pwesto doon sa market makita lang ako. Mabuti na lang at mabilis akong nakalabas kung hindi ay sigurado akong nakakulong na ako ngayon sa lugar niya.

Pasalamat ko na lang din na nakita agad ako ni Ariela sa labas habang nagtatago sa bentahan ng fishball. Simula sa araw na 'yon ay madalas akong tulala at malayo ang tingin. Kapag napapansin ni Ariela ang pagkakatulala ko ay agad niya akong tinatanong pero ayaw kong magsabi sa problema ko.

Kaya malaking tulog ang ginawa niyang pagpasok sa akin sa salon kung saan siya nagtatrabaho. Pinasok niya ako roon para may libangan ako at para may kasama siya. Masaya ako dahil sa unang linggo ko pa lang ay nakasahod at nakatulong na ako sa kanila.

Masaya naman ako sa ginagawa ko dahil ang tanging ginagawa ko lang ay magwalis ng mga kalat at panatilihing malinis. Habang si Ariela at mga kasama niya ay taga Rebond, kulay ng buhok ar make-up sa customer.

Wala pang customer ngayon at wala na ring lilinisan. Habang nakaupo ako at sinusuot ang wig ay bigla na lang pumasok si Trixxie na bakla rin at may-ari ng salon. Parang binudburan siya ng asin dahil hindi matigil sa katatalon.

"Ang gwapo ng customer natin!"tili niya sabay paypay sa sarili.

Sakto namang lumabas si Ariela galing sa C.R at sumabay sa tili kahut hindi niya pa naman nakikita kung sino ang customer sa labas.

"Buti na lang wala akong panty ngayon at walang malalaglag!"

Napapangiwi na lang ako sa sinasabi niya at pinagpatuloy ang pagsusuot ng mga wigs.

"Bilis! Bilis! Ilabas ang mga pampakulay! Magpapakulay daw siya ng buhok."sabi ni Trixxie at parang natataranta sa ginagawa.

Hindi ko rin alam kung bakit nataranta rin ako kasama sila. Mukha na kaming baliw dito na nilalabas lahat ng kulay para sa buhok.

"Teka. Saang buhok ba? Sa taas o baba?"tanong ni Ariela kaya hindi namin napigilan ang humalakhak ng malakas.

Kitang kita ko sa mukha nila ang kilig at may pakagat pa ng labi.

"Sa ulo! Gaga!"

"Saang ulo ba?!"kunyari naiiritang tanong ni Ariel pero nagbabadya ang mga ngiti sa labi.

Napapailing na lang ako sa kulitan nila. Basta ako ay wala akong pakialam kung sino ang gwapong nasa labas dahil isa lang ang gwapo kong kilala. Ilang linggo na ang lumipas at hindi ko maitatanggi na miss na miss ko na siya. Minsan ko nga siyang sinearch sa fb gamit ang account ni Ariel pero naman aking nakita o ibang pangalan lang siguro ang gamit.

Lumabas naman ako kalaunan ng nabored na. Pagkalabas ko ay naabutin ko pang nagsesenyasan sila Ariela at Trixxie habang ang customer nila ay nakatakip ang mukha gamit ang towel at nagpapahinga ang ulo nito sandalan ng upuan.

Wala namang mapaglagyan ang kilig ni Trixxie habang sinusuklay ang buhok ng lalaking customer.

Umupo ako sa bakanteng upuan at nahagip ng mga mata ko ang kanyang sapatos. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako dahil pamilyar sa akin ang brown boots na suot niya. Tinaas ko ang mga paningin ko sa kanyang nakasalikop na mga kamay baka kasi nagkakamali lang ako. Ngunit parang nawalan ako ng lakas ng makita ang kamay niyang maugat at nakumpirma ko pa sa mga singsing na suot niya.

Sana mali ako. Sana ibang tao lang ito dahil hindi ako handa na makita siya kahit pa sabihing sabik na sabik na ako sa kanya. Alam ko kasing mangangatog lang ang binti ko kapag makikita ko ang mga mata niya na kayang hukayin ang kaloob looban ko. Ngayon pa lang ay parang bulkan na ang puso ko na gustong sumabog sa kaba.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon