CHAPTER 46
Hinahaplos ko ang matambok na pisngi ni Baby Vin. Hindi na kami pinayagang umuwi muna dahil malalim na ang gabi at isa pa umulan din pagka-uwi namin. Malalim na ang gabi pero heto pa ako't dilat na dilat. Di ko kayang matulog habang iniisip ang mukha ni Von lalo na kapag napapatingin ako kay Baby Vin.
Anong gagawin ko?
Paano kapag nakilala niya ako? Imposible din... Siguro bawas bawasan ko na lang ang paglabas labas para di ko na siya makikita ulit.
Ngunit ani nga ba ang ginagawa niya sa lugar na ito? Kung tutuusin ay hindi masyadong pansinin ang lugar.
Isang oras lang yata mula ng nakatulog ako ay nagising na naman ako dahil ginawang dede ng anak ko ang ilong ko habang nakapatong sa akin.
"Ma...ma... Maaa...ma..."rinig kong sabi niya.
Hay! Buhay ng isang ina... Pero masarap naman sa pakiramdam.
Sumulyap ako sa orasan. Alas kwatro pa lang, ganitong oras talaga siya nagigising kaya wala rin akong magawa kundi sabayan siya sa paglalaro niya.
Hanggang sa kinatok na kami ni Ariela at Nanay para magkape. Inagaw kaagad nila sa akin at sila naman ang naglalaro ngayon.
"Kumusta naman kagabi?"tanong ni Owen habang nagtitimpla ng kape pagkatapos ay binigay sa akin.
Tinanggap ko iyon. "Salamat, okay lang naman, Enjoy."
Enjoy ba kamo? Dahil siguro sa pag-iinom ko ng kape ang dahilan kung bakit ganoon na lang ako kakaba. Parang ninerbiyusin ako sa pagkikita naming dalawa.
Tumango siya. "Taon taon namang may ganyan pero mas bongga ang kaganapan ngayon."
Pansin ko nga, sa mga judges kagabi ay may napansin pa akong artista doon.
"Deserve naman sigurong makilala ang Lugar niyo."
Pumasok si Ariela sa loob ng kusina. Nagkatinginan pa kami. "Papa Owen! Ako naman pansinin mo!"malandinh sabi ni Ariela at kumapit sa braso nito.
Naiiling lang ako habang panay ang landi niya kay Owen. Lagi na lang kapag nahuhuli kaming nag-uusap ay lagi siyang sumisingit. Hindi naman sa ayaw ko pero never talaga kami nagkaroon ng matinong pag-uusap ni Owen.
"Huwag ka na kay Jenie... Meron na 'yan?"
Nanlaki ang mata ko, muntik pang maibuga ang kape sa bibig ko. Kunot noo namang tumingin sa aki si Owen. Sinamaan ko ito ng tingin. Baka maniwala iyong tao, tanungin pa ako!
"May nanliligaw na sayo?"
Iyan na nga ang sinasabi ko! Hindi naman mahirap sagutin pero wala akong makapang sagot.
"Sus! Maganda si Jenie kaya maraming gustong manligaw!"medyo nagtatampong sinabi nito at humigop ng kape doon mismo sa baso ni Owen.
Napatango ito ngunit naroon pa rin ang kunot noo. Tinignan ko si Ariela na may pagbabanta sa mata.
Nang dapit hapon ay umuwi na rin kami. Binilhan pa kami ni Ariela ng kung ano ano, lalo na kay Baby Vin. Ang dami niyang binili na damit kaya sigurado akong ang dami ko na namang lalabhan.
Inuna kong pakainin si Baby Vin para makapagpahinga na ito. Si Ariela naman ay nasa kwarto niya't sinusukat ang binili niyang damit. Si Nanay Angging naman ay kinakalikot ang mga pinamili.
"Ahhh! Juskooo Maryosep!"
Gulat akong napatayo sa biglaang pagsigaw ni Nanay. Tila ito nakakita pa ng higit pa sa isang multo. Napahawak siya sa puso niya kaya kinabahan ako ng husto na baka ano pa ang mangyari.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.