CHAPTER 4

344 41 31
                                    


CHAPTER 4: TOUCH


"Hay Naku! Buhay ng batang 'to!"rinig kong boses ni Timo.

Nanatili akong nakapikit kahit may malay na. Ngayon ko lang din naramdaman ang sakit sa pisngi ko.

"Iuwi na lang nating 'to kay Von! Sigurado naman akong aalagaan siya doon ng lalaking 'yon!"si Timo ulit.

Narinig kong napaaray si Timo. Siguro may kinurot o anong ginawa ni Tsoleng sa kanya.

"Ayaw nga niya doon kay Von! Uuwi pa ba 'yan kung gusto niya doon? Ibahin mo naman 'tong batang 'to sa mga babaeng nagkakandarapa kay Von!"si Tsoleng sabay may pinahid na ano sa kamay ko na naghatid ng hapdi.

"Sino ba naman kasing matinong ina na saktan ang anak niya!"

"Hoy! Timo 'wag kang magmalinis ha? Nakita ko hinampas mo ang paso ng halaman sa ulo ng step mother niya! Pasalamat ka hindi nakita ni Jenie."

Oo nga pala. Naalala ko na ang nangyari kanina. Sinaktan pala ako ni Mama kaya masakit ang pisngi, anit at kamay ko.

"Nakita ko 'yon. Tsaka hinila niya rin buhok ni Mama at pinalo ang pwet."sabi ko at binuka ang isang mata para tignan sila.

Natigil silang dalawa sa ginagawa sandaling nagulat.

"Oh my God! Gising na siya!"sabay silang dalawa at agad akong pinaypayan.

"Nasaan ang tubig? Alam ko na dehydrate ka na dahil sa dami ng luha mo. Pati panty mo nabasa sa dami ng luha."

Natawa ako ng wala sa oras. Ang sakit tuloy sa pisngi.

"OA mo Timo!"

Ingat na ingat sila sa mga ginagawa nila sa akin pati ang paghawak habang panay ang talak ni Timo tungkol sa Mama ko. Lagi naman siyang kinokontra ni Tsoleng kaya ang resulta silang dalawa ang nagbabangayan. Tahimik lang ako dito at maramung iniisip habang naglalagay ng cold compress sa mukha ko.

Saan naman ako pupunta ngayon? Mag-isa na lang ako at wala pa si Papa. Hindi naman pupwedeng sa kalye ako matulog at hindi rin ganoon kabilis makahanap ng trabaho. Isa pa ang 3 million na utang ay lagi ko pang naiisip.

Ayoko namang sumama kina Tsoleng pabalik. Maghahanap na lang talaga ako ng paraan neto.

"May alam ba kayong apartment o pwedeng tuluyan?"tanong ko sa dalawa.

Natahimik naman sila mula sa isang bangayan at seryoso na naman akong tinapunan ng tingin. Kita ko sa mga mata nila na naaawa sila sa akin hindi lang nila masabi.

"Sumama ka na lang sa amin pabalik."wika ni Tsoleng at hinaplos ang buhok ko.

Umiling ako bilang pagtutol. Ayaw ko munang may inaabala ngayon. Alam kong magiging pabigat lang ako.

"Gusto ko munang mapag-isa ngayon. Gusto ko munang mag-isip."

Nagkatinginan ang dalawa at parehing nagbuntong hininga.

"Kung ako sayo Jenie. Paglaruan mo iyong si Boss, Hindi pa nakakatikim ng sakit 'yon. Kumapit ka muna sa kanya tapos kapag umasenso ka na saka mo iwan."

Ang sama talaga ni Timo. Hindi naman halatang may galit siya sa Boss nila.

" 'wag kang maniwala sa bad influence Jenie."

"Kaya lumalaki ang ulo ng alaga natin kasi hindi pa naranasang maghabol sa babae. Kaya ikaw kung darating man ang araw ma miinlove sayo 'yun. Magpahard to get ka ha?"sabi ni Timo habang tinuturo ako.

Natawa ako kay Timo dahil parang siguradong sigurado siya na maiinlove ang alaga nila sa akin. Napapailing na lang ako sa mga sinasabi niya.

Masaya naman ako ng sinabi ni Timo na pansamantala Niya akong patutuluyin sa isa mga bahay niya. Malaki iyon at halos kompleto ang mga gamit. May TV na na pwedeng libangan at may laman na rin ang kanyang refrigerator. Ang tanging bilin niya lang sa akin ay huwag magpapasok kung may kakatok man sa gate. Pinahiram niya rin ako ng cellphone para makatawag sa kanila.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon