Chapter 69 TATVSW

26 1 0
                                    

"If I am illegally adopted... then who are my parents?"Madaling araw na ngunit tulala pa rin si Cielo sa kisame ng kwarto niya, malalim ang iniisip, at lahat ng iyon ay tungkol sa totoong pagkakakilanlan niya. 

Hindi pa rin niya tanggap kung paano siya winalay sa tunay niyang mga magulang, kating-kati na siyang malaman kung sino ba talaga siya, gustuhin man niyang kumprontahin at taungin ang peke niyang magulang ay hindi niya magawa-gawa dahil baka maibuhos niya lang ang galit niya sa mga ito na ilang araw na rin niyang kinikimkim, lalo na sa ama-amahan niya. 

Hindi rin niya matanong ang mga ito dahil pakiramdam niya ay hindi siya sasagutin ng mga 'to at baka gumawa lang sila ng panibagong kasinungalingan para matakpan ang mga nalaman niya, kaya naman ano pa ba ang gagawin niya? Edi siya na lang ang hahanap ng kasagutan sa mga tanong niya. 

Matapos pa ang ilang minutong pag-iisip nang malalim ay bumangon siya at tiningnan ang oras sa cellphone. 2:34 AM pa lang naman, mahaba-haba pa ang oras niya bago lumitaw ang araw. 

Agad na lumabas si Cielo sa kwarto nito at nag tungo sa opisina ng ama-amahan niya, naghahangad na mayroon siyang mahanap na mapakikinabangan niya, pero lumipas na ang isa't kalahating oras ay wala pa rin siyang mahanap, lahat ng mga papeles at folders ay puro para sa kompanya. 

Sumuko na si Cielo kakahanap kaya naman nilibot na lang niya ang mga mata sa buong opisina ng ama-amahan, baka mayroon siyang pagka-interesan. Nakita niya ang family picture nila na nakasabit sa dingding, malapit ito sa mga bookshelves ng ama-amahan niya.

Tinungo niya ito at kinuha ang family pictures, mariin itong tiningnan ni Cielo, lahat sila ay nakangiti, mukha silang pamilya na puno ng pag mamahalan. Napangisi si Cielo sa naisip niyang 'yon. 

"A lineage burdened by a legacy of veiled and bloody truths."pabulong na sabi ni Cielo habang nakatingin pa rin sa family portrait. Napailing na lang siya at ibabalik na sana ang picture frame nang mapansin niyang mayroong switch kung saan kung ibabalik niya ang family picture ay matatakpan ito. 

Hindi nag dalawang isip si Cielo na kalikutin ang switch, nag-aatay siya ng mangyayari at napa-atras nang ang bookshelves ng ama-amahan niya ay umatras at nag slide ito pakanan, revealing another room. 

Pinasok ito ni Cielo at nagulantang sa mga nakita niya, may mga TV screens kung saan naka-connect dito ang mga CCTV cameras, pero ang ikinagulantang niya ay hindi ang mga live time monitor sa buong bahay nila, kundi ang katotohanang pati ang tapat na bahay nila Elishiana ay mino-monitor ng ama-amahan niya, ganoon din ang school ni Eli. 

Nilibot niya pa ang mga mata niya at nakita ang isang pinning board na punong-puno ng mga pictures, pins, papers, at yarns na nagco-connect connect sa mga naka-pin sa board. Sinuri ni Cielo ang mga pictures at para bang lahat ng dugo niya ay tumaas lalo na nang makita na halos puro pictures ng asawa niya ang nakadikit sa pinning board. 

May mga pictures din ng mga kapatid ni Elishiana na hindi niya maintindihan kung para saan ito. 

Lahat ng mga nakuha niyang evidences na connected sa kaniya o kay Elishiana ay kinuha niya at kinunan ng litrator, pati ang lahat ng mga CCTV records ay sinend niya sa phone niya atsaka ito dinelete ni Cielo sa monitor ng ama-amahan niya, pati na rin ang CCTV ngayong araw upang hindi makita na pumasok siya sa opsina ng ama niya, nang matapos kalikutin ang tungkol sa CCTV ay pinatay ito ni Cielo para akalain ng ama niya na may problema sa CCTV nila. 

Binuksan naman ni Cielo ang glass cabinet, punong-puno ito ng folders kaya. Isa-isa niya itong tiningnan hanggang sa makita niya ang folder na may pangalan na'Cian'. Kinuha 'to ni Cielo, para bang andito na lahat ng mga kasagutan na gusto niyang malaman. 

Nang makuha na ni Cielo ang mga kailangan niya ay lumabas na siya ng kwarto at saka ito sinara gamit ang pag off ng switch, binalik na rin niya ang picture frame, at nang sa tingin niya ay naayos na niya ang lahat ay lumabas na siya ng opina ng ama-amahan niya at bumalik na sa sariling kwarto.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon