CHAPTER 3

374 40 29
                                    


CHAPTER 3: DILIM


Masaya naman akong napapayag ko siyang bigyan ako ng palugit. Kaya nga lang tatlong araw lang. Ngayon nasa loob ako ng SUV na maghahatid sa akin patungo sa bahay at ang driver naman ng SUV ay si Timo na abala pa sa paglalagay ng lipstick sa labi. Si Tsoleng naman ay nasa gilid at inaayos ang mga paper bags pinadala sa akin ng boss nila. Hindi ko alam kung ano ang laman ng mga paper bags pero hula ko ay puro damit.

Nakatingin ako sa pinto kung saan kami lumabas kanina. Ewan ko ba? Hindi ko maintindihan ang sarili ko kong bakit pakiramdam ko ngayon ay may kulang? Bakit parang nasanay kaagad ako sa kanya. Naiinis tuloy ako sa sarili ko.

"Miss niya agad si Boss,"si Timo na katatapos lang maglagay ng lipstick sa labi. Talagang pulang pula pa.

Napairap ako sa kawalan dahil sa baklang 'to! Ang laking tao pero nagbinabae.

"Hindi no! Iniisip ko lang na sa susunod na magigipit ako dito ako sa kanya mangungutang."palusot ko pero parang hindi naman naniwala si Timo sa sinabi ko dahil humagikhik pa ito bago pinaandar ang makina.

"Hindi mo pa nga nababayaran ang 3 million nagbabalak ka ng mangutang. Tumigil ka Jenie!"si Tsoleng na inaayos pa ang pustiso niya.

"Bilisan mo nga Timo para ng makadaan tayo sa parmasiya at makabili na ng Polident. Mahina na ang kapit ng ngipin eh!"

Napangiwi ako habang nakatingin kay Tsoleng. Talagang dito pa niya naisipang ayusin ang pustiso niya. Sa harap ko pa! Kadiri!

Tuluyan ngang pinaandar ni Timo ang sasakyan at sa huling pagkakataon ay muli kong tinignan ang pinto at nagbabakasakaling may sumilip doon at pigilan kami pero iba ang nakita ko. Mula sa pinakataas na bintana ng parang hotel na ito ay nakita ko ang tukmol na nakatingin sa papaalis naming sasakyan. Seryoso ang mukha niya pero otomatik na sa katawan niya nagtagal ang mga mata ko.

Wala siyang damit at kahit malayo ay pansin ko ang nagfeflex ng mga muscle. Hindi ko napigilang kiligin at ngumiti ng mag-isa dito sa kinauupuan ko. Parang pakiramdam ko ay ilang saglit lang ay pipigilan niya kaming umalis at yayakapin ako kapag nakalabas na dito sa loob ng kotse.

Sige pa Jenie! Magpantasya ka pa!

"Adik ka na ba kay Boss? Nakita mo lang ngumiti ka na! Bakit malaki ba?"sabi ni Tsoleng at pati si Timo na pakanta kanta ay natigil para lang tignan ako gamit ang salamin sa harap. Base sa tingin nila ay alam kong may malisya iyon.

"H-hindi ko ala---"hindi ko pa nga natatapos ang gusto kong sabihin ay nasapawan na agad nila.

"Ay Naku! Kami pa niloko mo!"sabay nilang sinabi at hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Hindi ko pa nga nakita! Mga baliw!"sigaw ko at hindi na napigilang ngumiti ng malapad at pabirong kinurot ang tagiliran ni Tsoleng at pabiro din siyang napapaaray.

"Hindi niya pa daw nakikita, ibig sabihin gusto niyang makita! Yieeee! Lakas ng fighting spirit mo ha?"si Timo at nagtitili na.

Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kapag makikipagtalo pa talaga ako sa mga 'to. Alam ko ng talo ako dahil dalawa sila mag-isa na lang ako. Kahit hindi ko pa naman talaga nakikita.

Ano ano na ang pinagsasabi ng dalawaat marami ng nakukuwento tungkol sa buhay nila bilang driver at katulong sa boss nila.

Matagal na pala nilang pinagsisilbihan ang lalaking 'yon kaya hindi na ako nagulat na kilalang kilala na nila ito.

"Masyadong matinik 'yon sa mga babae. At halos lahat ng mga babae ay nababaliw sa kanya at isa ka na..."

"May isa pa ngang makapal ang mukha na pinagkalat na fiance niya na daw si Boss Von  kaya ayon napahiya."

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon