Chapter 35: VACATIONAko lang yata ang hindi abala sa paghahanda. Ang dalawa ko namang kasama ay parang may sili ang mga pwet sa pagmamadali.
Kapapasok pa lang ni Von at walang kahirap hirap na dinampot ang mga bags at maleta na gamit nila Ariela at Nanay Angging.
Wala kasi akong maimpake dahil wala naman akong damit. Sumunod ako kay Von ng napansing lalabas na naman siya para ihatid sa kotse niya ang mga gamit.
Naramdaman niya siguro na sumunod ako kaya lumingon siya sa akin na may ngiti sa labi. Kahit bahagyang pinagpapawisan ang noo ay gwapo pa rin siya.
Mas lalo nga siyang naging hot gusto ko tuloy siyang halikan.
"Saan ba tayo magbabakasyon?"kanina ko pa ito gustong itanong kaso ngayon lang talaga naglakas loob.
Binitiwan niya muna ang hawak na maleta pagkatapos ay inabot ang kamay ko para makulong niya ako sa kanyang bisig. Ang bango niya pa rin! Nakakaadik talaga siya!
Naramdaman ko ring hinalikan niya ako sa buhok.
"Sa Zamboanga para malayo. Ako na ang bahala..."bulong niya.
Tumango ako.
May tiwala ako kay Von. Magtitiwala ako sa kanya kahit anong mangyari dahil alan kong hindi niya ako pababayaan. May rason kung bakit niya ako nahanap ngayon.
Kahit na hindi ako mahal ng pamilya ko o Papa ko ay sapat na sa akin na mahalaga ako sa ibang tao lalo na kay Von.
Pinipigilan kong maluha dahil ayaw kong nakikita niya akong ganoon.
Kasalukuyan kaming nasa Manila ngayon at lilipad pa kami papuntang Zamboanga.
Gusto ko munang lumayo sa magulong lugar.
Hindi ko nga alam na nakapagbook na kaagad siya ng ticket kaya mas lalong naglulundag sa saya ang dalawa pa naming kasama ng makita airport. Sobrang excited sila at talagang hiniram pa ang cellphone ni Von para makapagselfie.
Nasa pinakalikod kami at ang nasa harap naman namin ay ang dalawa pa naming kasama. Magkahawak kamay kami ni Von.
Siya malapit sa may bintana na ngayon ay nakapikit. Di ko alam kung natutulog ba o nakiramdam lang. Ako naman ay nakangiti habang tinititigan ang nakasalikop naming kamay.
Sana ganito lagi...
Pinasadahan ko ng tingin ang buong eroplano at kahit mga pasahero. Kaya lang nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko ang pamilyar na sapatos at bisig sa pinakaunahan. Mula sa Faux Leather shoes na kumikinang sa kintab at ang braso nito na suot ang mumurahing G-schock na relo. Ang relong iyon ay regalo ko sa kanya noong 5th monthsary namin ni Seewer at dahil wala naman akong pera ay iyong relo na mumurahin lang ang kaya ko.
Seewer?
Shit! Imposible!
Hindi si Seewer 'to! Hindi niya kami masusundan at hindi niya kami magugulo ulit.
Mali lang ang akala ko. Baka nagkataon lang na ganoon iyon.
Kinakabahan na naman ako sa sobrang takot at kaba. Huli na ng namalayan na mahigpit na pala ang kapit ko sa kamay ni Von.
"Are you okay?"nag-aalalang tanong no Von sa akin.
Kitang kita ko doon kung paano siya mag-alala kaya parang may humaplos na mainit na kamay sa puso ko. Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Isa lang ang alam ko. Maayos ang lahat kapag nasa tabi ko si Von.
Kaya para maging komportable ako ay yumakap na lang ako sa kanya at isinandal ang ulo sa kanyang mainit na dibdib.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.