CHAPTER 16: THE EX"Naku! 'Yung mukha ni Hannah kanina habang pinupulot ang bag niya ay parang isumpa ka na."si Tsoleng habang inaayos ang susuotin kong damit.
Isasama daw kasi talaga ako ni Von sa Party daw. Hindi ko nga lang alam kung anong klaseng party. Kahit pa ilang beses ko ng sinabi na hindi ako sasama ay pinipilit niya pa rin kaya sa huli siya ang nanalo.
Pumayag din ako dahil sasama din pala itong si Timo at Tsoleng. Sila naman ang magpartner.
"Ay! Sayang at hindi ko naabutan ang eksenang 'yon."si Timo naman ngayon habang nilalagyan ng kolorete ang mukha ko.
Nakaharap ako sa malaking salamin at pansin ko bihasang bihasa si Timo sa paglalagay ng make-up.
"Pero di bale na. May part 2 pa naman 'yon. Diba Jenie?"dagdag pa ni Timo kaya nakatikim siya ng hampas sa batok kay Tsoleng.
Natawa ako sa reaksiyon niya at dahil hindi siya makaganti kay Tsoleng ay idinaan niya na lang sa irap.
"Napaka sadista ng hipokrita na 'to!"inis na bulong niya.
Umabot din ng kalahating oras ang pag-aayos sa mukha ko at ngayon ay nakasuot na ng Ellorie dress na bagay na bagay naman na suot sa isang party. Kulay puti ang kulay ng suot ko at hanggang gitna lang ng hita ko tapos mas bumagay pa sa akin ng pinasuot sa akin ni Tsoleng ang puting sandal na 3 inches.
"Kahit siguro magsuot ka ng gusot o punit punit bagay pa rin sayo, hindi mo na kailangang mag-effort."si Tsoleng at nakangiti sa akin.
Ngumuso naman ako sa papuri niya. Nahihiya tuloy ako.
"Mamaya Jenie ha? Samahan mo ako, maghahanap tayo ng boylet. Hihi"ang malanding si Timo na naman habang hinihila si Tsoleng para pauupuan sa silya na kaharap niya. Si Tsoleng na naman siguro ang sunod niyang aayusan.
"Sus! Asa ka pa! Baka lagyan pa 'yan ng kadena ni Von para hindi makawala sa tabi niya."
Tumawa si Timo at lahat kami napatingin sa pagbukas ng pinto at doon niluwa ang sobrang gwapo, sobrang hot, sobrang tangkad at mala modelo sa suot niyang black suit at puting polo longsleeve sa loob.Ang kanyang mga kamay ay nasa kamay ay nasa bulsa ng pantalon niya at napalunok ako ng hapit na hapit sa kanya iyon. Bumabakat tuloy ang.....Nevermind.
Sobrang mangha ako sa kanya at hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi tumingin sa kanya. Parang nakakaadik siya lalo na ang mga seryoso niyang mga mata na nakatitig din sa akin. Ang mga mapupula niyang labi ay kaysarap halikan.
Tama na ang pantasya Jenie!
"Are you done?"
Hindi ako agad nakasagot dahil sobrang mangha ko pa sa kanya. Ewan ko ba? Nadala na ng hangin ang buong katinuan ko. Ang dalawa naman ay sabay pang lumingon sa akin ng dahan dahan at nagpipigil ng ngiti.
"Pst! Jenie, are you done ba daw?"si Timo at inulit ang tanong ni Von.
Doon pa lang ako natauhan na agad pinamulahan ng pisngi sa sobrang hiya. Nangangalap din ako ng pwedeng sabihin dahil parang bumara ang utak ko.
"Uh, O-Oo. tapos na."sabi ko.
Ngumiti si Von at ganoon din ang dalawa kaya sinamaan ko sila ng tingin.
"Then let's go."aniya.
Tumango naman ako at dahan dahan naglakad patungo sa kanya at kahit hindi pa nga ako tuluyang nakakalapit kay Von ay narinig ko na ang pang-aasar ni Timo.
"Von. Mamaya isasama ko Jenie ha?"
Nangunot ang noo ni Von habang nakatingin sa akin na para bang hinahanap niya ang sagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.