CHAPTER 19: MOMENTMahaba naman ang pasensiya ni Von na naghihintay sa gilid. Nakasandal sa pader habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang bulsa at tila seryosong nag-iisip.
Huminga muna ako ng malalim at pinapakalma pa ang sarili mula sa nangyari kanina.
Nang mapansin naman ako ni Von ay agad siyang tumuwid sa pagkakatayo. Ngumiti naman ako para matabunan ang totoong nararamdaman tsaka lumapit sa kanya.
"Tayo na."sabi ko.
Tinitigan niya muna ako na para bang nanunuri kaya mas lalo akong ngumiti sa kanya.
"Damn! You're so beautiful."
Napanguso ako sa papuri niya pero may nakikita akong kakaiba sa mata niya na hindi ko mawari kung ano. Parang nag-aalala at kalungkutan.
Bakit kaya?
"Nambola ka na naman..."pigil na ngiting sinabi ko.
Humagikhik lang siya at hinapit ako sa bewang bago naglakad. Pero bago pa kami tuluyang makalayo ay muli kong sinulyapan ang C.R kung saan ko iniwan si Papa. At doon nga nakita ko siya na nakasingit sa mga nakapilang mga babae habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako kay Papa bilang pagpapaalam at gusto kong iparating sa kanya na ayos lang ang kalagayan ko kay Von.
Ipagdadasal ko na lang na matatapos din ang problemang ito. Alam ko sa sarili kong bakit ako narito sa puder ni Von. Alam ko sa simula pa lang ay ganito ang mangyayari.
Pero ang hindi ko maintindihan ay bakit ayaw kong iwan si Von? kapag dumating nga ang araw na babawiin ako ni Papa ay mangyayari naman talaga 'yon.
Bahala na! Susulitin ko muna ang pagkakataon na makasama si Von.
"Are you okay?"tanong niya sa akin. Kanina pa kasi ako tahimik kahit nandito na kami sa loob ng kotse at nagmamaneho na siya.
Nakatingin lang naman ako sa labas at ine-enjoy ang view sa gabi habang nag-iisip. Hindi ko alam na mapupuna niya pala ang pagiging tahimik ko.
Tumango naman ako at humikab.
"Ayos lang naman. Inaantok lang."
Gusto kong kunin na ako ni Papa pero nasanay na ako kay Von. Lalo na kapag ganito, lagi siyang concern. May ibang lalaki pakaya na tulad niya?
"You can sleep here. I will wake you up when we arrive or I will just carry you to your bedroom."aniya at nasa daan ang atensiyon.
Napatingin ako sa kanya at parang may naramdamang parang tumutusok sa puso ko.
Napaisip ako. Nag-iisa lang kaya si Von si Mundo? Kasi parang ang hirap niyang layuan.
"Ayoko."
Gusto kong sulitin ang moment na 'to.
Nakita ko ang pagngisi niya at kung paano niya kagatin sa sexy paraan ang labi niya. Ano kaya nasa isip niya?
Tinitigan ko siya ng mabuti at mas lalo pang humanga sa kanya. Ang matangos niyang ilong, ang mahaba niyang pilikmata, ang itim niyang mga mata, makapal na kilay, ang mapupulang labi, ang perpektong panga. In short ang kagwapuhan niya ay hinahangaan ko.
"If staring at me will make you alive, then stare at me 'till we go home."aniya at nagtaas baba ang isang kilay niya.
Ganoon ba 'yun? Pero parang tama naman siya. Nawala 'yong antok ko sa katitig sa kanya.
"Alam mo matagal ko ng taning 'to eh..."medyo thrill kong pagkakasabi habang titig na titig sa kanya.
Parang ayaw na yata maalus ang mata ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Play With Me
RandomJenie Degret is a good and happy person. She's willing to do everthing for her family.