CHAPTER 33

104 4 0
                                    

Chapter 33: BIBINGKA

Talagang uminit na nga ang aking katawan sa ginagawa niya. Magkahalong pananabik, kaba, at takot ang aking nararamdaman. Natatakot ako na baka may makakita sa amin lalo na ngayon na hindi ko lang man namalayan kanina na nakapasok na ang kanyang malaking kamay sa loob ng aking damit. Ngayon hawak hawak niya na iyon at may papisil pisil pa.

"Hmmm..."ungol ko ng pinaglaruan niya ang tuktok ng dibdib ko.

Gusto kong murahin ang sarili ko kaya lang hindi ko magawa dahil mas nag-eenjoy ako sa ginagawa niya roon.

Paano ba 'to mapipigilan?

"Von..."pilit kong binulong iyon pero parang ungol na nga yata 'yon dahilan kung bakit mas pinisil niya ang tuktok ko. Napakagat na lang ako sa labi ko at tuluyan na ngang nanghina.

Gusto kong hinahawakan niya ako dahil sabik ako sa kanya, gusto ko ng bawat haplos niya at gusto ko rin ang malalalim niyang halik.

Inabot niya ang aking labi at bolta boltaheng kuryente agad ang bumalot sa buong katawan ko ng inaangkin niya ang aking buo ang bibig ko. Ang eksperto niyang dila ay malikot doon na hindi ko na kaya pang sabayan.

Kahit pa liyong liyo na ako sa mga halik niya ay naramdaman ko pa rin na dahan dahang bumababa ang kanyang kamay sa t'yan ko. Pinaglaruan niya pa ang pusod ko kaya mas bumilis ang aking paghinga. Gusto kong dumilat at panoorin ang ginagawa niya kaya lang dahil abala siya sa labi ko ay pinili ko na lang na pumikit.

Muntik ko ng makagat ang kanyang labi ng maramdaman ko ang kanyang kamay sa aking kaselanan. Parang dinala ako sa langit at nabaliw doon. Uminit pa ang pisngi ko ng marinig ko ang kanyang mahinang halakhak sa tenga ko.

"I like it when you're blushing."aniya at titig na titig sa mga mata ko.

Tumigil din siya sa ginagawa niya sa gitna ng hita ko kaya bigla akong nairita.

Ewan ko sayo! Binaliw mo na ako kaya tapusin mo 'to!

Parang nabasa niya naman ang isip ko kaya naman muling gumalaw ang kanyang kamay at agad namang uminit pa ang buong katawan ko. Pakiramdam ko para akong sinalang sa oven sa sobrang init na nararamdaman. Pinasok niya ang dalawang daliri niya doon na nagpaliyad sa akin.

Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan ko ang paghiyaw ko habang naglalabas masok ang kanyang kamay. Hindi ko rin alam kung saan ko ibabaling ang aking atensiyon sa kamay niya ba na naglalaro sa baba ko o sa mapupungay niyang mga mata o sa kanyang bumubukol na sumusundot sa likuran ko. Hindi ko alam?! Gusto kong maramdaman iyon.

Mabilis ang galaw ng kanyang kamay at nararamdaman ko na ang bomba na gustong sumabog sa t'yan ko. Pero ganoon na lamang ang gulat ko ng gustong tanggalin ni Von ang kanay ko sa aking bibig.

"I want your moan baby...moan for me."aniya at mabilis na nilayo ang kamay ko sa aking dibdib

Dahil mas binilisan niya pa ang galaw ng kanyang kamay ay hindi ko na rin napigilang umungol dala ng matinding init at sarap.

Nabaliw na ako ng husto at pulang pula na ang mukha dahil sa hiya. Ang kapal naman kasi ng mukha ko na masarapan dito sa sementeryo. Ano kaya ang iisipin ng mga kaluluwa na nakatingin dito?

Niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos kong pakawalan ang kanina ko pang iniingatang bola sa loob ng t'yan ko. Sa sandaling iyon na niyakap niya ako ay uminit ang puso ko.

May binubulong bulong siya sa tenga ko na hindi ko masyadong naririnig dahil napagod ako sa ginawa niya.

"I love you."huling narinig ko bago tuluyang nakatulog sa bisig niya.

Nagising na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Ariela na humahagikhik. Hindi ko alam kung anong oras na basta madilim na at nandito pa rin kami sa taas ng puntod.

Ramdam ko ang yakap ni Von at parang iniiwasan ang gumalaw masyado.

"Huy Von! Sungit mo ha...bawal bang humiga sa hita mo?"boses ni Ariela na parang nagtatampo.

Nagising buong diwa ko sa narinig. Parang may kung ano sa parte ng katawan ko na nainis.

Ano naman ngayon kung nakahiga siya sa hita ni Von? Pero kahit na!

"Shut up!"may diin ngunit maliit ang boses ni Von. Narinig ko rin ang mahinang sampal niya.

"Aww! Slap me more! Slap me Daddy!"malanding sinabi ni Ariela kaya naman akong kumalas sa yakap ni Von.

Nabigla silang dalawa sa biglaang galaw ko. Parang may multo na dumaan dahilan para maestatwa silang dalawa. Nakaawang ang bibig ngayon ni Ariela habang nakatingin sa akin na parang sinasabi ng kanyang mga mata na wala naman siyang ginawang masama.

Tumalim ang tingin ko sa kanya na mukhang nakuha niya naman agad ang ibig kong sabihin. Agad siyang tumayo sa pagkakahiga sa hita ni Von na kung aakalain mong isang masunuring tuta.

"Napagod ka ba Jenie?"unang sinabi ni Ariela.

Sa paraan pa lang ng kanyang mga tingin ay alam ko na kung ano ang ibig niyang sabihin kaya naman ay hindi ko na napigilan ang sabunutan ang buhok niya. Namumula na ang mga pisngi ko dahilan kung bakit di ko kayang lingunin ang nasa likod ko. Parang nag-aapoy na ako sa init ng maalala ko ang ginawa ni Von sa akin kanina.

"Arayy!"

Kahit pa anong inis o pagkairita ang ipakita ko sa mukha ko ay hindi ko maitatanggi na may parte sa akin na masaya ako. Masaya dahil nandito ulit si Von sa piling ko. Parang nabuhay ulit ang puso ko at ramdam na ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko.

Habang naghihiwa ako rito ng bawang ay ramdam kong nanginginig ang bawat daliri ko. Pakiramdam ko masusugatan ako nito kong hindi ko aayusin ang ginagawa ko.

Paano naman kasi, nakikita ko sa gilid ng mata ko ang mapaglarong si Von na nakangisi na pinapanood ako habang si Nanay Angging ay panay kwento. Hindi ko nga alam kung ano ang kinikwento niya dahil kay Von.

"Ikaw ba Hijo. Kumakain ka ng bibingka?"tanong ni Nanay Angging.

Napatingin ako kay Nanay Angging at nakitang seryoso naman siya pagkatapos niyang sabihin iyon at patuloy lang sa ginagawang paghahalo sa niluluto niya.

Pero hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bakit ang dumi ng iniisip ko ngayon gayong pagkain naman ang tinutuloy ni Nanay Angging.

Ayaw magreact lalo na dahil nakatingin pa rin si Von sa akin pero hindi ko na namalayan na napakagat na pala ako ng labi ko kaya naririnig ko ngayon ang mga halakhak ni Von.

Bwiset!

Namula tuloy ako at alam ko na alam niya kung ano ang iniisip ko o talagang pareho kaming naisip iyon.

"Oo naman po. Pero isa lang."aniya at humalakhak ulit na mas lalong nagpapula sa pisngi ko.

Putspa talaga! Gusto ko na lang tumakbo at hayaan sila dito sa loob. Masama kong ginawaran ng tingin si Von at ang mokong naman ay ngiting ngiti. Agad din niyang tinikom ang bibig pero nangingiti pa rin.

"Naku! Sakto at gagawa ako bukas."

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon