"Geez! Is she serious na dito talaga? I doubt anyone would want to go to this location..."
Napakamot na lang ako sa inis, kanina pa kasi siya nagsasalita, kung ano-ano ang mga sinasabi niya, ang ingay-ingay niya, to the point na hindi na ako makapag-isip kung ano ang sunod naming gagawin. Andito na kami sa tapat ng malaking gate ng village, and from what he have said, sino nga naman ang pupunta sa ganitong lugar?
But that's the point, they already know that nobody will be coming here kasi nakakatakot at walang ka-ilaw-ilaw, abandoned na nga talaga 'tong lugar na 'to, pero somehow, that's already expected, mula kasi sa mga napapanood kong movies, kapag mayroong naki-kidnapped ay sa abandonadong lugar talaga dinadala.
In fairness, magaling silang humanap ng lugar. Yung lugar talaga kung saan hindi mo na mahahanap or mat-track, walang kasignal-signal dito. I examined the huge gate, makalawang na ito at naka-lock pa kaya hindi namin mabubuksan... Paano kami papasok niyan? Unless...
"SALUHIN mo ako at baka mahulog ako!"Mahinang sabi ko kay Cielo ngunit mayroon diin, this is the plan we came up with-- ang maging akyak village. Maayos naman akong naka-akyat at nakababa, nauna si Cielo na umakyat, syempre, kapag kumalas yung gate sa bigat niya, edi siya mauuna at hindi ko na susubukang umakyat pa.
"This village is huge... saan natin sila hahanapin?"Tanong niya sa akin, hindi ko alam. Hindi ko nga alam kung saan magsisimula, or kung anong gagawin ko. Napalingon ako kay Cielo nang mag balak siyang buksan ang flashlight, agad ko tuloy siyang hinampas sa kamay.
"Huwag! Nakikita mo bang may ilaw dito? Hindi ba? Baka may makakita ng flashlight mo at puntahan tayo. Hindi pa naman natin alam kung ano mga nasa paligid natin... or worse, sino."Saway ko sa kaniya, naaninag ko tuloy na tinaas niya ang kamay niya na parang sumusuko na siya.
"Fine... but how can we walk properly if we can even see anything?"
"Makiramdam ka."Sagot ko rito at nagsimula nang magkalakad dahil kung mag-uusap lang kami rito nang mag-uusap ay wala kaming matatapos o mapupuntahan.
"How? If the only thing I can feel is your love towards me?"Biglang banat niya, napairap tuloy ako. Pati ba naman sa sitwasyong ganito ay nagagawa niyang bumanat. Mamaya pag 'di siya tumigil, katawan niya na babanatin ko.
"Huwag ka maingay."Paalala ko na lang dito kaysa sagutin ang sinabi niya.
"Don't leave me, Elish."Ani niya nang magsimula na akong mag lakad, wala tuloy akong choice kun'di ang balikan siya, hinawakan ko ang kamay niya at saka na ako nag lakad. Tuloy-tuloy lang ang lakad namin, pilit na pinakikiramdaman ang paligid, minsa'y lumilingon ako upang tignan kung maykahina-hinalang nangyayari sa paligid namin.
"Sh*t!"Biglang hirit ni Cielo at naramdaman ko na lang na mabilis siyang umusad, tumigil tuloy ako. "Ano na naman ba?"
"Nothing, natapilok lang ako..."Sagot niya. Tumango na lang ako kahit na gusto ko siyang tawanan sa katangahan niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad, nanatiling magkahawak ang mga kamay namin.
Sabay kaming napatigil ni Cielo sa paglalakad, at gumuhit sa labi ko ang ngiti nang may makita akong isang bahay na bukas ang mga ilaw. Compared sa mga bahay dito ay itong bahay lang na tinitignan ko ang maliwanag at may ilaw talaga. Alam ko na ito rin ang dahilan kung bakit napahinto si Cielo.
"This is it pancit."Bulong ko sa sarili ko. Mag lalakad na sana ako papalapit nang higpitan ni Cielo ang hawak sa kamay ko, humarap ako sa kaniya, nakikita ko na ang mukha niya dahil maliwanag na kaunti dito sa bandang kinatatayuan namin dahil sa liwanag ng bahay.
"Can we build a plan first before going there? What if---"
"Ayan ka naman sa what ifs mo, eh... Sinabi ko naman sa'yo sa umpisa pa lang ay kung natatakot ka na pumunta rito, ayos na ayos lang sa akin na hindi ka sumama. Hindi naman kita pinilit, hindi ba?"Pabulong na sabi ko sa kaniya, umiling-iling naman ang mokong.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomantikThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...