CHAPTER 45
"Sino gandaaa? Mama o mamu?"So Ariela habang naglalaro sa anak ko. Hindi naman siya pinapansin dahil abala ito lollipop na kinakain. Sobrang lagkit na ng kamay ay at nakukulayan na ang labi at mukha nito.
Simula ng nanganak ako ay mas nagpursigi ako para sa kanya. Nag-iipon pa rin ako dahil anumang oras ay kakailanganin namin ang pera. Kahit sinasabi nilang huwag na akong magtrabaho pero hindi ko naman kayang hindi tumulong. Puwede namang ipagsabay ang pagiging ina at pagtatrabaho.
Absent pa nga muna ako ng isang linggo dahil naisugod ang anak ko sa Hospital. Kinumbulsiyon siya at hindi ko kayang nahihirapan ang anak. Wala na akong ginawa kundi umiyak at mag-alala para sa kalagayan ng anak ko, iniisip ko rin ang bayarin at laking pasalamat ko sa sinabi ng Doctor na hindi na daw namin kailangan ng bayad. Hindi ko na inisip kung bakit hindi kami pinagbayad dahil ang mas mahalaga sa akin ay ang anak ko.
"Ma... ma..."
Napangiti ako. Isang taon na ito at may mga salita na siyang kayang sambitin. Nawawala ang pangamba ko sa tuwing nakikita ko ang anak ko. Nahulog ang lollipop niya kaya tinatawag niya ako ngunit si Ariela na ang gumawa, pinulot niya iyon at inihipan bago muling ibinigay.
"Huwag mo ng tawagin ang Mama mo, takot iyan sa nakita kahapon."nakangiti si Ariela na parang ang saya saya niya sa nakikitang reaksiyon ko kahapon. Sinamaan ko siya ng tingin, pinapaalala niya lang ang kaba ko kahapon.
"Vin, Baby, dito ka na kay Mama!"tawag ko rito dahil gusto ko itong yakapin. Dahil abala siya sa lollipop ay hindi niya ako pinansin.
" 'Wag kang mag-aalala, napadaan lang iyon."
Sana nga! Sana nga huling pagkakataon ko na siyang makikita.
Kahapon ay pumunta kaming Pharmacy para sa gamot ng anak ko. Ang bilis kasing naubos dahil parang tubig lang ito para kay Baby Vin. Di tulad ng ibang bata na ayaw uminom ng gamot pero siya laging umiisa kaya naubos kaagad.
Palabas na ako ng Pharmacy habang palinga linga sa paligid. Kaharap ng Pharmacy dito ay ang Car Wash naman ni Owen. Nandoon rin si Ariela kaya doon sana ako patungo para ayaing umuwi na. Si Nanay lamang ang naiwang nagbabantay doon sa anak ko.
May nag-iisang kotse ang nakaparada kung saan nagpapacar wash at may lalaking nakatalikod sa gawi ko habang nakapamulsa. Kausap nito si Owen.
Matangkad lang siya ng kaunti kay Owen, malaki na ang katawan ni Owen ngunit sa lapad ng balikat niya ay alam kong mas malaki pa ito.
Nakasuot ito ng black leather jacket at black faded jeans, itim na combat shoes naman ang sa paanan. Tatawirin ko na sana ang distansiya ngunit agad ding pumreno ang aking paa. Nagpalit ito ng pwesto patagilid kaya nakilala ko ito kahit pa natatakpan ang kalahating mukha nito. Ginawa kasi nitong face mask ang itim na panyo na itinali niya lamang sa likod ng ulo niya. Kahit ganoon ay hindi pa rin iyon hadlang upang hindi ko siya makilala.
Kumabog ang puso ko sa nakakabinging paraan. Ramdam ang bawat pintig nito. Tila tumigil ang mundo para sa akin habang nakatitig sa kanya, slow motion ang pagkurap ng mga mata niya at kahit natatakpan ay matangos pa rin ang kanyang ilong.
Malamig ang tingin niya sa lahat ng nakikita niya. Ayaw kong aminin ngunit mas naging mature siya at delikado kung titignan. Mas gwapo din kumpara noon.
Hindi ko magawang gumalaw dahil naninigas na ang aking katawan ngunit nangingig naman ang aking tuhod.
Gusto kong isipin na hindi ito si Von ngunit siyang siya ito.
"Sir Von!"sigaw rito sa banda ko.
Matindi na ang kaba ko dahil siguradong makikita talaga ako ngayon at kung mangyayari ay hindi ko alam kung paano ko siya haharapin.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.