CHAPTER 31

96 4 0
                                    

Chapter 31: NGITI

"I said stop!"sigaw niya sa likuran ko.

Tumakbo kasi ako ulit pagkatapos kong sabihin iyon. Hindi ko siya kailangan dahil kaya kong magsimula muli ng wala sila.

"Umuwi ka na!"sigaw ko rin pabalik sa kanya

Malayo layo na ang tinakbo ko at malapit na ako sa sementeryo at papalubog na rin ang araw. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin napapagod si Von sa kakasunod.

Ayaw ko ring malaman niya na sa sementeryo ako tumitira ngayon. Halos mahimatay ako sa kaba ng bigla niya na lang hinigit ang braso ko dahilan kaya napasubsob ako sa kanyang malapad na dibdib.

Ramdam ko rin na nag-init ang buo kong mukha lalo na nang maamoy ko ang panlalaki niyang pabango. Agad akong lumayo dahil pakiramdam ko ay maririnig niya ang tibok ng puso ko.

"Magbabakasyon tayo diba? Sabi ko isasama na kita tapos umalis ka."sabi niya at agad na nahimigan ang lungkot sa kanyang boses.

Kita ko rin sa kanyang mata ang lungkot pero ayaw kong magpadala doon.

"Ayaw ko nga! Masaya na ako ngayon at kuntento."siguradong sigurado kong sinabi.

'Yon naman talaga ang totoo. Masaya ako sa bago kong mga pamilya ngayon kahit mahirap ang buhay ay masaya pa rin ako. Tanggap nila ako ng maluwag sa kanilang puso. Sa kanila ko naramdaman na kompleto ako.

"And you're living inside the cemetery. Kasama ang mga patay..."aniya at bumuntong hininga.

Napatingin ako sa kanya ngayon at napaisip. Paano niya nalaman na sa sementeryo ako nakatira? Pinasundan niya ba ako? Hinanap niya ako?

Ang kaisipang hinanap niya ako ay nagbigay ng kakaibang saya sa akin at ayaw kong magsinungaling doon.

"Cemetery nga diba? Natural mga patay talaga ang naroon! At wala kang pakialam doon."

Umirap ako sa kanya at nagsimula ng maglakad patungong sementeryo. Alam niya naman pala kung saan ako nakatira kaya wala na akong kailangan pang itago. Kung makikipagsagutan pa ako ay ako rin ang talo sa huli dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako tinatantanan. Naiinis na ako!

Hindi ko rin siya nililingon habang panay ang salita niya sa likod ko.

"Kumain ka na?"

Kanina niya pa ako tinatanong pero nagbibingibingihan lang ako at iniisip na multo ang kasama ko. Naisip ko si Ariella kapag nakita niyang kasama ko ang gwapong customer kanina.

Walang gate ang sementeryo dahil public naman ito kaya nakakapasok lang gustong pumasok rito. Dere deretso lang ako at walang lingon lingon. Noong una natatakot pa akong maglakad dito ng mag-isa pero kalaunan ay nawala rin iyon at hindi na naniniwala sa multo. Wala naman din kasing nagparamdam. At ang tanging nagparamdam lang ngayon ay itong nasa likod ko na nakasunod.

"Kaya mo ba gusto dito kadi peaceful?"aniya at hinawakan ang palapulsuhan ko. Muntik na akong mapatalon ng maramdam ko ang kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko.

"Umalis ka na dito Von."marahan kong sinabi at pagod na rin ako.

Matalim niya lang akong tinitigan at nagtiim bagang. Ang nga ganitong ekspresiyon niya ang nagpapahirap sa akin dahil alam kong hindi talaga siya matitinag.

Napamura naman ako ng wala sa oras ng nauna pa ang kumag na maglakad papasok pa sa sementeryo. Alam niya kaya aang bahay na tinutuluyan ko? Syempre!

"Von!"malakas kong sigaw at wala ng pakialam kung mabulabog ko pa ang mga yumaong nakahiga d'yan.

Bakit ba ganito ang ugali ng kalabaw na 'to?!

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon