CHAPTER 28

99 2 0
                                    


Chapter 28: SEMENTERYO


Nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Sa kisame na may mga sapot pa at puno ng pinagtagpi tagpi lang. Saan ba ako? Gumalaw ako ng kaunti at doon ko pa lang naramdaman na maraming masakit sa katawan ko lalo na ang ulo ko.

"Anong nangyari?"tanong ko sa sarili ko.

Binalikan ko ulit ang mga nangyari dahil wala talaga akong alam kung saan ako ngayon. Mga ilang minuto rin bago ko naalala na ang huling kasama ko pala ay si Raihan na namumutla at galit na galit. Nang maalala ko ang nangyari kanina ay kaagad akong binalot ng takot. Dahil sa kanya masakit ang katawan ko ngayon at nahihirapang gumalaw.

Plano niya ang lahat ng 'yon dahil hindi niya tanggap. Hindi ko kasalanan kung maganda ang pakikitungo sa akin ni Von.

Sa hindi malamang dahilan ay bumundol muli ang kaba sa dibdib ko ng maalala ko si Von. Ang mga mata niyang namumungay, ang mga naiinis niyang nga mata kapag lumalapit ako kay Timo, ang ngiti sa labi niya at ang tawa niya. Alam niya kaya ang sa akin? Hinahanap niya kaya ako? Pinagdadasal ko na sana nga ganoon.

Bumangon ako sa pagkakahiga dito sa maliit na kama na ilang galaw lang ay pwede ng bumigay. Bawat galaw ko ay kumikirot lahat ng parte sa katawan ko kaya hindi ko mapigilan ang maluha. Kaya lang naisip ko na hindi naman pwedeng dito lang ako at maghihintay ng grasya.

Kailangan kong umuwi kay Von. Miss ko na siya.

Ngayon ko lang din napansin na nakasuot ako ng pulang bestida at may mga nakadikit ding dahon sa katawan ko na wari ko ay mga halamang gamot.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil hindi ako hinayaan ng diyos kasi mukhang inalagaan ako ng taong nakakita sa akin.

Naglakad ako sa palabas ng bahay at laking gulat ko ng bumungad sa akin ang nakakikilabot na lugar. Mas lalo lang akong kinilabutan ng umihip ang malamig na hangin. Batid kong namumutla na ako rito sa kinatatayuan ko.
Hindi ko aakalaing dito ako sa sementeryo dinala. Kitang kita ko ang mga puntod ng mga namayapa.

"Ay! Ewan ko sayo Aurelio!"tinig ng isang babae kaya naman hindi na ako nagdalawang isip na tumungo sa kinaroroonan ng boses dahil natatakot akong mag-isa rito.

Salamat na lang dahil may kasama ako.

"Nay! It's Ariela not Aurelio!"boses ng isang bakla.

Naalala ko tuloy si Timo at Tsoleng na kasama ko sa kulitan. Hinahanap din kaya nila ako?

"Naku! Kung ayaw mong tumigil ey talagang ipapamulto kita sa ama mo!"

Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit ko pa ring maglakad papalapit dahil iba talaga ang pakiramdam ko. Papalapit na ako ng papalapit hanggang sa nakikita ko na ang likod ng bakla na nakadekwatrong upo habang naglilinis ng kuko. Nakaupo pa kung saan ang puntod ng patay.

"Hala! Pumasok ka sa bahay at tignan mo kung nagising na ba 'yong babae."utos ng kanyang ina.

"Oo nga pala! Dalawang araw siyang tulog. Gisingin ko nga!"aniya sabay kamot ng ulo.

Dalawang araw na akong tulog? Bakit pakiramdam ko isang oras lang dahil parang hindi man lang nagbago ang sakit sa katawan ko at sariwa pa ang mga sugat.
Bago pa siya tuluyang makatayo ay nagsalita na ako.

"Magandang tanghali po."bati ko.

Dahil sa bigla kong pagsasalita dito sa likuran ng bakla na naglilinis ng kuko ay hindi ko aakalaing magugulat siya.

"Ay! Puke mo Inay!"sigaw niya sa gulat ta napatayo habang hawak ang kanyang dibdib. Ang nanay niya rin na naghuhugas ng pinggan ay hindi rin napagilang tumili.

Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako o hindi dahil pinangungunahan talaga ako ng takot ngayon. Takot na baka may katabi akong multo.

Kita ko sa mata ng dalawang tao na nasa harap ko ang gulat habang nakatingin sa akin. Halos lumabas na kanilang mga mata na para bang isa akong multo dito o siguro may nakita talaga silang multo kasi nasa sementeryo kami. Posible din 'yon.

May kapayatan ang bakla pero matangkad ito at moreno ang balat. Nakasuot siya ng maikling maong short at crop top. Ang nanay naman ay nakadaster na hula ko ay sa kanya itong suot kong damit.

"Ay! Ave Maria Purisima!"dasal ng bakla at pinagdikit ang kanyang palad sabay pikit ng mga mata.

Mas kinilabutan ako dahil nasa isip ko na may nakikita talaga silang multo kaya napapadasal sila. Baka nasa likuran ko lang at nakatingin sa akin.

Katulad ng mga napapanood ko sa mga pelikula. Bakit ba kasi dito pa sa sementeryo ako dinala?

"Gising ka na pala Ineng! Kumusta ang pakiramdam?"ang matandang babae at agad na lumapit sa akin para kapain ang aking noo at tignan ang nga sugat ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

Hindi pa rin ako makapagsalita at tanging nagawa ko lang ay panoorin ang Ginang sa ginagawa niya sa akin.

"Kumain ka muna dahil sigurado akong gutom ka na. Ilang araw ka ring tulog."aniya sabay hila sa akin.

Napangiwi naman ako sa ginawa niya dahil binigla niya ang paghila. Nakalimutan sigurong masakit pa ang  katawan ko. Agad naman siyang nagpaumanhin.

"Ano pong nangyari?"tanong ko ng pinaupo na ako ng babae sa kanilang silya.

Pinagmasdan ko ang mga reaksiyon nila. Nagkatinginan sila na para bang naghihintayan kung sino ang sasagot.

Ilang segundo rin ay mabilis na lumapit sa akin ang bakla. Tumabi siya sa akin pero hindi pa rin nawawala ang mga gulat sa mga mata niya. Naalala ko na naman si Timo.

"Hindi namin alam kung ano ang nangyari sayo! Basta ka na lang namin nakita d'yan sa tabi. Ano bang nangyari sayo?"

Parang binalik lang ng bakla ang tanong ko. Tulad ng ibang bakla ay naamoy ko na may pagkafunny ang baklang ito. Hindi ako sumagot at tinitigan ko lang siya. Mahaba ang kanyang buhok na hanggang balikat at blonde iyon.

Mahina niyang tinampal ang balikat ko kung saan may sugat. Mahina lang iyon pero ramdam ko ang kirot.

" Hoy! 'wag ko akong titigan ng ganyan! Hindi ako pumapatol sa may kabibe! Kadiri!"niya at umakting pa na parang nasusuka.

Ewan ko kung ganito ba talaga ang lahat ng bakla. Basta ang alam ko hindi nawawala ang pagiging funny nila.

Binatukan siya ng kanyang ina kaya inirapan niya ito at kumikibot kibot ang kanyang bibig.

" Hayaan mo 'yan. Nasa pwet utak niyan."

Maganda naman ang pakikitungo sa akin ng mag-ina na para bang isa na akong pamilya. Mabilis ding gumaan ang pakiramdam ko sa kanila. Ang tanging nagbibigay lang ng bigat sa akin ay ang paligid na puro puntod. Timing din kanina na may inilibing malapit dito kaya hindi talaga ako komportable.

Pinagpahinga lang ako nila. Marami ding nakwento sa akin si Ariela tungkol sa naging buhay nila at kung bakit nandito sila sa sementeryo naninirahan. Hindi naman na bago sa akin ang mga ganitong kwento dahil mahirap lang din naman ako. Sa tuwing pinipilit ako ni Ariela na ikwento ang buhay ko ay lagi siyang nakakatikim ng sakit kay Nanay Angging.

Sa gabi naman ay halos hindi ako makatulog. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi ako inaantok dahil dalawang araw akong tulog o hindi ako inaantok dahil natatakot ako dahil baka may multo na pagala gala. Malay natin kung nasa tabi ko na pala. Iniisip ko rin na baka pagala gala ang multo ng bagong libing kanina.

Nawala lang ang takot ko ng biglang nagflash sa isip ko ang mukha ni Von na nakangiti. Gusto ko siyang makita ngayon pero hindi ko alam kung ano ang gagawin at kung saan magsisimula.

Kaya lang naisip ko baka tuloy na ang plano no Raihan na siya ang pumalit sa akin doon.

Napabuntong hininga na lang ako sa huli at hindi ko na napigilan na umiyak ng hindi namamalayan. Mas mabuti na siguro 'to kasi walang gulo.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon