CHAPTER 47

93 3 0
                                    

CHAPTER 47

Worth it ang pabalik balik namin sa Hospital dahil makakalabas na si Nanay mamayang hapon. Pwede na raw itong umuwi at siguraduhing huwag kalimutang inumin ang mga niresetang gamot. Isang linggo rin kami doon. Marami rami iyon at panay na reklamo ni Nanay dahil bukod sa marami siyang iinumin ay malalaki pa.

Susunduin namin sila doon ngunit mauuna ako, susunod lamang lamang si Owen kasama si Baby Vin.

"Uwi na si Nanay."nakangiting sinabi ko habang buhat buhat ang anak ko.

Narito kami sa sala at si Owen naman ay may kausap sa labas. Hindi ko kilala kung sino.

Nasabi rin sa akin ni Owen na laging nagpapabalik balik rito si Tasyo para sa isang negosyo at ito ang katuwang nito sa pag-aalaga kay Baby Vin.

Hindi ko pa nakikita itong si Tasyo. Hindi kami nagpapang-abot. Gusto ko itong makita at magpasalamat sa kanya. Hindi na rin ako nag-isip ng masama doon, sa halip ay nagpasalamat na lang ko dahil tinulungan niyang mag-alaga si Owen.

Ngunit daig pa nila ang isang Nanay kung mag-alaga. Pulidong pulido, mula sa pagsusuot ng diaper, sa damit na dapat nakaterno, sa paglalagay ng pulbo rito at paglilinis ng tenga at pagtitimpla ng gatas.

Parang nagworkshop ang dalawa. Thumbs up sa kanila!

Hinalikan ko ang pisngi nito. Natawa siya ng hinalikan ko naman ito sa leeg. May hawak itong pacifier na lagi niyang kinakagat kagat.

Kiniliti ko pa ito kaya humalakhak na naman siya. Ang sarap sa tenga ang tawa niya. Nakakawala ng pagod.

"Pa..."napahinto ako sa ginagawa. Nanlalaki ang mata ko at nanigas sa kinatatayuan. Bigla na lang akong kinabahan sa sinambit ng anak ko.

Hinintay ko na may idudugtong siya.

"Pa..."inulit niya pa talaga kaya mas lalong nangunot ang aking noo.

Saan nito natutunan ang ganoong salita? Ang ibig niya bang sabihin ay Pacifier? Parang ang bilis naman yata nitong matuto na bigkasin ang salita samantalang hirap pa siya dating sabihin ang salitang Mama na umabot sa punto na sinabihan ko pa si Nanay at Ariela na tawagin akong Mama.

"Pacifier iyan anak, Pa---Ci---Fier."turo ko sa kanya at ngumiti. Saglit siyang tumingin sa akin.

Tumutulo na ang laway nito. Pinunasan ko ito. Inayos ko na ang suot niya kasi ilang sandali na lang ay tutungo na ako sa Hospital.

"Pa... Pa..."

Parang nanigas ako sa winika ng anak ko. Iyong gusto ko siyang tanungin ko siyang tanungin pero alam ko namang hindi niya ako masasagot dahil wala pa itong muwang at hindi batid ang mga pinagsasabi. Ngunit bakit nga niya winika iyon? Sinadya niya na o may karugtong pa?

Nagsimula na akong kabahan? Kinakabahan dahil salita pa nga iyon ay ganito na ako kung makareact, paano kung umabot sa punto na magtatanong na siya tungkol ama nito? Hindi ko kayang sabihin sa kanya... Ngayon pa lang naninikip na ang aking dibdib habang nakatitig sa walang muwang kong anak.

Naiiyak ako at hindi ko alam kung ano ang dahilan.

Hinintay ko pa kung may karugtong pa ba siyang sasabihin ngunit wala na. Nakatitig na lamang ang bilog nitong mata sa akin.

Kailanman ay hindi ko pinarinig sa kanya ang salitang iyon. Kahit pa na si Owen na gusto niyang tawagin siyang Papa ay hindi ko pinayagan.

Pinalis ko ang luha sa aking pisngi na hindi ko namalayan na tuluyan na pala itong kumawala.

"Sino nagturo sayo?"

Niyakap ko na lang ito. Ang naiisip ko ay baka si Owen o si Tasyo ang nagturo kasi sila naman ang nagbabantay sa kanya. Mukhang napalapit na nga sa kanila ang anak ko kasi ang bilis natuto.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon