CHAPTER 34

108 6 0
                                    

CHAPTER 34: USAP

"Hindi na ako takot sa inyo ngayon."bulong ko rito habang nakaupo dito sa isang puntod. Katabi nito ay puntod ng bata. Sanggol pa ang nasa tarpauline at cute na cute pa nga.

"Sinong kausap mo?"

Umupo sa tabi ko ang lalaking kanina ko pa gustong makita at mayakap. Hindi lang ako makahirit dahil naaliw masyado sila Nanay Angging at Ariela sa kanya.

Sinadya ko talagang umalis sa bahay dahil alam kong susundan niya ako at hindi nga naman ako nagkamali. Narito nga siya at nakatitig sa akin na para bang sa isang kurap niya lang ay mawawala na naman ako.

Parang tambol naman ang puso ko sa lakas ng tibok.

"Bakit ka nandito?"seryosong tanong ko at tumitig ng matagal sa labi niya.

Matapang akong tumitig sa mukha niya dahil madilim.

Kahit madilim ay gwapo pa rin siya. Gusto ko pa rin siya. Mahal ko pa rin siya.

"I missed you!"napapaos niyang sinabi.

Kinagat ko ang sariling dila ko para maiwasan ang pagngiti sa labi. Simpleng salita lang iyon pero binuhay niyon ang buong sistema ko.

Miss na Miss ko talaga ang pagiging makulit at caring niya. Kahit dulo ng buhok niya namiss ko rin.

Pwede kailangan magpigil.

"Ano ngang ginagawa mo rito?!"kunyari ay naiirita na ako sa kanya pero ang totoo ay nagpapabebe lang ako.

Ngumuso siya at hinawakan ang siko ko at marahang hinaplos na para bang pinapakalma ako.

See? Simpleng hawak lang natutunaw na ang puso ko bagay na hindi ko naramdaman noong kami pa ni Seewer. Siya lang ang bukod tanging nagpapabaliw sa akin ng ganito.

Kunyari ayaw kong magpahawak kaya pasimple akong umusog palayo sa kanya.

Bahala na kung sabihin ng may ari ng puntod na ito na pakipot ako. Sirain ko kaya puntod niya!

Hindi naman siya nagpatalo ay lumapit din kaagad siya. Ngayon ay paharap na siya sa akin. Ang isang paa niya ay nasa lupa habang ang kabilang paa naman ay nakapatong sa inuupuang kahon ng puntod.

Hinila niya ako papalapit sa kanya at agad na ikinulong sa gitna niya. Nakalatalikod na ako ngayon sa kanya. Sinubukan kong lumayo ay hindi na gumana dahil mahigpit na ang hawak niya sa akin.

"Nasasaktan ako kapag lumalayo ka."aniya at hinalikan ang batok ko.

Tumaas ang balahibo ko sa batok lalo na ng naglakbay pa ang halik niya sa balikat ko.

Napasighap na ako sa ginagawa niya. Naramdaman ko ring mabilis na pumasok ang kanyang kamay sa aking damit at bawat dampi ng kanyang palad sa balat ko ay hindi ko maiwasang umungol ng mahina dahil sa init na hatid nito.

Ganito ang epekto niya sa akin. Nababaliw ako sa kapag hinahawakan niya ako. Nakakawala sa wisyo at ang hirap ibalik ang tamang pag-iisip ko.

"V-Von..."bigkas ko sa pangalan niya. Huli na ng mapansin kong nasa dalawang dibdib ko na ang malaking palad niya. Tinutukso ako. Tinutukso ang dalawang nipples ko.

Napakahayop! Alam na alam ang kahinaan ko...

"This is your favorite right? Do you want me to suck it?"namamaos niyang bulong sa aking tenga.

Hirap man ako ay hindi ako nagpatinag. Pinipilit ko siyang pigilan pero sadyang matigas din talaga ang ulo niya.

"Von. Mag---Mag-usap muna tayo..."hindi ko alam kong tuwid ko na iyong sinabi ko paungol na iyon.

Play With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon