CHAPTER 17: PROTECTIVE"Pinsan mo si Seewer? Paano?"nalilitong tanong ko habang sinasabayan siya sa paglalakad.
Parang hindi ito ang main entrance kung saan kami dumadaan ngayon. Parang napakapribado naman nito. May mga naghihintay sa amin na mga lalaking pormal din ang suot at tinuturo ang daan pagkatapos yumuko.
Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko.
"My mother and his mother are siblings that's why were cousin."paliwanag niya.
Hindi pa rin ako makapaniwala at nanatiling nakakunot ang mga noo at malalim ang iniisip. Bakit hindi ko nalaman iyon? Sabagay may pagkakahawig din naman silang dalawa lalo na ang mga mata. Pero malayong malayo sa ugali, dahil si Von mayabang na may pagkasoft ang ugali habang si Seewer ay sobrang yabang talaga.
"Close ba kayo?"tanong ko at kasabay niyon ang paghapit niya sa bewang ko ng papasok na kami sa medyo maingay at madilim na lugar. Party nga talaga.
Puro nga mga galante at magaganda ang mga tao dito. Base pa lamang sa kanilang suot ay yayamanin na. May mga wild na na nagsasayaw at naghihiyawan sa gitna ng dancefloor.
"Before. Pero ngayon hindi na."sabi niya at agad na may sumalubong sa kanya na sa tingin ko ay kaibigan niya.
Pero agad din natigil sa paglalakad ang lalaki at nanlaki ang mata habang ang bibig niya ay nakaletter O ng makita ako.
Ewan ko kung bakit siya ganoon?
"Whoa! Whoaw! Irereto mo ba sa'kin ang beautiful lady na 'to? Brow?"sabi niya sa harap ni Von habang tinuturo ako.
Napangiwi naman ako sa narinig. Ano ba pinagsasabi nito. Tumalim ang tingin ni Von sa lalaking kaharap pero ang ang lalaki ay parang wala lang at tila sanay na sa ekspresiyon ni Von.
"Very thank you talaga Brow, kita mo naman wala akong dalang babae ngayon at wala partner. Salamat at dinala mo sa akin ang mala anghel---"hindi niya natapos ang sasabihin dahil sinapawan na siya ni Von.
"Shut up Barron! She's mine! Maghanap ka ng sayo!"si Von at tinapik lang ang balikat ng Lalaking Barron. Napahalakhak naman ang lalakiat sumusod sa amin ng lampasan siya ni Von.
"Damot naman! Hihiramin lang eh!"pang-aasar niya pa kay Von. Mas idinikit pa ako ni Von sa katawan niya ng lumapit ito sa gilid.
Hindi ko alam kung paano ako magrereact gayong gulong gulong pa ang isipan ko.
"Stay away motherfucker!"sigaw ni Von at nilipat ako sa kabilang gilid niya para mapalayo sa lalaking Barron.
Natawa ako kung paano ngumuso na parang bata ang lalaking Barron at ngumiti ng nakita akong natatawa sa kanya.
Marami ang nagtangkang lumapit kay at marami din ang bumati sa kanya pero dahil wala sa kanila ang atensiyon ni Von ay nila magawang lumapit at makipag-usap kay Von ng lubusan. Pansin rin kung paano naagaw ng presensiya ni Von ang mga babae sa malayo na halos mabali ang leeg nila sa katitingin kay Von. Ang iba ay parang nilagyan ng bulate ang katawan dahil sa kilig.
May mga lalaki napapaikot ang leeg ar matagal na tumititig sa akin at hindi nga nakatakas sa tingin ko si Seewer na madilim ang tingin kay Von. Pero ng nagtagpo ang mga paningin namin ay kinawayan niya ako. Marami sila sa isang sofa at kaliwa't kanan ang babaeng nakikipag-usap sa kanya.
Kadiri!
Napairap ako sa kanya at hindi na kailanman lumingon o tumingin sa paligid.
May seat din naman na nakalaan sa amin. Sa pinakagilid at pinakadulo. Ayos naman ako doon atleast dito medyo tahimik at wala masyadong titingin kay Von.
Ayaw ko rin na may sumusulyap sa kanya.
"Makikishare din ako dito ha? Wala akong kasama."sabi ni Barron at nauna nang umupo.
Hindi sumagot si Von dahil inaalalayan niya ako sa pag-upo at pilit na binababa ang suot kong dress. Hanggang kalahati ng hita ko pa naman iyon at kapag uupo pa ako ay mas lalong iikli.
"Okay lang naman siguro."sabi ko nang makaupo na at nilingon si Von na naiirita ang mukha habang nakatingin sa hita ko.
Ano na naman ba ang problema niya?
"Okay lang naman diba?"tanong ko kay Von.
"Why did you choose that dress?"tanong niya.
Pinasadahan ko naman ng tingin ang buo kong katawan. At walanamang masama sa itsura ko. Bakit ganyan na lang siya ka iritado sa akin?
"Si Tsoleng ang nagpasuot sa akin nito."sabi ko at nagkibit balikat na lang at inosentwng ngumiti sa kanya.
"One move and they will see your panty."naiiritaniya pa ring sinabi na ikinangiti ko na naman.
"Okay lang. Hindi din naman nila makikita ang panty ko dahil hindi naman ako nagsuot ng panty."bulong ko sa kanya habang natatawa.
Nagbibiro lang naman ako. Syempre nagsuot naman ako ng panty pero ang mukha ni Von ay parang ilang segundo na lang ay sasabog na sa galit. Parang kahit kauupo pa lang namin ay uuwi na kaagad dahil sa biro ko.
Agad akong nagpeace sign sa kanya.
"Joke lang."
Umirap siya at nilagay ang isang kamay sa tuhod ko. Hinayaan ko lang iyon dahil baka nga naman natatakot siyang may sumilip kapag gumalaw ako.
"Nagtagal ba kayo ni Seewer?"seryosong tanong niya na ikinagulat ko naman.
Akala ko hindi namin pag-uusapan si Seewer at hindi ko gustong pag-usapan si Seewer kaya nagulat ako ng tanungin niya ako.
Tumingin ako kung saan ang lugar nila Seewer kanina at ngayon ay abala na siya sa pakikipag-usap sa dalawang babae.
Narinig ko naman ang ungot ni Von kaya otomatikong lumipad ang mata ko sa kanya.
"Tumingin pa talaga! You love him? Until now?"sunod sunod niyang tanong.
Paano ko naman sasagutin ang lalaking 'to gayong ang ikli na lang ng pasensya niya. Kapag mali ang nasabi ko ngayon sigurado akong magwawala na
"Hindi na naman Von. Tsaka 1 month lang naman kami."malambing kong pagpapaliwanag. Hoping na madala siya sa paglalambing ko.
"Hindi na. So, You love him?"
Paano ba ang tamang pagsagot sa kanya? Gusto kong matawa pero pinigilan ko, ayaw kong mas lalo pa siyang mainis.
"Uh, crush ko siya...noon."sabi ko at kumapit sa braso niya.
Sana naman hindi na siya magtanong. Hindi ko na alam ang isasagot.
"And he courted you?"
Napabuntong hininga ako dahil kinakabahan ako sa magiging sagot ko. Nagdadalawang isip ako kungsasabihin ang totoo o magsisinunaling na langkaya lang pakiramdam ko kapag nagsinungaling ako ay malalaman niya pa rin.
"Hindi...ako ang nanligaw sa kanya."napapikit ako ng sabihin ko iyon at mas kumapit pa sa braso.
"What the fuck! Let's go home!"
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.