Chapter 37: TASTE OF A KISSHindi na kami naligo ni Von. Hindi rin kami umalis doon sa upuan na iyon at tanging nagtitigan lang kami. Hiyang hiya naman ako sa halikan namin kanina. Gumawa pa talaga kami ng eksena.
Kung hindi pa dumilim ay siguro nandoon pa din kami at nagtitigan. Napapailing na lang ako habang iniisip ang nangyari kanina.
Mabilis talaga ang tibok ng puso ko.
Nandito ako sa room nila Ariela. Naghihintay ako sa kanila dahil sabi ni Von ay sabay daw kaming magdinner ngayon. Parang hindi naman sila napagod sa ginawang pagswimming dahil go na go pa rin ang dalawa.
Ako ang napapagod sa kanila.
Buti na pang nandiyan si Von sa tabi ko. Tsaka kapag naiisip ko siya ay nawawala bigla ang pagod ko. Wala sa sariling napangiti ako dahil sa sobrang corny ko.
"Asususus! Ngiti ngiti kasi nakahalik si Fafa Von."tinig mula sa kakalabas lang ng kwarto.
Si Ariela na mapang-asar masyado ang mga ngisi niya. Ginaya niya pa ang halikan namin kanina ni Von.
Namula naman ako sa hiya. Kainis 'to! Ayaw ko ngang maalala pero pilit pa ring pinapaalala. Lalo na ng makita ko kanina ang mga naglaglagang mga panga ng mga tao sa pool.
"Tumigil ka nga!"natatawa kong sinabi kahit pinilit ko naman mairita.
Tumili siya sa kilig at lumapit sa akin para mahinang sabunutan ang buhok ko.
"Ahhh! Ang swerte mo! Ano masarap ba humalik si Fafa Von?"tumitili pa ring tanong ni Ariela.
Halos ako ang mahiya sa pinagsasabi niya. Mabuti na lang wala si Von dito dahil hindi ko kakayaning sumagot kapag nandito siya.
Pero wala rin akong isasagot dahil hindi ko rin alam ang isasagot ko. Basta ang alam ko kapag hinahalikan niya ako ay nawawala ako sa wisyo.
Natatawang sinapak ko na lang si Ariela para tumigil na. Mabuti na lang ay lumabas na si Nanay Angging at bihis na bihis na. Nakangiti pa ito.
"Naku! Kumakalam na ang sikmura ko."aniya at hinimas ang kanyang tiyan.
Nagdesisyon akong tumayo para mauna ng lumabas. Gutom na rin ako e. Gutom sa halik ni Von. Acckk!
Tama na nga sa pag-iisip ng ganito! Nakakainis na nakakatuwa.
"Labas na po tayo. Baka naghihintay na si Von."sabi ko.
Pero imbis na matapos na ang usapan namin kanina ni Ariela ay mas lalo pang lumala. Gusto ko tuloy manabunot ngayon ng isang Ariela.
"Atat na atat makita sa Fafa Von oh! Gusto pa siguro ng halik."singit ni Ariela.
Bago ko buksan ang pinto ay matalim kong tinignan si Ariela. Pinagbabantaan ko siyang itigil na niya ang pang-aasar niya pero binalewala niya iyon. Lumiwanag naman at kumislap ang mukha ni Nanay Angging.
"Oo nga nuh? Naalala ko. Naghalikan pala kayo ni Von sa swimming pool. Kaya pala fresh na fresh ka kasi naambunan ng halik."
Naghagikhikan silang dalawa. Bakit ba sobrang big deal sa kanila ang halikan namim ni Von? I mean nakakahiya pala kapag naririnig ko sa ibang tao.
"Nay, hindi lang ambon 'yon. Bumaha na nga ang halik ni Von. Yieeee!"sabi ni Ariela at tumili muli at patalon talon pa.
Nilagay ko ang dalawang pala ko sa magkabilang pisngi ko. Sobrang namumula na ako at hindi ko alam kung paano sila patitigilin.
Kung pwede lang na magpalamon na ako sa lupa ay gagawin ko na o kaya naman magteleport.
Bago ko pa mabuksan ang pintuan aa harap ko ay may naunang nagbukas doon. Bumungad sa amin ang fresh na fresh na lalaking nagpapatibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.