CHAPTER 41

90 4 0
                                    


CHAPTER 41

                   Ganadong ganado naman akong kumain dahil nakakatakam ang mga nakahandang pagkain sa mesa kaya naparami ang kain ko. Mukhang nakabawi ako sa tatlong araw na di kumakain at di umiinom. Pansamantalang nawala sa isip ko na nasa harap ko pala si Tsoleng na nakangiwing nakatingin sa akin habang kumakain.

"Kain ka na... Baka gutom na iyang baby mo."pag-aaya ko sa kanya dahil nakakailang naman na kumakain ako tapos may nakatingin.

Umiling naman siya. "Hindi ako gutom. Ikaw ang kumain kasi mukhang isang taon ka talagang di kumakain sa sobrang payat mo."

Pumayat din kasi ako dahil sa dami kong iniisip na problema at hindi na rin kumakain. Siguro ang pangit ko na kasi mukha na akong bangkay sa sobrang payat, kulang na lang siguro ay kabaong.

"Ilang buwan na nga pala ang t'yan mo?"mukhang di naman siya buntis kasi parang wala naman akong nakikitang umbok pero blooming naman siya.

"1 month kaya di pa masyadong kita."

Nag-usap lang kami tungkol sa nararamdaman niya at sinabi niya pang ako raw ang magiging ninang kaya laking tuwa ko naman. Nang mapag-isa na sa ligtas na silid ay doon ko pa lang napagtanto ang lahat ng nangyari.

Parang kanina lang any sobra sobra ang bigat na nararamdaman ko dahil akala ko ay hindi na ako makakalaya pa. Akala ko araw araw ko pang makikita ang mukha ni Seweer at mamatay na lang ako sa gutom. Pero hindi, narito na ako ngayon, sa maayos na kalagayan ngunit di ko pa rin magawang maging masaya. Alam kong di ako sasaya dahil isang tao lang ang hinahanap ng sarili ko na siyang magpaparanas sa akin ng tunay na saya.

Nang mag-umaga ay nagising ako sa ingay ng hagikhikan na parang nagkikilitian. Naalimpungatan man ngunit magaan naman ang gising ko.

Hinagilap ko kaagad ang tsinelas ko sabay kusot sa aking nanlalabong mga mata. Di na ako nag-abala pang maghilamos o pumunta man lang sa banyo para icheck ang mukha ko. Basta na lang akong lumapit sa pinto at dahan dahang binuksan dahil kuryuso ako sa kung sino man itong panay ang hagikhikan sa umaga.

Gumawa ako ng maliit na siwang na tamang tama lang na makikita ko ang nasa labas. Napakagat na lang ako ng labi sa nakita at gustong gustong umikot ng mata ko pero pinigilan ko lang.

Si Timo na nakaluhod sa harap ni Tsoleng habang nakayakap sa maliit pa na bewang ng babae. Nakatapat ang tenga siya sa tiyan ni Tsoleng na tila ba pinapakinggan niya ang baby sa loob ng tiyan. Nakangiti rin ito, kitang kita din naman na masaya ang babae na namumula rin ang pisngi. Ang cute lang ni Timo kasi hindi ko naman nakikita na magiging ganito siya kasweet. Puro kaartehan lang naman siya dati at ayaw na ayaw pa sa mga babae pero tignan mo nga ngayon. Halos di na bibitiwan si Tsoleng sa sobrang pagkamiss.

Pwede rin palang magbago ang isang tao kapag nakatikim. (Chour!)

"Anong mas gusto mo ang itawag sa akin ni baby? Mama or Mommy?"malambing na tanong ni Timo kay Tsoleng na ikinakunot naman ng noo niya.

"So gusto mo ako ang ama dito? Bakit ako ba ang tumira?"

Medyo iritado na ang mukha ni Tsoleng at pilit ng kinakalas ang yakap ni Timo na mas lalo namang hinihigpitan ng lalaki para di makawala sa bisig niya.

"Galit agad si accla, nagbibiro lang."si Timo ngayon na natatawa na.

"Magbiro ka sa lasing 'wag lang sa buntis na lasing."

Bago pa sila mauwi sa away ay tuluyan na akong lumabas sa pinto at nagpakita sa kanila na abot tenga ang ngiti. Naiiyak ako sa saya dahil ang sweet sweet nila.

Tumikhim ako para ipaalam na narito ako sa harap nila. Sabay silang napaalingon na dalawa na para bang nakakita ng multo pero kumpara kay Tsoleng ay saglit lang ang pagkagulat samantalang si Timo ay agad na tumayo at lumayo kay Tsoleng at bumalik iyong pandidiri sa mukha niya. Parang nahihiya pa siya na naabutan ko sila sa ganoong posisyon kanina. Kung makapandiri ay akala mo kanina parang di nanlambing sa babae.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon