CHAPTER 20: SCAREDMuli akong nagising ng alas kwatro at kahit pinilit kong matulog ay hindi na talaga ako makatulog. Mahimbing naman ang tulog niya at ayaw ko ng kulitin pa kaya naisipan ko na lang na pumunta na lang sa kusina at ipaghahanda siya ng kape.
Sinigurado ko namang hindi ko magagambala ang masarap na tulog niya.
Magaan at maaliwalas ang pakiramdam ko habang naglalakad patungo sa kusina kung saan madalas nagluluto o bake si Tsoleng. Actually lahat naman ng room dito may kanya kanyang sala, may kusina dahil hotel nga. Pero may temporary na kusina dito kung saan doon nagluluto si Tsoleng.
Dere-deretso sana ang lakad ko pero dahil may naririnig akong nag-uusap sa kusina ay napatigil ako saglit at nakiramdam.
"Hay Naku Tsoleng! Alam nating pareho na plano na ng pamilya niya 'yon."boses ni Timo ang narinig ko at siguro kausap si Tsoleng.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Tsoleng bago nagsalita. Mas lumapit naman ako ng kaunti para makinig sa usapan nila.
"Oo. Alam ko. Pero nalulungkot ako sa susunod na mangyayari, sa tagal nating kasama si Von ay ngayon ko lang siya nakitang ganoon."medyo mabigat na sinabi ni Tsoleng at rinig ko rin na parang may hinihiwa siya.
"Wala tayong magagawa kasi pinili 'yan ni Von, Pinili niyang sakyan ang plano ng pamilya ni..."hindi niya natapos ang sasabihin dahil bigla akong napaatras dahilan para matumba ang flower base sa gilid.
Kinabahan ako ng husto at nanginginig na ang buo kong katawan. Kinakabahan ako na baka magalit sila kapag nahuli nila akong nakikinig dito.
Sandaling tumahimik sa loob ng kusina kaya naman abot tahip ang kaba ko.
"Tignan ko sandali."rinig kong sabi ni Tsoleng.
Hindi ko alam ang gagawin pero kailangan kong mag-isip ng paraan.
Agad kong kinusot ang mata ko at umakting na parang inaantok pa. Bumukas naman ang pinto ng kusina at nagpakita doon ang bulto ni Tsoleng na tila gulat na nakita ako. Humikab ako sa harap niya para sabihing inaantok pa ako.
"Good Morning Tsoleng! Uh, nanlalabo pa kasi ang mata ko kaya hindi ko nakita na mag flower base sa gilid. Naistorbo ko ba kayo?"tanong ko at nagpanggap na wala akong alam o narinig sa pinagsasabi nila kanina.
Parang nakumbinsi ko naman si Tsoleng sa nakikita kong reaksiyon sa kanya ngayon. Parang naniwala naman siya kaya medyo naibsan niyon ang kabang nararamdaman.
Nakasuot pa pantulog si Tsoleng kagaya ko pero narito na siya sa kusina at nagluluto na. Ngayon ko nga lang nakita na nakalugay ang mga buhok niya at masasabi kong maganda naman siya.
Ilang taon na kaya itong si Tsoleng?
"Hindi naman Jenie. Ano nga pala ang ginagawa mo rito? Alas kwatro pa lang."aniya at sinenyasan akong pumasok sa kusina.
Ang bait talaga nila...
"Gusto ko lang sana uminom ng mainit na kape."sabi ko at pumasok nga gaya ng gusto niyang mangyari.
Tumango naman siya at pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Von na nakangisi at maarteng kumain ng jumbo hotdog. May pa dila dila pa.
Napakadugyot ni Timo!
"Good Morning Jenie! Hinanap kita kagabi. Sabi ko maghahanap tayo ng boylet."nakanguso niyang sinabi pero ang mata niya ay matagal na tumitig kay Tsoleng.
May kung ano sa titig niya kay Tsoleng. Sa paraan ng titig niya ay parang si Tsoleng lang ang pinakamagandang babae na nakita niya.
Gusto kong kiligin pero kailangan kong pigilan dahil baka nagkamali lang ako.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.