Familiar...
Hindi ako makapag focus sa pinapanood namin ni Cielo ngayon, umuulit-ulit sa utak ko ang tinginan namin nang matapos kaming maghalikan, pero hindi mismo ang tingin niya ang iniisip ko, ang iniisip ko ay ang buong pangyayari... Feeling ko parang naulit lang, para bang... nangyari na 'to dati pa, dahil familiar ako sa lugar ng pangyayari, yet, i never been in there---
In my dream... right!
DREAM FLASHBACK: (Chapter 18)
""You're, right, Elish. Tatlong taon na tayong walang label, umabot na tayo sa 3rd base, Elish. Almost, fourth base na."Ani Cielo sa babaeng kumukha ko, hindi ko alam kung papaanong napunta ako dito sa lugar na 'to. Nakita ko ang pamumula ng magkabilang pisnge ng kamukha kong babae, as in, magkamukha kami sa kahit anong bahagi ng mukha ko pababa.
Teka? Ano ba 'yung 3rd base na sinasabi nila? Anyway, nakita ko ang kamukha ko na balak sanang umalis nang pigilan siya ni Cielo na ikinanganga ko. Napasigaw ang kamukha ko at nagulat na lang ako na sa pagharap ng kamukha ko ay bigla siyang mariin na hinakilan ni Cielo--- hinalikan ako ni Cielo.
Agad akong tumakbo sa kamukha ko at itinulak ito pahulog sa tulay---
END OF DREAM FLASHBACK: (Chapter 18)
Ugh! Hindi ko na maalala pa yung ibang mga pangyayari, pero tama ako, parang naulit lahat ng mga nangyari na nasa panaginip ko... hinalikan ako ni Cielo pero wala namang tumulak sa'kin sa tulay.
Pero siguro ay nagkataon lang na yung nasa panaginip ko ay nangyari sa totoong buhay, hinalikan ako ni Cielo sa lugar kung saan din ang lugar ng nasa panaginip ko, same scene and same place. Hindi ko alam kung matatakot ako or ano... Umiling-iling ako at binalik ang atensyon sa pinapanood namin na 'Titanic' daw, hindi ko pa ito napapanood at sana ay hindi ko na lang pinanood.
"Jack, I want you to draw me like one of your French girls. Wearing this... wearing only this."Napalunok ako nang mariin at kinuha ang cellphone at ito ay kinalikot kahit na wala naman na akong makakalikot pa. Dumukot din ako ng pagkain sa bag of chips, nagtama tuloy ang mga balat namin ni Cielo dahil kukuha rin sana siya ng pagkain. "What if I re-continue my passion?"Anito.
"Edi i-continue mo."Sagot ko, nanatiling sa cellphone ko ang atensyon, sa peripheral vision ko kasi ay nakikita ko pa rin ang mga nangyayari sa TV at hindi ko nagugustuhan ang hubad na katawan na nasa scene. "However, I had run out of ideas for what I wanted to paint... Do you have any suggestions? or..."
"Just recommend yourself."Patuloy niya.
"Gusto mo batuhin kita ng isang sako ng barya?"Tanong ko pagtukoy sa ginawa ni Rose na pagbigay ng barya doon sa Jack bilang kabayaran, alam ko kasi ang tumatakbo sa isip niya ngayon, ngumisi siya sa'kin at napailing na lang. Tumayo tuloy ako at nilayasan siya, mamaya ay umandar ang pagiging manyak niya.
"NAG text din ako na kasama kita, so you don't have to be worried."Sabi ni Cielo patukoy sa kapatid ko dahil nag-aalala ako at baka hinahanap na niya ako, anyway, pinapanood ko siya na nagluluto ng breakfast kaya nakasandal lang ako sa pader dito sa kusina niya.
"Let's wait for it to boil,"Sabi niya at tinakpan ang lutuan, lumabas na siya ng kusina kaya naman lumabas na rin ako. Naupo siya sa single chair kaya naman uupo sana ako sa isang pang upuan pero nang madaan ko siya ay agad niya akong hinigit na siyang ikinaupo ko sa hita niya.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...