CHAPTER 24

146 24 21
                                    


CHAPTER 24: BLINDFOLD

Matapang akong nagdesisyon kanina na kailangan kong kausapin si Von tungkol sa mga nangyari. Kailangan ko ng putulin ang nasimulan ko at gaya nga totoong plano ay hindi dapat ako ang narito kundi si Raihan.

Pero ngayong nakikita ko seryoso na may halong lungkot ang mga mata niya ay parang umurong ang katapangan ko.

Kanina naisip kong kaya kong kontrolin si Von pero ngayon ko lang napagtanto habang nakatingin sa kanya ng deretso, Hindi ko pala kaya ang Von na nasa harap ko.

Nakaupo ako ngayon sa kama at pilit na tinatago ang panginginig ng kamay habang siya ay nakatitig lang sa akin habang nakaupo sa mahabang sofa at nakadekwatro.

"Alam mo naman una pa lang diba?"tanong ko at umiwas ng tingin sa kanya.

Hindi ko kaya ang titig niya. Mas lalo kong nararamdaman na sobrang hina ko kapag nakatitig sa kanya.

Kinurot ko ang daliri ko para matauhan at para maalis ang kaba. Hinintay ko siyang magsalita pero wala akong narinig kaya nagpatuloy ako.

"Ang ibig kong sabihin, Alam mong p-plano talaga namin ng pamilya ko diba?"dugtong ko at saglit na sumulyap sa kanya para tignan ang reaksiyon niya pero ganoon pa rin. Seryoso at blangko pa rin.

Di bale na kahit hindi siya magsalita basta ang alam ko hindi matatahimik ang kaluluwa ko kapag hindi ko nasasabi sa kanya 'to.

Kung pwede lang sanang maglaho na lang bigla ay kanina ko pa ginawa. Kaya lang hindi ako maaaring tumakas realidad.

"Bakit? Bakit mo ako hinayaan na gawin iyon sayo? Sa pagkakaalam ko hindi ka naman mabait tulad ng pinapakita mo sa akin."medyo nanginginig na boses kong sinabi.

Ayaw kong sabihin na sa akin mismo nanggaling ang salitang hindi siya mabait dahil kung tutuusin ay hindi niya naman pinakita sa akin na masama siya. Pero dahil halo halong emosyon na ang naramramdaman ko at nagkabuhol buhol na ang utak ko at hindi ko na alam ang pinagsasabi ko.

Tumaas ang isang kilay niya tulad ng dati niyang ginagawa. Hindi ko alam pero bakit medyo nawala ang kaba ko sa ganoong ekspresiyon niya. Naging komportable ako. Dahil siguro naiisip kong ibang magiging iba siya kapag napag-usapan namin ang tungkol sa sitwasyong ito. Siguro dahil iniexpect kong magagalit siya o kaya sisigawan dito pero hindi.

Napaisip na naman tuloy ako kung totoo ba ang sinasabi nilang masama si Von.

"Bakit Von?"

Dahil sa pinakita niyang ekspresiyon ay mas lumakas ang loob ko.

Pinasadahan niya ako mula ulo hanggang paa bago nagtagal ang titig niya sa mata ko.

"You want it right?"tanong niya gamit ang mababang boses na nagpakilabot sa akin.

Napalunok naman ako bago umiling ng maalala ko si Raihan.

"Si Raihan. siya dapat ang nandito at hindi ako. napilitan lang ako Von."deretsong sinabi ko at muling umiwas ng tingin dahil ramdam kong nagtutubig na ang mga mata ko. Ayaw kong makita niya iyon.

Nanghihina ako kapag nakatitig sa kanya.

Mahina siyang natawa pero nakakatakot. Walang halong biro sa tawa niya kaya nagsimula na namang sumibol ang takot sa dibdib ko.

"You wanted to play that's why I gave the game."kalmadong sinabi niya kaya naman napayuko ako dahil totoo naman ang sinabi niya.

Narito ako para paglaruan siya at akala ko mauuto ko siya pero una pa lang talo na ako. Alam niya na ang technique samantalang ako hindi.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon