"With this water, we call to mind Elizabeth Annie H. Ramirez's baptism. As Christ went through the deep waters of death for us, so may he bring Elizabeth to the fullness of resurrection and life with all the redeemed. Amen."
Onti-onting binabasbasan ng pare ang kabaong ni Elishiana habang ang karamihan ay tahimik na nanonood, habang ang iba ay puno ng iyakan lalong-lalo na si Jayden na nag lulumpasay na sa sahig kahit na anong pagpapakalma ang gawin sa kaniya.
Habang si Elishiana sa gilid ay derektang nakatingin lang sa ginagawa ng pari, gustuhin man niyang umiyak ay hindi na nito magawa, para bang ang susunod na magiging iyak niya ay dugo na, nauubusan na siya ng tubig sa katawan na mailalabas pa.
Si Felicia naman ay tahimik na humihikbi, kahit na hindi matagal ang pinagsamahan nila ni Elizabeth ay itinuring niya itong anak kahit seguno pa lang nang simula niya itong makasama, ang pakiramdam niya ngayon ay ang pakiramdam niya noong nakunan siya, para bang nawalan ulit siya ng anak ngayon sa nangyari dahil ang turing niya rito ay parang iisang dugo lang talaga ang dinadaluyan nila.
Lalo na at ipinaramdam din ni Elizabeth na tunay na ina ang turing niya kay Felicia, hindi nito naramdaman na isa siyang step mother dito. Binigyang buhay ni Elizabeth si Felicia na mag mahal muli ng isang batang anak na dapat ay naranasan niya noon sa babae niyang anak na hindi man lang naisilang sa mundong ibabaw.
Sa kabilang banda naman ay si Eunjiane, ang mga magulang nito at ang nakatakdang ikakasal kay Elishiana ay tahimik lang din, nakatago ang mga mukha nila upang hindi sila makilala o makita ng mga taong hindi nila kapamilya, ngunit kahit tahimik si Eunjiane, sa loob nito ay nag hihinagpis na ito.
Katulad ng ugali ni Elishiana, ayaw nitong makita siyang umiiyak ng ibang tao dahil ayaw nitong ipakitang may kahinaan siya at nanghihina siya sa mga oras na ito.
Napatingin pa ito kay Felicia na ngayo'y umiiyak na sa dibdib ng ama ng mga anak niya, hinahaplos pa nito ang likod ni Felicia upang kumalma ito sa kakaiyak, ngunit agad itong umiwas ng tingin nang mag tama ang mga mata nila ni Keithan, tila ba parang mas lalong bumigat ang dibdib niya ngunit hindi niya mawari kung bakit.
Nagulat na lamang si Eunjiane nang lumapit sa kaniya si Cielo at nag lahad ito ng panyo. Agad naman itong tinanggap ni Eunjiane ngunit hindi ito nag pasalamat, hindi niya ugaling mag thank you.
Alam ni Cielo ang nararamdaman ng ina ng asawa niya, nakita kasi nito ang mga sulyap ng ina ni Elishiana sa ama ni Elishiana, at alam din niya ang history ng dalawa dahil ikinuwento ito ni Elishiana sa kaniya.
"Kuya?"Lumingon si Cielo kay Zycriel nang tawagin siya nito, agad muna silang lumayo sa mga tao dahil parang may nais itong sabihin. "Why? Nagugutom ka na ba?"
"No, but who's that?"Tanong ni Zycriel at saka tinuro ang babaeng nasa pinaka-gilid at malayo kaunti sa mga tao, naka puti itong dress na hanggang talampakan na mayroong mahabang sleeves, nakatalukbong din ito ng puting tela sa uluhan na tumatakip ng mukha nito.
Pinag masdan naman ito ni Cielo, naalala niya ang babaeng nakausap niya noong libing ng asawa niya, ang pangangatawan nito, ang kasuutan, ang taas nito ay nakakaparehas dito pero kung siya man ang nakausap ni Cielo noon, bakit andito ulit siya? Nagugutom na naman ba siya? E, hindi naman siya kamag-anak nila Elishiana.
"I don't know... haven't met her."Sagot na lang ni Cielo, ayaw na niyang makialam pa, kung ano man ang mga katanungan niya ngayon tungkol sa babae ay hanggang doon na lang iyon, hindi na niya ito nais pa bigyan ng kasagutan.
HANGGANG ngayon ay hindi makapaniwala si Cielo na si Elizabeth ang susunod na namayapa, ngayon, mag-isa na lamang si Jayden dahil wala na ang mga kapatid nito, maliban kay Xavien na half-brother nito.
BINABASA MO ANG
The Art of The Vengeance of a Superior Woman
RomanceThe Bloodlines of Aristocracy Series #1 Si Elishiana, ang babaeng tinaguriang laging iniiwanan. Iniwanan nang nag-iisa sa gitna ng unos, siya babaeng napilitang maging haligi ng kanilang tahanan kahit bata pa. Ang bigat ng mga kasalanan ng kanyang m...