Chapter 14 TATVSW

74 4 0
                                    

Ang plano sana naming mag-ikot-ikot at kami mismo ang maga-announce sa bawat room ay natigil, base sa kanila, gumawa si Cielo ng ibang plano pero as a suggestion lang na tinake na nila as granted. 

Kung saan nag naghahanda si Cielo ng script, nag lagay ng requirements and such na kinakailangan para ma-allow kang sumali as a candidate for President, and then ipapa-print na lang ito then ibibigay sa kada President ng room so that sila na lang mismo ang maga-announce sa mga classmates nila, still, kinakailangan pa rin namin puntahan isa-isa ang classroom pero hindi na mapapagod ang boses namin.

Ngayon, bago namin i-print, kinakailangan ko na munang makita ang copy kaya naman agad kong tinext si Cielo, naka-save naman sa akin ang number niya. 'hoy, san ka? Tingin nga ng script mo.'

Habang naghihintay ako ng sagot ay nakarinig ako ng tunog ng notification na hindi naman galing sa akin hanggang makakita ako ng taong tumakbo paakyat ng hagdan, napatakip naman ako sa bibig nang muntikan na itong madapa.

Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko sa kamay ko ang pag-vibrate ng phone ko, tumatawag si Mokong sa akin. Bakit kaya hindi na lang niya i-text kung nasaan siya? Aish! Sinagot ko na lang ang tawag. Hindi ako nagsalita dahil siya ang tumawag kaya dapat siya ang mauna.

[W-Why are you curious?]Hindi ko alam kung ikukunot ko ba ang ulo ko dahil obviously na sinabi ko sa kanya sa text ang dahilan pero nag tanong pa siya o sasabihin ko sa kaniya ang nalaman ko ngayon-ngayon lang?

"Good actor, ah. Hindi ba't ikaw ang tumakbo pa akyat na muntikan pa madapa?"Tanong ko rito kaya namutawi ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, gotcha! At ano naman ang ginagawa niya dito sa building namin? Nakiki-chismis na naman ba siya?

[H-Ha? N-Nasa classroom ako, alam mo naman at---]Hindi ko na siya pinatapos dahil pinatay ko na ito at alam ko naman na kung ano ang ibig niyang sabihin. Nag tungo na ka agad ako sa building nila, nakita ko naman siya na mula sa bintana na nakaupo at nakatutok ang mga mata sa cellphone't nagtitipa.

Nag lakad na ako palapit sa room kaya nakita na rin ako ng mga kaibigan niya na kanina lang ay nakita kong nag rarambulan, James at Zion, nag paunahan pang pumunta sina Zion at James sa pintuan para buksan iyon at salabungin ako. 

"Hi, Elish!/Hi Mare!"Sabay na bati nina Zion at James na sinuklian ko ng tipid ng ngiti bago pumasok nang wala ng paalam, wala naman silang klase ngayon at nasa labas din ang iba nilang classmate. Napalunok pa ako nang madiin sa sobrang lamig dito sa classroom nila na parang tinodo nila ang aircon.

Nang makalapit ako sa way ni Cielo ay napalingon ako kay Zeus na ngumiti sa akin bago bumalik sa pag babasa ang mga mata. Inangat ni Cielo ang mga mata sa'kin, hinila niya ang isang upuan patabi sa upuan niya at saka ito tinapik, senyales na doon ako maupo na ginawa ko naman.

Kinuha niya ang laptop niya at pinahiram sa akin ito. "Kailan ka pa nag pahawak ng laptop mo!?"Singhal ni James na nasa harapan na pala namin. "Alam mo ba, Mare. Hindi nagpapahiram ng laptop 'yan kahit kanino, feeling ko may mga bold 'yan siya diyan kaya gan'yan, eh."Dagdag nito.

"Shut up!"Iritang sabi ni Cielo, tinaas naman ni James ang dalawang kamay na parang sumusuko at saka umalis na upang ipagpatuloy ang pakikipag kulitan kay Zion.

Binasa ko na ang script niya at nararamdaman ko ang tingin niya sa akin na parang binabasa ang reaction ko habang binabasa ko ang script. Naramdaman ko kung paano siya umiwas ng tingin nang lingunin ko siya.

"Sa iyo lang talaga 'to galing?"Tanong ko nang ibalik ang mga mata sa laptop niya. Para akong nagp-proof reading sa isang research part na ginawa ng classmate ko. "You like it?"Tanong niya.

"I love it,"Wala sa sariling sinabi ko na kahit ako ay hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin ko. Well, everything about it appealed to me, such as the strategic value, qualifications, contributions, formalities, and designations: overall speech, typography, solemnity, annotations, constraints, and other regulations. "Kindly share it to my email address. I had to leave."

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon