Chapter 63 TATVSW

37 0 0
                                    

"She's the best lola."Panimulang kwento ni Cielo.

Now it all make sense kung para kanino ang bulaklak na nakita ko. Kasalukuyan kaming nasa sementeryo, at nasa loob ng isang mausoleum, ang mga apilyido na naririto ay puro Sullivan na middle name ni Cielo, means, puro angkan ito ng mommy ni Cielo.

"That day you tried to end things, fate played its cruelest joke. Her loss, especially the impact on my mother... It's... It's devastating."Sabi ni Cielo at ibinaba ang bulaklak na dala-dala niya. Hindi ko alam kung bakit niya ito ikinukwento sa'kin, para ba iparating niya na hindi siya naging maayos kailanman sa buong ilang linggo?

Nag sindi siya ng candle at kinuha ang papel niya na sa pagkakatingin ko ay prayer ata. Pinanood ko lang siya habang nagdarasal nang tahimik para sa lola niya. Gosh, I can't grasp the severity of his emotional pain. The process of accepting such a tragic event must have been incredibly difficult. His heart must have been ravaged by sorrow.

And yet, wala akong kaalam-alam. Dahil sa ginawa ko na padalos-dalos ay wala siyang nakapitan, tapos bilang panganay siya, isa siya sa mas kinakapitan ng mommy niya na sa tingin ko ay nagluluksa pa rin hanggang ngayon. Pero siya? kanino siya kumakapit? Wala.

He should've texted me, kahit na hindi kami okay noong oras na 'yon, dadamayan ko siya... 'cause I love him. Hindi ko kayang isipin ang mga nararamdaman niya noon, na sana ngayon na naging ayos na kami ay nabawasan.

Bumalik lang ako sa diwa ko nang mag salita siya. "You wanna pray with me for Lola?"Tanong niya, tumango naman ako at tumayo upang samahan siya.


MATAPOS kaming mag dasal ay kumain kami ng snacks, tapos nag simula na siyang mag kwento tungkol sa lola niya, yung mga memories niya with her, and are so adorable and cherishable.

Nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya habang binabalikan ang nakaraan kahit na pilit siyang ngumingiti dahil siguro ang mga kinukwento niya ay masasaya lahat--- lahat na memories na lang at hindi na mauulit pa.

Parang nawala ang Cielo na nakausap ko kanina na malamig ang pakikitungo sa akin, ngayon, ang nakikita ko ay ang Cielo na bata. Parang nakalimutan namin ang gulong nangyari sa aming dalawa at nag focus na muna sa sitwasyong 'to.

I can feel how he feels right now, I once experienced na mamatayan, kahit na sabihin nating hindi talaga si mommy ang pinagluksaan ko noon ay nag luksa pa rin ako nang sobra dahil akala ko si mommy 'yon... Akala ko siya ang namatay.

"I got to spend the kind of quality time with my grandma for the first time, that I'd like to think my parents would be able to give me..."Agad ako lumapit sa kaniya nang pumatak na ang luha niya, niyakap ko siya at pinasandal siya sa dibdib ko upang doon siya umiyak, ganito ang ginagawa ko sa mga kapatid ko kapag sobra silang nasasaktan, ayoko rin kasi silang makitang umiiyak dahil nasasaktan ako.

"S-She was the first to give me a sense of my worth.... yet, people like her are now steadily disappearing from my life."Iyak niya pa kaya mas lalo kong siyang pinatahan, walang salitang lumalabas sa mga bibig ko dahil alam ko na hindi 'yon sapat upang tanggalin yung sakit na nararamdaman niya, lalo na ngayon na mukhang alam niyang ako na ang sunod na mawawala...

"I-I need you right now, Elish."Biglang sabi ni Cielo kaya tuluyan na rin pumatak ang luha ko. God, why must people endure this kind of situation? Nobody deserves to suffer pain... Ugh! Bakit ko ba sinasabi 'to, eh, ako nga mismo, sinaktan siya.


NASA loob kami ng bahay ko kaya tahimik, hindi pa kasi gustong umuwi ni Cielo dahil ayaw niyang marinig o makita na umiiyak na naman ang mommy niya. He's so drained kaya hindi na niya muna kayang patahanin ang mommy niya... sabi niya.

The Art of The Vengeance of a Superior WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon