CHAPTER 29

101 3 1
                                    

Chapter 29: TAKOT

Isang oras lang ang tulog ko at nagpapapasalamat ako kahit papaano ay nakatulog ako at wala namang nagparamdam. Medyo nabawasan na rin ang sakit sa aking katawan pero ramdam ko pa rin ang mga kirot. Lumabas ako sa maliit na kwarto ko at hinanap ang mga kasama ko rito. Sa totoo lang ay nahihiya na ako sa kanila ngayon pa lang pero hindi ko pa kaya at hindi ko alam kung anong lugar 'to.

Pagkalabas na pagkalabas ko ay naabutan ko si Ariela na nagbibilang ng kandila. Iba iba ang kulay at laki. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan siya sa ginagawa.

"Ano 'yan Ariela?"tanong ko sa kanya at lumapit na rin.

Nilingon niya ako saglit pagkatapos ay sumimsim ng kape.

"Ah. Alam mo na...palapit na ang undas kaya benta ngayon ang mga kandila. Sasideline muna ako para may pambili tayo ng bigas."nakangiting sinabi niya.

Agad naman akong nalungkot sa sinabi niya. Hirap na nga sila sa buhay tapos dumating pa ako kaya dagdag ako ngayon sa gastusin at papakainin nila. Nakakalungkot lang isipin na wala akong pwede na maitulong sa kanila dahil sa kalagayan ko ngayon.

"Oh! Alam ko ang ganyang mga mukha! Alam ko iniisip mo at sinasabi ko sayo na 'wag mo ng isipin 'yan kasi sasakit lang ang isip mo kapag palagi mong iisipin 'yan."sabi niya sabay kagat sa pandesal.

Dagdag pa ngayon sa iisipin ko kung ano ang sinabi niya.

Nahihiya talaga ako sa kanila. Matanda na si Nanay Angging at napansin ko kahapon madalas na sumasakit ang kanyang balakang kaya pinapahilot niya ito sa anak. Nasabi nga rin niya kahapon na tinitiis ni Nanay Angging ang paglalabada para lang magkapera.

Kaya naisip kong sasama na lang ako kay Ariela. Ayaw kong magmukhang prinsesa dito habang sila ay kumakayod. Tsaka kapag gumaling na ako ng tuluyan ay pwede na akong umalis rito.

"Sasama na lang ako."

Wala namang masama kung sasama ako tsaka kaya ko na maglakad lakad ngayon.

"Tumigil ka nga! Hindi mo pa kaya!"aniya.

Pilit akong sumimangot sa kanya kaya naman tinitigan niya ako. Ayaw ko ring maiwan dito mag-isa. Baka magkatotoo may magpaparamdam pa sa akin.

"Hindi nga pwede Jenie! 'wag mo akong dinadaan sa mga ganyang mukha."dugtong niya kahit wala pa naman akong sinasabi pero alam kong bibigay na siya anumang sandali.

Basta hindi talaga ako magpapaiwan rito. Sasama ako kahit anong mangyari. Mahaba haba naman ang ginawa kong pangungulit sa kanya at wala aking pakialam kung magagalit siya sa akin. Hindi rin siya makakaalis rito kung hindi ako kasama. Ayaw kong maiwan rito kasama ang mga patay.

"Kung sasama ka sa akin Jenie, Sigurado ako pati patay tatayo sa libingan nila para lang bumili ng kandila dahil kahit marami kang pasa ay maganda ka rin. Ayaw ko namang magkaroon ng customer na patay!"aniya at kunyari nagdadabog.

Hindi ko napigilan ang tawa ko sa sinabi niya.

"Tsaka ako lang ang pinakamaganda sa lahat ng tindera ng kandila at kung isasama kita pangalawa na lang ako. Aagawan mo pa ako ng posisyon."

"Hindi naman e! Sasama lang at tutulong. Mas makakabenta tayo ng marami kapag sinama mo ako."sabi ko at ngumuso.

Worth it naman din ang pangungulit ko sa kanya dahil sa huli ay napapayag ko rin siya. Halos mapunit pa nga ang damit niya sa kakahila ko. Tatawa tawa lang ako ngayon habang pinagmamasdan siyang pakembot kembot na naglalakad at kinakausap ang bawat puntod na nadadaanan namin.

Tiningnan niya ang pangalan ng namayapa at inaasar niya ito.

"Oh! Sana all pahiga higa lang!"sigaw niya dahilan para napahalakhak ako kahit na may halong takot na nararamdaman dahil baka mabulabog namin ang mga namamayapa na.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon