CHAPTER 6

272 31 3
                                    


CHAPTER 6: COUPLE

Dahil nga wala siyang ibang t-shirt na pwedeng isuot ay hinayaan niya na lang na lantad na lantad ang katawan niya. Wala siyang suot na damit kaya naman hindi ako komportable na nakikita siyang ganoon. Kanina habang kumakain kami ay halos ayaw kong tapunan siya ng tingin. Alam ko kasi sa sarili ko na magtatagal na naman ang titig ko sa Abs niya.

Kaya ngayon nasa loob kami ng mamahalin at makintab kintab niyag sasakyan. Pero nadidistract pa rin ako dahil sa makintab at matigas niya ring Abs. Idagdag pa ang pagfeflex ng mga muscles niya sa tuwing nagmamaniobra sa manubela. Ang hot niyang tignan sa itsura niya habang nagmamaneho. Lalo na maugat niyang kamay.

Kaya upang kumalma ay pinili ko na lang na tumingin sa labas ng bintana. Sinasaulo ko lahat ng mga nadadaanan namin.

Kaya lang bigla akong napatalon sa gulat ng maramdaman ko ang isang mainit na kamay sa aking hita.

Nanlalaki ang mata kong tumingin sa kanya.

Ano na naman kaya ang nasa isip nito? Tinuro ko ang kanyang kamay na nasa hita ko at tinaasan ng kilay.

"Bakit nandiyan 'yan?"seryosong tanong tanong ko. Lagi na lang kasi siyang may pabigla biglang ginagawa.

"Nilalamig lang,"aniya habang nasa daan pa rin ang atensiyon niya. Para bang wala lang sa kanya. Halatang sanay ah!

"O. eh bakit hindi mo na lang ilagay ang kamay mo sa makina? Mas mainit 'yon!"masungit kong sinabi.

"I want a normal temperature."sabi niya at binasa ang labi niya.

Peke akong natawa sa sinagot  niya at walang nagawa kundi umiiling na lang.
Dahil sa hindi ko na napigilan ang inis ko ay inabot ko ang buhok niya sinabunutan. Hindi naman siya nagulat doon at hinayaan lang ako na gawin sa kanya iyon.

"Ugh! Ugh! Ugh!"rinig ko sa kanya.

Parang iba 'yong narinig. Parang hindi tunog nasasaktan, parang tunog nasasarapan. Alam niyo yun?

Aaminin ko na medyo madumi ako mag-isip pero this time parang may malisya 'yong paraan ng pagkakasabi niya. Talagang nag-iinit ulo ko sa kanya.

"Ang bastos mo talaga!"

Tumingin lang siya sa akin na parang hindi alam ang ibig kong sabihin pero hindi naman nakatakas sa mga mata ko ang bahagyang pag-angat ng gilid ng labi niya.

"What?"inosenteng tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Bakit parang ako itong lumalabas na bastos sa aming dalawa?

"Bakit ka ba uungol ungol diyan!"

"I'm just driving and here you are being horny again."sabi niya dahilan para manliit ang mga mata ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa kanya.

"Wow! Ako pa talaga? Hindi ba't ikaw ang horny? Tignan mo nga 'yong kamay mo!"

Nagkibit balikat lamang siya at nagkunwaring hindi nakikinig sa mga pinagsasabi ko. Talak lang ako ng talak dito pero siya parang wala lang.

Hanggang sa huminto na siya sa isang mamahaling mall. Talagang napanganga ako sa sobrang taas ng mall. Hindi ko alam na dito kami pupunta.

Marami rami ding mga tao ang naglalabas masok at may mga foreigner pa.

Napansin kong lumapit siya sa akin para tanggalin ang seat belt pero dahil sobra akong namangha sa katitingin sa labas ay hindi ko na siya pinansin.

Basta ang naririnig ko lang sa kanya ay buntong hininga.

"Papasok ba tayo dito?"masayang tanong ko sa kanya at nilingon siya na ngayon din ay kinakalas ang sarili niyang seatbelt.

Tumango siya at sandaling tinapunan ako ng tingin.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon