CHAPTER 15

160 26 0
                                    


CHAPTER 15: JEALOUS


Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Alam kong pinagsisiksikan ko ang sarili ko rito pero kailangan kong magsakripisyo alang alang sa aking pamilya.

Kinakabahan ako kay Von. Ayaw kong makausap siya o makita man lang. Natatakot ako sa presensiya lalo na kapag naiisip ko na kami lang dalawa dito.

Ilang sandali lang ay may kumatok na sa pinto ng kwarto at doon na mismo ako kinabahan ng todo. Si Von na 'to panigurado.

Nakalock 'yon pero alam ko mabubuksan pa rin niya ang pinto kasi may susi naman siya. Hinanda ko na lang ang sarili ko sa ano mang mangyari.

Dapat hindi ako magmukhang mahina sa harap niya. 

Nakaupo ako sa kama at nakade kwatro ang paa habang ang mga kamay naman ay nakaekis.

Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay mga blangkong mata agad ni Von ang sumalubong sa akin. Otomatiko namang umangat ang isang kilay ko na para bang nagtataray.

Nakatitig siya sa akin at unti unting lumapit sa akin kaya agad akong nagsalita dahilan para tumigil siya sa paglapit.

"May utos ka pa ba?"mataray kong sinabi.

Sige Jenie ganyan nga.

Narinig ko ang buntong hininga niya at sinubukan pang lumapit muli. At ako naman na malapit na sumabog sa inis ay hindi ko na napigilan ang sarili kong sigawan siya.

" 'Wag ka ngang lumapit! Hindi bagay na magkalapit ang maid tsaka Boss!"sigaw ko at pinupunto kung ano lang ako dito. Isang Maid.

Nangunot ang noo niya na para bang walang alam pero hinding hindi mo'ko maloloko dahil narinig ko mismo iyon sa bibig mo.

"Why are you acting like that?"tanong niya na ikinatigil ko naman.

Bakit nga ba? Hindi ko alam e? Basta kasi pagkatapos ng may nangyari sa amin ay nag-assume ako na hindi na ako utusan ngayon ayon sa napag-usapan.
Kaya aaminin kong nasasaktan ako ng marinig sa kanya na Maid lang ako.

"W-wala! Gusto ko lang umalis d-dito."mahinang sinabi ko dahil guling gulo na ako sa sarili ko.

"Tsk! Hindi pwede."

Napairap ako ng wala sa oras at nanggigigil siyang tinignan.
" Bakit hindi pwede! Pwede naman akong stay out diba! Marami namang mga maid na umuuwi sa kanilang bahay"sigaw ko at gustong gusto ko siyang lapitan at sabunutan ng buhok. Parang dragon ako rito na ano mang oras ay bubugahan na siya ng apoy.

"Why are you keep on saying that you are a maid. And obviously you're not."

Peke akong natawa at hindi makapaniwala na magsisinungaling pa siya sa akin. Eh! Rinig ng dalawang tenga ko ang sinabi niya tapos ngayon ay mag-maangmaangan pa siya. Kapal ng mukha niya Pramis.

"Narinig ko na sinabi mong maid mo lang ako nung tinanong ka ng babaeng 'yon!"naiinis kong sigaw sa kanya.

Nakita ko ang pag-angat ng gilid ng labi niya na para bang may nasabi ako na ikinatuwa niya.

Natigilan din ako at muling inisip kung ano ang sinabi ko. Kaya nang napagtanto ko ang sinabi ko ay agad akong napakagat ng labi at pinamulahan ng pisngi.

"So pumunta ka sa opisina ko. For what?"tanong niya at ramdam ko na may naglalaro sa isipan niya ngayon.

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya dahil kahit hindi ako nagsasalita ay alam niya na ang sagot. Nahihiya ako!

"D-dumaan lang ako! Pupuntang kwarto at aksidenteng narinig 'yon!"

Ewan ko kung maniniwala ba siya. Pero 'wag naman sana ako ipahamak ng mga walang kwenta kong rason.

"Really? Ang opisina ko ay nasa left way and your room, our room is in the right way. So, How?"nakangiti niyang sinabi at natatawa pa.

Shit! Huli na'ko balbon! Bakit kasi ang tanga ko pagdating sa rason rason na ganito. Hindi pinag-iisipan eh.

Hindi na matanggal sa mukha niya ngayon ang ngiti kahit wala pa naman akong inaamin sa kanya.

"Dumaan nga ako! Ano ba?!"pagpipilit ko dahil naaasar na ako sa mukha niya.

Umupo siya sa dulo ng kama at ako naman dito sa kabilang dulo. Ayos pa naman dahil mahaba at malaki naman ang kama dito kaya hindi pa siya tuluyang nakakalapit.

"Sabi mo e. And I didn't say maid..."

Agad kong tinapon sa mukha niya ang unan na malapit sa akin. Sinusubukan pa talaga niyang magsinungaling.

"Narinig ko!"sabi ko habang nanlalaki ang mga mata.

Agad naman niyang nasalo ang unan at humalakhak ng malakas. Shit! Ang sarap sa ears!

"I said MAID but not the Katulong or Yaya. Maid as in... you Made my life."

Napakagat ako ng labi para masaktan ako at magising sa katotohanan. Pinipigilan kong umunat ang labi ko dahil lang sa bolerong 'to.

Jusko! Ang corny!

Tumingin ako sa kabilang gilid kong saan ang pader lang ang makikita ko. Ayaw kong ipakita kay Von ang magiging reaksiyon. Pero aminado naman akong kinilig ako doon.

Galit dapat ako e! Galit dapat ako sa kanya at kapag nakita niyang napangiti ako ay bati na naman kami.

Tulong! Hindi naman ako ang bumuo ng buhay niya!

"Tumahimik ka nga Von! Ang corny mo!"seryosong sinabi ko habang nagpipigil pa rin ng ngiti at pinipilit pa din na magseryoso sa harap niya.

Tumawa lang siya at titig na titig na naman sa akin. Parang binabantayan ang lahat ng magiging reaksiyon ko.

"Just don't get jealous. "Sabi niya at sinubukan pang lumapit sa akin.

Nangunot naman ang noo ko.

"Hindi ako nagseselos Von! Ang kapal mo!"

Nagkibit balikat siya at umusog pa ng kaunti sa akin kaya umusog naman ako paatras.

"I think you are, And why did you play basketball using her bag?"

Hindi ko na napigilan ang ngiti ko ng maalala ang ginawa ko kanina. Oo nga pala pinaghahampas ko pala 'yon kung saan saan at tinapon pa sa basurahan kaya ngayon siguro hindi na makilala ang bag niya.

Nagkibit lang ako ng balikat sa kanya dahil hundi lang talaga ako nakapag-isip ng mabuti kanina at ang bag niya ang napagdiskitahan ko.

"Ewan ko! Pangarap kong maging basketball player."sagot ko at medyo guilty ako sa ginawa ko.

'Yong mukha ng Hannah na 'yon kanina ay parang namatayan.

"I won't make you jealous again. You are very dangerous."sabi niya at hindi ko na pala namalayan na tuluyan na nga siyang nakalapit sa akin at hinila ang mga kamay ko papalapit sa kanya.

Dumulas naman ako papunta sa kanya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ang lalaking 'tonaghahanap lang ng tiyempo eh!

Nagpupumiglas ako sa yakap niya pero mas lalo niyang hinihigpitan hanggang sa pakiramdam ko para akong sinasakal.

"Hindi ako nagseselos!"may diin kong pagkakasabi.

Humalakhak lang siya sa tenga ko at hinalikan ako sa leeg.

Sa mga sandaling iyon ay naramdaman ko na hindi ako nag-iisa dito. May maniniwala pa rin sa akin kahit siraan pa ako ng iba. Sa ngayon lagi kong itinatatak sa isipan ko na hindi pa ako pwedeng umalis dito hangga't hindi pa maayos ang lahat. 

"Get ready. We need to attend the party."bulong niya sa gitna ng yakap.

Napakurap kurap ako sa narinig at pilit na lumalayo sa yakap niya pero hindi siya bumitaw.

"Party?"tanong ko.

Naramdaman ko ang dampi ng labi niya sa panga ko at naghahatid ng kiliti sa aking leeg ang bawat hinga niya.

"Yes. I want you to be my partner."

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon