"I-Is telling you how I feel the only way you'll even speak to me?" Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng mainit na hangin na nasa bandang noo ko, nang maidilat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Cielo na nanatili pa rin ang bakas ng pag-iyak sa mukha.
Ang malala pa ay nakasuksok ako sa dibdib niya na agad kong ikinabigla kaya dali-dali akong tumayo at lumayo sa kaniya. Hinila ko pa ang isang unan upang itakip sa aking dibdib sa kadahilanang--- alam niyo na, malamig pa naman ang panahon kaya maaring bumakat.
"A-Anong ginagawa mo rito sa lapag?"Ani ko, mahina man ngunit mayroon diin sa tono. Ahhh this man! Ang akala kong panaginip ko kaya may naririnig akong nagsasalita ay hindi na pala! At kaya naman pala ang himbing ng tulog ko ay dahil sa init ng katawan ni Cielo na bumabalot sa'kin.
"S-Sorry... I can't resist to hug you when I woke up."Ani niya, tila nanlambot naman ang damdamin ko dahil sa naging boses niya. "Pero hindi pa rin tama na rito ka sa sahig matulog kasama ko kasi ang lamig-lamig!"Sermon ko kaya sumimangot siya.
"Edi samahan mo ako sa kama mo,"Aniya kaya napanganga na lang ako, ang lakas ng loob niya. Bumangon siya mula sa pagkakahiga sa kama ko na nasa sahig, nanlaki na lang ang mga mata ko nang mayroon siyang kuhain sa ilalim ng unan na sandalan ko lang.
"Wear your bra first,"Aniya habang hawak-hawak ang strap ng pula kong bra kaya dali-dali ko itong kinuha sa kamay niya at patakbong nag punta sa banyo upang magbihis.
Nang lumabas ako ng banyo ay naka-indian seat na si Cielo ngunit nasa kama ko pa rin na nasa sahig. Lumapit ako sa kaniya at kinapa ang kaniyang noo at leeg. "Masama pa rin ba pakiramdam mo?"
Hindi niya ako sinagot, bagkus ay tinitigan niya lang ako nang matagal. Yup... Andito si Cielo sa loob ng kwarto ko, kahit sa kagustuhan ko na sa loob na lang sana ng kwarto ni JC dahil lalaki siya ay hindi ko naman mababantayan itong lalaking 'to, mahirap naman kung mag labas masok pa ako at baka maistorbo ko si JC na napuyat kagabi kakatulong sa'kin.
Hindi rin maari sa extra room dahil ginawa na namin iyong tambakan. Ewan ko ba, imbis na sana ang una kong gawin ay tawagan ang mga kaibigan niya o mga magulang niya upang ipag-alam na andito si Cielo ay hindi ko magawa, para kasing pasan-pasan ko na yung responsibilidad na alagaan siya dahil kundi siguro dahil sa'kin ay wala sigurong ganito, lalo na't nahimatay pa ang mokong na 'to.
"Elish?"Pagtawag niya matapos ang matagal na katahimikan at pagtitig niya lang sa akin. "Bakit? may masakit ba sa'yo?"Tanong ko.
"Can you never forget that I want you? more than just I like you..."Hindi ko alam kung tanong ba iyon o isang utos na sinasabi niya na huwag ko ngang kalimutan na mayroon siyang damdamin para sa'kin. Imbis na matuloy pa ang drama kahapon ay tatlong beses na lamang akong tumango... In fact, I never forget it, it's just that i am the problem here.
"Osya, kukuha lang ako ng extra bath essentials sa baba, magluluto na rin ako ng pagkain para makainom ka na ng gamot. May gusto ka bang i-request na lutuin ko para sa'yo?"Masinsinang tanong ko sa kaniya, ngumiti siya nang malawak na tila ba kinikilig sa mga sinabi ko pero sa huli ay umiling-iling siya.
"O sige, bumalik ka na sa kama dahil malamig ang sahig. Sige na... Lalabas na muna ako at magpahinga ka muna, ha?"Sabi ko at tumayo na, tinaas naman niya ang dalawang kamay niya na senyales na nagpapatulong sa pagtayo. Nang hawakan ko ang kamay niya ay naramdaman ko ka-agad ang init na nagmumula sa katawan niya.
Nang lumabas ako ng kwarto ay agad akong nagtungo sa baba upang kumuha ng mga bath essentials na ipinahatid ko kay JC sa kwarto ko dahil maghahanda na ako ng mga ingredients para sa lulutuin ko.
Alas-tres na pala nang umaga nang makatulog kami ni JC dahil sa kaka-asikaso kay mokong, talagang nilalagnat siya ng apoy, inisip ko pa nga na baka dahil sa'kin iyon kasi nagkaroon din ako ng lagnat. Ako ang nagpunas ng katawan ni Cielo pero sa taas na bahagi lang dahil wala naman akong balak na hubarin ang... pangibaba niya dahil si JC ang pinagawa ko no'n, 'yung pants lang naman.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...