CHAPTER 32

110 2 0
                                    


Chapter 32: TO BE WITH YOU

"Hindi mo ako girlfriend Von."kalmado kong sinabi ng tumigil na kami malayo sa bahay para hindi nila marinig ang usapan namin.

Di bale na kung marinig kmi ng mga patay ngayon.

Nakatingin lang siya sa akin gamit ang malamig na mga mata. Gusto ko na lang na matapos 'to...gusto ko nga ba?

"So..."aniya at nagbuntong hininga.

" Tumigil ka na sa mga sinasabi mong girlfriend mo ako! Alam naman nating hindi!"

Nakatingin lang siya sa aking labi habang nagsasalita. Naiilang tuloy ako. Pasalamat na lang ako na hindi nautal.

Huminga muna ako ng malalim dahil nauubusan na ng salita dahil sa titig niya.

"Hindi mo ba ako namiss?"tanong niya.

Sarkastiko akong tumawa at umiwas ng tingin. Ewan ko ba kahit madilim na ay paakiramdam ko nakikita niya ang pamumula ng mukha ko.

Miss ko naman siya. Sobra.

Bakit niya ba tinatanong ang mga ganitong bagay?

"I missed you, Jenie."

Pumungay ang kanyang nga mata at nakikita ko roon na totoo ang mga sinasabi niya. Kita ko ang lungkot na pinaghalong saya sa mga mata niya kaya hindi ko maiwasang manikip ang dibdib.

"Naligo lang ako pagkatapos nawala ka na."dugtong niya.

Hindi niya alam ang nangyari. Wala siyang alam. Hindi ko gustong iwan siya doon dahil sigurado ako sa mga sandaling iyon na babalik ako sa kanya. Talagang nahulog lang ako sa bitag ni Raihan.

Pilit kong binabalik sa mata ko ang mga luhang nagbabalak na maglaglag.

"Hindi ako naniwala sa mga sinabi ng kapatid mo na hindi mo ako kailangan. Jenie, hinanap kita."

Ramdam ko ang sakit sa boses niya. Nagbara ang lalamunan ko at hindi ko na mabilang kong ilang beses na akong lumunok para mawala lang ang parang bato na humaharang sa lalamunan ko.

"Tama siya, Hindi kita kailangan."malamig kong sinabi.

Ayaw kong tumingin sa kanya. Natutunaw ang puso ko. Ayaw kong bumigay sa mga titig niya. Ayaw ko kung bumigay sa simpleng pagsabi niyang namiss niya ako.

Masasaktan na naman ako. Paano kung mas lumalim ang nararamdaman ko sa kanya tapos pagdating ng panahon ay iiwan niya rin ako?

"How 'bout me? I need you..."

Naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking pisngi kaya nagising ang buong sistema ko. Parang may kung anong kuryente na nagmumula sa kanya na dumaloy sa buong katawan ko.

Kanina lang ay buo ang loob ko na hindi bibigay pero parang natunaw na yata ang binuo kong yelo para sa sarili ko.

"How about me? Huh?"

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko at unti unti na nga itong tumulo. Masyado ng masikip ang puso ko na parang pinipiga. Hirap akong magdesisyon dahil alam ko namang para sa sariling kapakanan ko lang kung ano ang magiging desisyon ko. Mahal ko siya kaya mahirap para sa akin na hindi siya pagbigyan pero nakakabuti rin namang magsimula muli na sila kasali.

"V-Von..."

Umiling siya at kita ko kung paano pumula ang kanyang mga mata. Siguro katulad ko ay nahihirapan din siya.

"Hindi ako aalis kung hindi ka sasama. Mananatili ako dito...mananatili ako."

Markadong markado na iyon at pakiramdam ko ay hindi ko na mapuputol kung ano man ang kanyang desisyon. Kilala ko siya. Kung ano ang gusto niya 'yon ang masusunod.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon