CHAPTER 5

287 34 9
                                    


CHAPTER 5: STAY AWAY


Nakailang ring din ang cellphone na binigay ni Timo kaya agad ko ng sinagot habang nasa labas pa si Von at kinuha ang mga inorder niyang pagkain.

"Hello Timo!"unang sinabi ko.

"Salamat naman at sinagot mo na! Akala ko ano nang nangyari sayo. Ayos ka lang ba d'yan?"tanong niya sa akin at naririnig ko pa ang boses ni Tsoleng sa background niya.

"Ingrata ka Tsoleng! Tumahimik ka!"sigaw ni Timo kay Tsoleng. Siguro sobrang naingayan na siya sa malamega phone na bunganga ni Tsoleng.

"Okay ka lang ba?"tanong niya ulit sa akin.

Ang totoo hindi ako okay dito dahil nandito si Von. Ayaw kong nakikita ang presensiya niya dahil pakiramdam ko nakokontrol niya ako. Hindi ako komportable.

"Ahmm. N-Nandito kasi si Von."halos pabulong kong sinabi at agad na namang namula ang mga pisngi ko ng maalala ang nangyari kanina.

Napakapilyo kasi!

"Ah...Oo alam kong pupunta siya d'yan."

Napataas ako ng isang kilay dahil sa pagkakaalam ko ay sinabihan ko silang 'wag sabihin sa kanya kung nasaan ako.

"Diba sabi ko 'wag n'yong sabihin sa kanya?"

Humagikhik muna siya ng saglit bago nagsalita.

"Oo. Pero ang sabi mo huwag kong sabihin sa harap niya kaya sinabi ko ng patalikod. May mali ba don?"

Napapikit ako sa sobrang inis kay Timo. May mali ba sa pagpapalaki sa kanya? Kinulang ba siya sa breast feed kaya ganyan siya mag-isip? Hindi ba siya inalagaan ng maayos?

Kung katabi ko lang si Timo ay  kanina ko pa sinasabunutan hanggang makalbo. Pero dapat pahabain ang pasensya dahil pinatuloy niya ako.

"Hello! Nandiyan ka pa?"sabi niya ng mapansin na natahimik ako dito.

"Oo"tanging nasambit ko.

"Sige. Ibaba ko muna 'to. Maghahanap muna ako ng boylet here. Maghahanap ako ng masasabihan ng choke me daddey."sabi niya sabay tili.

Pinatay niya na ang tawag at sakto namang pumasok si Von at matalim akong ginawaran ng tingin. Hindi rin ako nagpatalo at inirapan siya kahit hindi ko alam ang dahilan.

Problema niya at ganoon niya ako tignan?

"You like Timo?"tanong niya na halos mabilaukan ako ng sarili kong laway.

Nakasandal na siya sa hamba ng pintuan habang pinaglalaruan ang susi na nasa kamay niya.

Pinasukan siguro ng langaw ang utak niya kaya ganyan ang mga tanong niya.

"Ano naman ngayon kung gusto ko siya?"

Wala na akong maisip kaya 'yon na lang nasabi ko. Agad kong nakita kung paano magdilim ang paningin niya. Bahagya tuloy ako nakaramdam ng kaba sa itsura niya ngayon.

"Really huh?"

Tumuwid siya ng tayo. Ngumuso naman ako para pigilan ang ngiti sa labi at nagkunwaring nag-iisip.

"Sino ba naman kasing hindi magkakagusto kay Timo. Gwapo siya, matipuno, matangkad. At parang nasa kanya na ang type ko sa lalaki."sabi at kunyari kinikilig.

Ewan ko ba kung bakit nasasabi ko ito sa kanya. Pero natutuwa lang ako sa reaksiyon niya habang nakikinig sa akin. Parang dragon na siya.

Tama nga si Timo sa mga sinasabi niya. Hindi pa talaga nakakaramdam ng sakit at insecurities.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon