"Bakit dito mo naisipan na pumunta?"
Dinilat ni Elishiana ang mga mata niya nang makarinig siya ng dalawang tao na nag-uusap, kung kanina ay hinahayaan niya lang ito at nilalabanan rin ang sikat ng araw na tumatama sa mata niya pero ngayon ay naiirita na talaga ito kaya tuluyan na niyang minulat ang mga mata.
"Ahh... This is where i always wanna go when i want to be alone."Sagot naman ng lalaki sa kasama nitong babae. Nilingon siya ng babae at nginisian. "Siraulo ka ba? Mapag-isa pero kasama ako? Hungh*ng."Ani ng babae.
'Alam ng maynatutulog tapos ang ingay ingay, mga bastos.' Sabi ni Elishiana sa isip nito at tinakpan ang mga mata dahil sa taas ng liwanag na tumatama sa mga mata niya, nang tuluyan na niyang makita ang paligid niya ay nag taka na ito, bakit puro puno ang nakikita niya? Tinignan ng dalaga ang hinihigaan niya at bigla na lang napatayo nang mapagtanto na nakahiga siya kanina sa kalsada.
Sino naman ang walang hiyang maglalabas sa kanya at papatulugin siya sa kalsada? Nilibot pa ni Elishiana ang mga mata at na-realize na ang kalsadang tinutulugan niya ay isa pa lang tulay at ang ilalim ay ilog. Specifically? Nasa forest siya.
Ang naalala niya lang ay nasa kwarto niya siya at nakatulog siya kakalunod sa sarili niya sa pagre-review dahil sinusubukan niyang kalimutan ang lahat ng mga sinabi ng gray hair na nakasalubong niya kahapon, pero hindi niya naalalang pumunta siya sa isang gubat.
Bakit naman niya ito gagawin? lalo na at nakasuot pa siya ng pantulog, wala pa ngang suot na bra ang dalaga. Nag lakad na lamang ang dalaga upang mag hanap ng tutulong sa kanya na makauwi na kahit mukhang imposible ito.
Nang makita niya ang isang kotseng naka-park ay pinuntahan niya ito, sinilip ito kahit na medyo tinted ang bintana pero nang masilip niya ay wala namang tao sa loob. Nag lakad ulit si Elishiana at narinig na naman ang dalawang tao na nag-uusap, agad niya itong sinundan at namataan ang dalawang tao na nakaupo sa malapad na railing ng tulay na parang hindi sila nababahala kung mahuhulog ba sila o hindi.
Agad siya nag lakad palapit sa mga ito sa pag-aakala na baka ito ang may ari ng kotseng nakita niya, ngunit hindi niya makita ang mukha ng dalawang tao dahil nakatalikod ito sa gawi niya, hindi pa siya mismo nakakalapit sa dalawang tao ay napahinto na ito dahil tila ba sumakit ang dibdib ni Elishiana kaya napahawak siya sa dibdib nito.
"Tinatanong pa ba 'yan? Ikaw lang naman ang nakakapag-pagaan sa akin, lagi-lagi, hindi lang tuwing gabi."Sabi ng lalaki sa babae at tinignan ito kaya ang side ng mukha ng lalaki ay nakikita na ni Elishiana, tumagilid pa kaunti ang ulo ni Elishiana upang kilalanin ang lalaki dahil sa boses pa lang nito at side view face ay tila ba... pamilyar ito.
"Siraulo... At saka, tigilan mo nga ako, wala tayong label."Sagot naman ng babae, dahan-dahang bumaba ang babae sa pagkakaupo nito sa railing ng tulay na dahilan naman ng pagkatakip ni Elishiana sa bibig nito.
"T-Teka! Anong ginagawa ko rito?"Tanong ni Elishiana sa sarili nang makita niya mismo ang sarili niya na sya palang kausap ng lalaki kanina, agad naman nilingon ng lalaki ang babaeng kamukha ni Elishiana kaya nakilala na rin ni Elishiana ang lalaki.
"Mokong?!"Gulat na sigaw ni Elishiana pero hindi siya tinignan o tinapunan man lang ng tingin ng dalawang tao na parang wala silang narinig, ngayon ay parang nahihilo na si Elishiana dahil hindi niya maintindihan ang nangyayari sa paligid niya.
"You're, right, Elish. Tatlong taon na tayong walang label, umabot na tayo sa 3rd base, Elish. Almost, fourth base na."Sambit ni Cielo sa babaeng kamukha ni Elishiana, nakita tuloy ni Elishiana ang pamumula ng pisnge ng kamukha niya na kanya namang pinandirian. 'Ano ba yung 3rd base?' Tanong ni Elishiana sa sarili.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...