CHAPTER 50

77 6 0
                                    

CHAPTER 50

Nakapagdesis'yon na akong sumama kay Von para maging buo na kami. Sumang-ayon naman ang lahat at masaya rin sila sa naging desisyon ko. Sabi nila ay mas makakabuti iyon dahil mas maganda iyon para kay Baby Vin. Upang lalaki ito na kompleto ang pamilya.

Ngayon ay tinatahak na namin ang daan patungo sa mansiyon niya. Ilang araw niya rin akong kinukulit tungkol dito kaya ng pumayag ako ay laking tuwa niya naman. Masaya rin ako.

Sa kaliwang hita niya ay naroon niya pinaupo ang kamukha niya, maingat niya itong hawak habang pili na namang inaabot ni Baby Vin ang daliri niya upang kagat kagatin. Nanggigil na namam, baka may tutubo na namang ngipin niya.

"Anak huwag mong kagatin ang kamay ng Papa mo,"sabi ko at hinanap ang pacifier niya sa bag. Saan ba kasi 'yon?!

Narinig ko ang mahinang halakhak ni Von. Mukhang tuwang tuwa, saglit pa siyang lumingon sa akin ngunit agad ding binalik ang mata sa daan dahil nagmamaneho. Ang angas niyang tignan lalo ngayon kasi isang kamay lang ang gamit niya habang hawak ang manibela.

"Mas mabuti na iyong ngayon pa lang ay marunong na siyang kumagat para kapag binata na siya ay mas magaling na siyang kumagat."aniya at tumawa pa.

Napaisip ako, anong klaseng ama kaya itong si Von? Kakampi ko ba ito o kalaban? Baka kukunsintihin niya ang anak namin at lahat ng gusto ay ibibigay at sasang-ayunan niya. Hindi pwedeng ganoon!

Mag-aaway kami kapag nagkataon. "Ano?"hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin.

Itinigil ko ang paghahanap at hinarap siya ng mabuti habang siya ay mapaglaro ang ekspresiyon ng mukha.

"What?"painosenteng tanong niya.

"Iyong sinabi mo kanina, anong ibig sabihin no'n?"kalmada ko pang tanong.

Tumingin muli siya sa akin at ngumisi. Kaasar ang ngisi niya.

"Look! Kapag binata na siya, maraming maghahabol kasi gwapo siya at gusto kong kagatin niya lahat ng babaeng--- ah!"hindi niya natapos ang gusto niyang sabihin dahil kinurot ko ang tagiliran niya.

Hininto niya sa gilid ng daan ang kotse habang umaaray ngunit tumatawa naman.

"Gusto mong maging babaero ang anak natin? At susuportahan mo talaga sa pagiging babaero? Ano ikaw pa magtuturo?!"gigil kong sinabi.

Anong klaseng ama siya?! Hinding hindi ako papayag na maging babaero ang anak ko kahit siya pa ang pinakagwapo. Baka maaga akong magkakaapo at sobrang saya naman ng ama niya.

"I was just kidding, hindi mangyayari 'yan..."

Binitiwan ko na ang tagiliran niya. Matalim ang tingin na iginawad ko sa kanya. Kukunin ko sana sa kanya si Baby pero nilipat niya sa kabilang hita niya. Ipinagdadamot sa akin. Kapag talaga naghanap ng dede 'yan sa kanya ko talaga ipapadede! Tignan lang natin kung sino ang mangangalabit mamaya dahil gutom ang anak.

Umirap ako. "Gusto ko loyal ang anak ko."

Ngumiti na siya ngayon at inabot ang aking kamay. Inilayo ko iyon sa kanya ngunit mahaba ang braso niya kaya nahuli niya pa rin iyon at dinala sa mga labi niya para halikan. Namula naman kaagad ang pisngi ko at pigil ang ngiti.

Marupok talaga ako!

"Strick Mama, huh?"panunuya niya pa. Naramdaman kong gumapang pa ang halik niya mula sa kamay ko pataas sa braso ko. Halos madikit na ako sa paghila niya sa akin.

Kung hindi ko pa hinampas ng mahina ang balikat ay hindi pa titigil. Nakatingin lang naman ang anak ko sa amin.

"Magdrive ka na nga!"kunyari galit kong sinabi pero ang totoo ay kinikilig na ang loob ko sa ginawa niya.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon