"Sasayangin na naman ba niya ang oras ko?"Tanong ko sa sarili ko nang mabasa ko ang sunod-sunod na text ni Cielo sa akin. Kung free ba raw ako, mag kita raw kami, at kung saan kami magkikita dahil mayroon daw siyang mahalagang sasabihin.
May sasabihin ba talagang mahalaga o makikipag away lang siya? Aish!
Nag tungo ako sa The Arcadia dahil doon niya gustong mag tungo ako, hindi naman ako nahirapang makita si Mokong na nakaupo sa wood bench dahil siya lang naman ang nag-iisang tao sa garden ng STEM pero nakatalikod siya sa gawi ko kaya hindi niya pa ako napapansin.
Habang papalit ako nang papalapit ay mas lumalakas ang mahalimuyak na pabango niya. Umupo ako sa upuan na inuupuan niya pero mag kalayo kami dahil nasa isang dulo siya at nasa isang dulo rin ako, nang maramdaman niya ang presensya ko ay gulat pa siyang napatingin sa akin pero bigla siyang umiwas nang bumaba ang tingin niya. Mayroon siyang kinuha sa bulsa niya at inihagis sa akin, isang panyo. "K-Kanina ka pa ba? And could you perhaps cover your t-thighs?"
Walang gana kong tinignan ang legs ko at tama nga siya dahil maikli ang suot ko na dress ay mas lalo pa itong napaikli nang umupo ako, kinuha ko ang ibinato niyang panyo at saka ko ito itinakip. "Ayos na." Sabi ko kaya lumingon na siya sa akin.
"Ano na? Akala ko'y may pag-uusapan?"Tanong ko nang manahimik siya, sinubukan niyang tinignan ako pero umiwas din siya ka agad kaya humarap nalang ako sa paligid ng garden, pabilog ang garden dito kung nasaan kami, may mga halaman, malamang. Pero may apat na wood bench na may iba't ibang design na ang pagkaka-pwesto ay parang, hilaga, silangan, timog at kanluran, tapos sa pinaka-gitna ay mayroong wood swing chair.
"I've heard the full story about what happened between you and my girlfriend. I even checked the security cameras to see what really went down, but unfortunately, the fight didn't happen in a covered area."Panimula niy, kalmado ang boses niya. Hindi ko alam kung sino ang nag sabi sa kaniya ng buong pangyayari, pero sana naman, hindi ako masama sa side ng nag kwento pero okay na, at least nalinawan siya.
"I want to sincerely apologize for both my girlfriend's actions and my own. I was wrong to blame you without hearing your side of the story or trying to understand what happened. I take full responsibility for my behavior."Namilog ang mga mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya, nilingon ko siya at deretsong tinignan sa mata, kanina pa rin pala siya nakatingin sa'kin. Hindi ko inaasahan na magso-sorry siya, akala ko ay kakampihan niya pa ang girlfriend niya.
"Tsk, parang hindi ikaw 'yan, eh. Sige, accepted."Komento ko, tumawa pa ako kaya naman napatawa rin siya. Ilang saglit lang ay mayroon siyang kinuha mula sa bulsa ng pants niya at nilahad ito sa harapan ko.
"Ano naman 'yan?"Tanong ko sa kaniya, kumunot ang noo niya na para bang ang bobo ng tanong ko. "Yakult?"
"Alam ko tanga, I mean, para saan 'yan?"Tanong ko sa kaniya, umakto siya na naintindihan na ang point ko.
"Peace offering,"Sabi niya kaya matagal ko siyang tinitigan habang ang kamay niyang may hawak na yakult ay nanatiling nasa ere. Tinitignan ko kung magjo-joke ba siya o bigla niyang babawiin. "Naninibago ako sa'yo, ah..."Ngisi ko.
"Just accept it, will you?"Aniya, naiirita na. Ang bilis naman niyang mainis, kakabati lang namin, eh.
Kinuha ko na sa kaniya ang yakult na binigay niya at derekta itong ininom na ikinanganga niya. Bakit kaya yakult ang naisip niyang pang peace offering? Gusto ko sana ng Iphone--- Joke.
Tumayo na ako at aalis na sana nang mapatigil ako. "Elishiana..."
First time na tawagin ako sa first name ko, ah...
Nilingon ko siya at hinintay ang sasabihin niya, nakatayo na kasi siya at parang handa akong habulin kung makaalis man ako at nasa malayo na. "Are you okay?"
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...